Pag pinaghihirapan, pinahahalagahan

Pakipot. Masungit. Mataray. Hard-to-get.

Sa panahon ngayon na piso tumpok na ang textmate, chatmate, at facebook friends, mistulang insulto na ang matawag na ganyan. Sa panahon ngayon, madalas ko marinig na kapag di raw ako nagbago, tatanda akong dalaga, mag-isa, at nakaupo sa tumba tumba (rocking chair). E ano ngayon?

Noong nagdadalaga pa lang ako, di pa uso ang cellphone. Kaya walang relasyon na nabubuo sa text o sa chat. Kung gusto mo na maalala ka ng crush mo maya’t-maya, padadalhan mo siya ng isang pakete ng love notes na may: “smile before you open” at definite time kung kailan mo ito gusting basahin tulad ng: “read before you eat” o di kaya e “read at exactly 9:00 pm”. Masaya na ang mga binata noon sa pagpapapansin at sa pag-eeffort magpakilig. At di trabaho ng mga kababaihan na pansinin sila. Ibibigay nila ang sulat. Prerogative mo na kung babasahin mo o hindi. Di kailangang magreply ASAP, textbk please, o magkandarapa magtext pag nakataggap ng blank message.

Blank message. Yung tutunog ang phone mo pero pagbukas mo ng message e walang laman. Ang blank message na may kapangyarihan magpalakas ng benta ng e-load, autoload, at ng unlitext… Ano nga ba ang alamat ng blank message na ‘yan? Bakit pag may katext ka at di ka nakasagot agad e may matatanggap kang blank message? Sino nagpauso nun? Yun ba ang text equivalent ng dead air sa personal? O ng kalabit sa di namamansin? Sinong kulapo ba ang nakaisip na: “Aba, di nagrereply. Makapagsend nga ng blank message para alam niyang naghihintay ako…”? Kung sino ka man, mabulunan ka sana.

Dahil sa blank message na kinatatakutan, nauso ang pagpupuyat kakatext. Parang krimen matulog pag buhay pa ang katawang lupa ng katext mo. Samantalang noong dalagita pa ako, pag nagpuyat ka sa kakasulat ng love letter, babansagan kang patay na patay sa crush mo. Nakakahiya. Pero ngayon, buhay na patay na ang lahat – mga zombie na nakatutok sa cellphone at laptop. Dati, di uso ang babaing expressive through words. Walang bumabanat ng: “Kain na you”, “Sleep na po kaw”, o “Miss u, tke care”. Nangongolekta kami ng stationery pero madalang mabawasan (liban kung pumatol ka sa chain letter sa takot na may sasaksak sayo at dudukot ng mata mo).

Di naman ako yung tipong ligawin. Di ako blockbuster movie na madaming parokyano. Kumbaga sa pelikula e foreign indie film ako. Pag nagustuhan mo ko, malamang weird ka, foreign, o hindi man (benta ko sa mga dingga).  Pero sa kaunting beses na may nagparamdam na di multo sa’kin, iisa lang ang motto ko: Lahat ng enerhiya, ren, nen, ten, chii, aura, lakas, dugo, at pawis ay itutuon sa hindi pagbibigay ng clue na naaapektuhan ako. At kung di ko talaga sila gusto at di ako handa na pumasok sa relasyon, ay diretsahan kong tatawagin silang anak, kuya, o tatay. Di na uso yan ngayon.

Sa totoo lang, mahirap talaga. Mahirap magtimpi. Mas madali kasing itago ang galit, lungkot, saya, takot, o hiya kaysa itago ang kilig. Pag kinilig ka, mamumula ang tainga mo, aakyat ang dugo sa cheekbones, maninigas ang panga, magbubuhol-buhol ang dila, manginginig ang laman, maglilikot ang mata kakahanap ng neutral na bagay para umiwas sa titig, at pagpapawisan ng bonggang-bongga. (In short, parang nasaniban lang na ineexorcise minus the patalikod gumapang). Pero kailangan maging stoic. Kailangan dedma sa colored computer printout na card, wapakels sa marshmallow na hugis bouquet, kebs sa pakete ng assorted candies, mega-ignore ng pa-cute na classmate na parang galling sa toothpaste ad kung makangiti kahit di pa tinutubuan ng wisdom tooth.

Ano ba ang nangyari sa mga dalagang Pilipina? Dahil ba nagkakaubusan na ng mga Adan dahil sila-sila na ang nagpapatulan (aka Adam and Ada)? O dahil sa tindi ng pressure magkaroon ng boylet? Dahil ba pinalaki sila sa Disney princesses? Bakit di nila matanggap na NBSB ako kahit na may mga nagtangka naman? Pag NBSB ba ibig sabihin pangit?

