10 species of men: Anong tipo ang tipo mo? (part1)

Author’s Note/Disclaimer: Di ko kinakahon ang mga kalalakihan. Ang mga sumusunod ay mga obserbasyon lamang sa 23 taon na nilagi ko sa ibabaw ng lupa. Di aktwal na mga pangalan ito. Ngunit inaamin kong isinulat ko ang mga ito nang may mga taong naiisip. Kaya sa mga lalaking kilala ko, pasensya na. Pero wag naman sana assuming.

1. The RJ – aka “rare joe”

  • Strengths: good looks, class
  • Weaknesses: knows he’s gwapo and thinks he’s God’s gift to womankind
  • Attacks: man of few words front, smoldering gaze, shy confidence

Si RJ ay mestisuhin, matangkad, maganda ang pangangatawan, gwapo, mabait, magalang, mayaman, magaling magdala ng damit, at maayos sa klase. Siya yung tipong pag birthday mo at pumunta siya sa party mo, e sikat ka sa buong klase o eskwelahan. Kadalasan, sa elementarya o high school kumikinang si RJ. Marahil ay mas gwapo siya sa gunita kaysa sa aktwal. Kasi nga bata ka pa noon at lahat ng kaklase mong babae at silahis ay kinikilig sa kanya. Madalas kang makawalis ng mga piraso ng papel na may computation ng “FLAMES” na siya ang kapares. Dahil nga siya’y likas na tahimik at magalang, napagkakamalang mature na talaga naming hanep makahatak ng chicks dahil mysterious type kuno. Kung ok sayo sumali sa bandwagon at makaranas pagtulung-tulungang awayin ng mga admirers niya, si RJ ang swak sa’yo. Pero mag-ingat dahil lapitin siya ng mga girls at too polite not to patol si RJ.

2. The AJ – aka “athletic joe”

  • Strengths: athletic, nice body, cool, popular, eye candy
  • Weaknesses: academically challenged, too busy to study, all play and no work attitude
  • Attacks: tititig sayo sabay sabi ng: “Parakay (insert name here)” bago mag-free throw

Basketball, volleyball, soccer, sepak takraw, chess, jolens, pati pusoy dos – lahat yan yakang-yaka ni AJ. Stariray at varsity player, makikitang may hawak na panyo (pamunas ng pawis), naka-jersey, may hawak na Gatorade, at naka-slippers si AJ. (Nakaslippers dahil alagang-alaga ang mamahaling rubber shoes kaya nasa loob ng sports bag.) Hindi siya nagdadala ng bola dahil pag gusto niya maglaro at pumunta siya sa court, walang nag-aatubili na isali siya sa laro dahil may mad skillz siya. Madalas excused sa klase dahil may sports meet si AJ, dahilan para mag-cutting class ang mga fans niya para lang mag-cheer. Hindi nawawalan ng girlfriend si AJ. At masarap ang buhay niya dahil marunong siya pumili ng girlfriend na tiga-punas ng pawis, masahista, water girl, cheerleader, at taga-gawa ng assignment at thesis. Kung willing kang gawin yan lahat, swak si AJ sa panlasa mo. Fair warning lang: Di lahat ng AJ umaabot sa PBA kaya malaki ang posibilidad na magiging professional player siya sa liga sa baranggay at magiging hari ng pustahan sa basketball baling araw. Yan ay lalo na kung ang tanging dahilan ng pagpasa niya ay ikaw ang gumagawa ng schoolwork niya. Oo nga pala… chickboy din si AJ pero di niya sinasadya.

3. The LJ – aka “learner joe”

  • Strength: powerful brain,
  • Weaknesses: weak physique, awkward social skills
  • Attacks: pagkatapos magrecite, taas noo at nakasmirk tapos titingin sayo; ihahack ang fb account mo at lalagyan ng encrypted messages; ipapasuot sayo ang medal niya sa recognition day

Kung tulad ko ay allergic ka sa hipon o yung tipong di ginagamit ang ulo, si LJ ang bagay sa’yo. Siya yung tipong di kailangan sumubsob sa pag-aaral o magka-eye bags sa puyat para makakuha ng mataas na grades. Ang tindi ng cool factor ni LJ pag sumasagot siya sa recitation kahit halatang di siya nakikinig sa lecture at natutulog lang. Magaling din kadalasan sa video games si LJ at may pagka-geek. Kaya naman di mabenta si LJ at di napapansin ng iba. Pero malamang di siya interesado sa’yo liban kung kaya mong magbasa ng love letter na C++ ang language o di kaya ay magrecite ng elements ng periodic table pag bored kayo. Loyal si SJ pero wag asahang ipagbubuhat ka niya ng bag dahil hihikain siya. At wag mo din asahang ihahatid ka niya pag gabi dahil alam niya ang crime rate ng lugar ninyo at saka full na ang energy niya nun sa tetris, mafia wars, at cityville.

4. The MJ – aka “mama’s joe”

  • Strengths: gentleman, polite, sensitive, sweet, neat
  • Weaknesses: iyakin, nagsusumbong sa nanay
  • Attacks: beautiful eyes; pa-awa effect; di makabasag pinggan

Ano bang special kay MJ? Wala naman. Pero kung mama niya ang tatanungin, he’s an adorable teddy bear with a heart that’s made of cotton candy, rainbows, and stardust. Si MJ yung nakakapit sa saya ng mama niya. Iyakin at sensitive siya kaya di sikat sa tropa ng boys. Pero naman pag may school program o group project, pinakabongga ang kanya. Magpupuyat ang mama niya kakagawa ng parol, costumes, o sa pag-choreograph ng speech choir niyo. Kung malakas ang maternal instinct mo at maaga kang magmature ay maaattract ka ni MJ. Pero mag-ingat mabuti. Iisang babae lang ang kailangan mo pakisamahan at bantayan at iyan ay ang nanay niya. Ano nga ba yung cliché about mga biyenan? Multiply that exponentially.

5. The CJ – aka “clown joe”

  • Strengths: sense of humor, sense of humor, sense of humor
  • Weaknesses: dinadaan lahat sa biro, nakakahiya kasama minsan
  • Attacks: sob story; pick-up lines; insert joke here tapos: “O ayan. Ang ganda mo talaga lalo pag nakangiti. Kaya di kita paiiyakin.”; stare wars (i-eexplain ko to next blog)

Kadalasan, si CJ ay di kagwapuhan, maliit, makulit, at maligalig. Dahil nga may mga angking kakulangan, binabalanse niya ng angking kakayanan. Dinadaan sa magic, pangungulit, pagbibiro, at palaging pagbakod ni CJ ang kanyang bibiktimahin. Madalas napaliligiran ng mga babaeng naghahagikgikan si CJ dahil agi siyang may kwento, biro, o kantang binibida. Pero kung trip ka niya, ikaw lang ang di niya nilalait. At sumeseryoso siya kuno pag ikaw ang kaharap. May mga baong sob stories si CJ tungkol sa pamilya niya o sa ex niya kaya napapain niya ang mga kababaihan. Dahil magaling maghabi ng salita, madali makalusot sa kalokohan si CJ. Dobleng ingat ang kailangan.

May 5 pa sa susunod na post…

8 responses to “10 species of men: Anong tipo ang tipo mo? (part1)

  1. Hi Abby! My bestfriends and I made something like this back in our college days. We label your Rare Joe as “Guni-guni”. Given his qualities, perfect sya for a bf. Di ba? Nice work there, nakakatawa.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s