Archive for the ‘pagibig’ Category

Matagal nang niluluto ng utak ko ang post na ito pero natatakot din ako na magamit sa mali. Pero sa araw na ito, siguro nga oras na para ilantad ko ang ilang modernong paraan at tips sa panliligaw. May kalakip na sumpa ang pagbabasa nito nang may maling intensyon. Kaya mag-ingat ka. Disclaimer muna… Para [...]

Kung ayaw mo, wag mo.. Kadalasan maririnig kapag may batang sinusubuan tapos ayaw na kumain. O di kaya kapag may inaalok ka tapos tahasan kang tinatanggihan. Tagalog equivalent ng “Your loss, not mine” although kung pipilitin, magiging “If you don’t want, don’t” so walang masyadong sense. XD Kung ayaw mo, wag mo… Ibig sabihin, ikaw [...]

Opo. Galit ako sa mga Assumptionista. Hep hep hep… Bago po magreact ang mga kaibigan nating nag-aral/nag-aaral sa Assumption, lilinawin ko muna ang definition. Ang “Assumptionista” ay isang specie ng kababaihan at kalalakihan ngayon. Ang scientific name ay: Pagnatitigan gustonaagadsis. At sa artikulong ito, susubukan kong ipakilala sa inyo ang mga taong ito. The Female [...]

Sorry kung tunog masungit na matandang dalaga ako. Pero ito ang totoo kong nararamdaman kaya magpapakaprangka na ako. Mga Pilipina, ano ba ang standard mo sa pagiging babae? Payag ka bang maging chick? Ako kasi hindi. Sa facebook, di ako proud na magcomment ng “CHOZ.” “Yun o!” o kaya smiley sa comment ng lalaking alanganing [...]

Love is in the air. Ganyan daw pag Pebrero na. Ang mga Pinoy nga naman. Katatapos lang ng Pasko, naghahanap na naman ng pagkakagastusan. Dahil accounting major ako, hayaan ninyong gabayan ko kayo sa pinansiyal na aspeto ng Balentayms Day: For girls: Php 150 – Pang-unli load para hindi maantala ang unlimited textan at tawagan. [...]

M.U. Abbreviation ng “mutual understanding”. Ano ba yang M.U. na yan? Ang alam ko, sa aking gunita, noong bandang late 80′s or early 90′s isinilang ang M.U. Nung lumalaki ako, laging lumilitaw sa mga punch line ng commercials ang M.U. Parang youth jargon na equivalent ng “eyeball”, “tweet”, at “trending” ngayon. (At talagang nag-enjoy ako [...]

6. The EJ – aka “effeminate joe” Strengths: too good to be true Weaknesses: too good to be true Attacks: “I completely understand”; “Kung ako siya, aalagaan kita”; “You deserve better (better=me)” Si EJ yung tipong marunong mag-lettering at mag-cross stitch, marunong magtirintas, mag-bake, magluto, at manahi. Very sociable lalo na sa girls. Napagkakamalang silahis [...]

Author’s Note/Disclaimer: Di ko kinakahon ang mga kalalakihan. Ang mga sumusunod ay mga obserbasyon lamang sa 23 taon na nilagi ko sa ibabaw ng lupa. Di aktwal na mga pangalan ito. Ngunit inaamin kong isinulat ko ang mga ito nang may mga taong naiisip. Kaya sa mga lalaking kilala ko, pasensya na. Pero wag naman [...]

Pakipot. Masungit. Mataray. Hard-to-get. Sa panahon ngayon na piso tumpok na ang textmate, chatmate, at facebook friends, mistulang insulto na ang matawag na ganyan. Sa panahon ngayon, madalas ko marinig na kapag di raw ako nagbago, tatanda akong dalaga, mag-isa, at nakaupo sa tumba tumba (rocking chair). E ano ngayon? Noong nagdadalaga pa lang ako, [...]