Ang mga dalagita ngayon, demanding pa pag di nagtext ang boylet. Sila pa ang naghihintay sa school pag di pa tapos ang klase ng pumoporma sa kanila. OK lang kung kayo na. O kung nakatira ka sa delikadong lugar at ibinilin ng magulang mo na magpahatid ka. Pero kung maglalagi lang sa mall after, e bakit magpapagabi pa? Nanliligaw? Sabagay, yun ata yung M.U. Saka na natin pag-usapan yan. (click here)

Si Gabriela Silang kaya ang nanligaw kay Diego? Tinanong kaya niya ito kung ano na ba sila? Naiimagine mo ba na si Prinsesa Urduja ay magtetext sa prinsipe ng karatig-bayan? Si Maria Clara ba ay magsstalk sa facebook, magpaparinig sa twitter, at magpapapampam sa tumblr?

Mga dalagang Pilipina, ipaubaya niyo na ang mga lalaking di makapaghintay, ayaw manligaw, sabik sa text, papansin, at mga dinadaan sa banat sa iba. Kung magpapakatatag tayong lahat – magpapakipot, magsusungit, magiging hard-to-get, baka sakaling matutunan nila ulit sumulat ng love letter, mangharana, magsibak ng kahoy, umakyat ng ligaw sa bahay, at magpaalam sa magulang nang walang kasunod na “pananagutan ko po ang anak namin…” Baka sakaling matutunan nila ulit igalang at pahalagahan ang mga kababaihan. Pinay Power na ‘to. Kapit bisig.

PS: Kung matigas ang ulo ng mga kalalakihan at di nila tayo kayang paghirapan, welcome kayo sa bahay ko tumanda. Bibigyan ko kayo ng tag-iisang tumba-tumba at sabay sabay tayong mag-cross stitch hanggang sa dulo ng walang hanggan.

62 responses to “Pag pinaghihirapan, pinahahalagahan

  1. Relationships are like plants; they need to take enough time to evolve–so to speak. It is in the so-called old-fashioned methods of courtship where confidence and trust are established between partners through “hard work/labor” on the part of the male. I agree that when a male “works for” the attention and love of the lady he seeks, it is less likely that he will find it easy to let go of their partnership. And that is something the women of today ought to understand and at the same time “inform’ today’s generation of men (granted they haven’t fallen into the pit that leads to that special Garden where Adam and Steve/Adan at Teban frolic).
    This is a good read. And I enjoy the idea that there still are Filipinas who yearn for the a normal, time-tested relationship built on old-fashioned values that both celebrate nature and morality.

    • I’m not saying that women can’t make the first move. Pero tingin ko kasi nga pag mas may effort, mas mahirap i-let go. Women are generally loving and nurturing kaya naman para fair at hindi sila maagrabyado, I think deserving ang mga kababaihan ng respeto at effort. I believe yun ang reason behind the “ligawan” concept.

    • This post aims to challenge women to be know what they’re worth. We don’t demand special treatment. I just want men to treat their special girls in a special way.🙂

      • I agree with Miss Abby. Yes, it’s true that women today demands gender equality. (For example, equal job opportunities for both men and women) But “special treatment” is not something women ask from ALL men. It was clearly stated in the article that a male-female romantic relationship is the object of discussion which means that, if ever women do “seek special treatments”, they want it to come from men who pursue them. Of course, if a man courts a woman, it is implied that the man sees the woman special. So I think there’s nothing wrong about giving your girl “special treatments” when you’re in the process of courtship and when you’re in a romantic relationship. So guys, if you want to win a woman, you should give her reasons and CONCRETE manifestations why you’re deserving of her trust and why investing time on you would be worth it.🙂

  2. Mga babae tinuturing na prinsesa. Tama lang na paghirapan ang prinsesa kung prinsipe talaga sya. PURSUE sa English… Kaya ako kahit kasal na kami ng asawa ko, patuloy akong nagpupursue sa kanya. Di dapat nawawala.

      • para lalo kayong mainspire. eto ang kinahinatnan ng aming paghihintay.🙂 nasa wordpress din asawa ko, mylittletinyhands.wordpress.com

        Sya ang isa sa mga tagataguyod ng PRINSESA KA, ANTAYIN ANG PRINSIPE na konsepto.

        Sa kabilang dako, sana lumaki ang FILIPINO community ng bloggers na nagtatagalog. Kelangan natin ng rebolusyon maski papano sa pagsusulat. Pasunod na din kung gusto mo mga posts ko sa ItoAngRebolusyon.

  3. kung wala pakong naging asawa till now malamang kasama mokong itataguyod tong nasimulan mo, mag aambag ako ng pang kape, pang sulsi, playing cards etc. pang libang sa tatandang dalaga! i like the idea. keep it up!!!!!

  4. Hello. Grade 5 po ako pero madaming ganyan sa paaralan namin. Mga kaklase ko text ng text, pag wala ka naman load di ka makareply. Pagdating sa school, iniinis ka na kasi di ka nakareply. Sang-ayon ako sa mga isinulat mo dahil maraming babae ang nagkakaroon ng ganyang kakilala na papansin.
    Nag-enjoy po ako basahin ang nakalagay sa blog mo. Sana marami pang makakita ng mundo at mga relasyon katulad ng pagkakita mo dito dahil may katuturan ang iyong isinulat.

    • Hi Moira! My sister Janna pointed out na your the daughter of Sir Rex and Ma’am Marie. Nakakatuwa naman. I’m a QueSci batch ’04 graduate. Send my regards to them. They know my sister Janna Maravilla from Batch ’08.🙂

      • Hi po. Kabatch mo po pala sila Kuya Patrick at si Ate Rizel. It’s so nice meeting you here and it’s so good to know someone on wordpress.com. I’ve sent your regards to my parents.Again it’s nice meeting you here Ate Abby.:-D

  5. My sister is 21 and NBSB. She had a few suitors and is really a sweet girl even to her guy friends. She almost said yes to one guy when she was in high school, but dumped him in the end.

    Her main reason of being single: Madami naman akong “boy” friends eh, bakit pa ako magmamadaling maghanap ng iisang boyfriend?

    But, in sympathy to everyone who agrees here, women and teen girls today are different. Technology is evolving rapidly and these girls are just using it in their own ways.

    Para sa’kin, ang babaeng kinikilg sa text ng lalaking gusto niya ay hindi pa matured. Ang babaeng nagkakaroon ng boyfriend sa text (ex. nagtext ang guy: “Tau na ba?” sagot ng girl “Oo, tau na”) ay isip-bata pa at nabubuhay pa sa high school days niya.

    I have been in love with a very sweet and gorgeous girl for more than three years, and I still sometimes make her feel the kilig i used to give her since 2008. And the fact is, “pinaghirapan” ko din ang panliligaw sa kanya. I used to go to her house/subdivision (I am from Pandacan, Manila, she is from Taytay, Rizal – malayo) and help her in some community chores when I was courting her. Nung umamin ako na mahal ko siya, I said it in front of her, as i was touching her face, staring at her eyes. I also used to accompany her home from school every evening when I was still in college. For me, that is panliligaw.

    Kaya guys, magtrabaho naman kayo! Mas masarap manligaw at umamin na mahal mo ang isang babae kapag kaharap mo siya, pramis!!!

  6. A great read. Ladies should be hard-to-get! Pinaghihirapan. A long lost trait among Philippine Ladies [of course with some exceptions such as the writer] and an opening, most men sadly takes advantage of, nowadays. As they say, “Ang pinaghihirapan, pinagpapawisan, at pinaglalaban ay mas pinagpapahalagahan, pinagiingatan, at pinagtatanggol.” Keep it up.

  7. Lalaki ako at alam kong totoo rin naman yan para sa iba pero hindi para sa lahat. Totoo na pag mas pinaghihirapan at pinagsasakripisyuhan ay mas pinahahalagahan. Wala namang masama sa text, email at iba pa.. usually kasi yun ang nagiging mitsa para masimulan ang relasyon. Pero kung hanggang sa panliligaw ay hanggang dun pa rin, mag-isip-isip na kayo. Dahil yung sinesend ng manliligaw niyo sa inyo ay madaling maforward sa iba.. Manloloko? Pwede.. wag niyong aalisin yung posibilidad na yun. Obligasyon niyo namang mga babae ang maging mapanuri.. Alam kong hindi lang ako ang natitirang lalaki na gumagawa ng love letter ngayon sa mga kalalakihan. Marami pa rin naman kami.. Hindi lang namin talaga ipinagkakalat dahil hindi na kailangan pa. Nice post mam.

  8. Nakakamiss nga ung old school panliligaw. Or should I say the better way of panliligaw. =) Less chances of wasting you’re time for the wrong person, less chances of being hurt and syempre if that’s the case, greater possibility of finding Mr. Right the soonest. It’s as if before LOVE is LOVE pero ngayon LOVE is just luv. Parang nawalan na ng meaning.

    At any rate, we have to deal with the modern technology. Virtual ligawan as others call it. Un lang, sana maging critical pa rin tayo pagdating sa bagay na to. Kasi nga, hindi lang to basta basta, ang pag ibig ay PAG IBIG; nakakabaliw, nakakatanga, nakakaapekto sa buhay ng bawat isang tinatamaan. :>

    Btw, this is a good read! =)

    • Thanks for reading and commenting.🙂
      Tama po kayo. Nadilute na ng “mis u tke cre” and “labyu”, “luv u” ang tunay na pagmamahal, pagsinta, pagtangi, at pag-irog.🙂

  9. mahusay.🙂 although tumutukoy lang to sa isa sa mga napakaraming mukha ng pagibig. eto yung part ng love story kung saan bida ang mga babae. may mga parte rin namang bida kaming mga lalaki, pero dapat ang mahalaga bida parehas ang babae at lalaki… basta, hindi ka mali dito sa mga binitiwan mong mga salita. isa kang tunay na makata.🙂

  10. Mahusay!

    Magiging defensive nga lang ako, based on my personal experience ha… