10 species of men: Anong tipo ang tipo mo? (part2)

6. The EJ – aka “effeminate joe”

  • Strengths: too good to be true
  • Weaknesses: too good to be true
  • Attacks: “I completely understand”; “Kung ako siya, aalagaan kita”; “You deserve better (better=me)”

Si EJ yung tipong marunong mag-lettering at mag-cross stitch, marunong magtirintas, mag-bake, magluto, at manahi. Very sociable lalo na sa girls. Napagkakamalang silahis at bading dahil nga mas sanay makisama sa mga babae. Madalas OFW ang tatay o palaki ng lola, si EJ ay may ideal woman na inaasinta. Madalas mahilig din mag-aral at mukhang malayo ang mararating ni EJ. May angkin siyang galing sa musika o sayaw o iba pang form ng art. Very creative at expressive si EJ at di agad naiinip sa pagsama sa shopping trips mo. Wala naming major complications si EJ pero mas babae pa siya sayo at matagal pa maligo sayo kaya bantayang maigi.

7. The DJ – aka “dark joe”

  • Strengths: angas
  • Weaknesses: angas, short life span dahil mabisyo
  • Attacks: no approved therapeautic claims

Pag naglalakad si DJ sa school, may background music na metal. Madalas naka-itim, mahaba ang buhok, mukhang 3 buwan nang di naligo, mabisyo, at masama makatingin si DJ. Madalang magsalita at kung magsalita man ay hitik sa mura o pabulyaw kaya kinatatakutan si DJ. Metal ang trip o di kaya ay mahilig lang magbisyo, tumitig sa karimlan, at makakita ng dugo. Dinadaan ni DJ sa angas ang lahat. Kung siya ang tipo mo, bahala ka na. Di kita naiintindihan. Sayang ka girl. No further comment.

8. The BJ – aka “Bible joe”

  • Strengths: godly, “mature”
  • Weaknesses: uncool; biglang kumakambyo ang personality pag nakatungtong sa church grounds; lapitin ng girls
  • Attacks: The Power of Prayer: “Sister, ikaw daw will ni Lord for me, partner sa ministry”; kuya-kuyahan kuno; words of encouragement; The three-step: Evangeligaw, Bible Steady, Disciplechicks (more about this sa sunod na blog)

Maka-Diyos at makatao. Ganyan si BJ. May verse & quotation for every occasion. Pinakasikat at cool sa lahat ng youth sa church. Musician, dancer, artista sa church presentations, maaaring anak ng pastor o worker, at aktibo si BJ sa church activities. Maraming BJ sa seminaryo. Sila yung tipong ipagppray ka at palaging itatanong kung may prayer request ka. Hihingi o magpapaprint yan ng picture mo – kahit tipong baby picture na inarbor sa wallet. Tapos iiipit sa Bible para maalala ka daw ipagpray tuwing nagbubuklat ng Bible. Hinihingi ka raw niya kay Lord kaya kulang na lang magtayo ng altar na may buhok at patak ng dugo mo kasama ng nakatirik na kandila. Simple lang pero delikado si BJ. Malinis tumrabaho. Madali kasi mag-open up ang mga girls sa kanya dahil nga may takot sa Diyos at kuya figure. Kung may sob stories si CJ, si BJ naman ay may bad boy past na proudly ikinukwento niya. Kaya naman nakakagulat pag natanso ka ni BJ. Sa totoo lang, di lahat ng maka-Diyos ay sumusunod sa Diyos.

9. The PJ – aka “pikit joe”

  • Strengths: unknown
  • Weaknesses: unknown
  • Attacks: unknown

Kumbaga sa pokemon pokedex, no data found. Di ko inabot ang kasagsagan ng pag-uso ng mga singkit. Si PJ ay tinatawag ding “pajama joe” dahil madalas naka-multicolor pajama na checkered. Palibhasa bulol at mukhang galling sa koreanovela, biglang pumatok si PJ.

10.  The TJ – aka “total joe”

Si TJ ay pinaghalo-halo ng lahat ng strengths ng naunang siyam. Marunong mag-gitara, may itsura, mabait, may sense of humor, varsity, sociable, at tipong whole package. Kung pokemon siya, siya si Mewtwo. Malupit si TJ at di nababasted dahil di pa siya nanliligaw, sila na. Ang pinakamatinding atake niya ay ang M.U. Imba. Epic. God-mode. Infinite. Yan si TJ. At kung may weakness man siya, kadalasan ay taste. Tawa na lang ang naka-gets.

 

My dear girls, ingat sa pagpili. Walang perpektong lalaki lalo na’t kung ikaw mismo ay di perpekto. Pero maraming pasakit ang di mo na dapat pagdaanan bago mo matutunan ang mga aral. Don’t settle for anything less than the best. Lalong don’t settle down with anyone less than who’s best for you.

 

 

6 responses to “10 species of men: Anong tipo ang tipo mo? (part2)

    • May mga kilala akong ganyan at may ibang experience na hinugot ko sa mga kaibigan. Kung sa natanso naman, oo. May experience na ko. Pero di naman dahil naging kami.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s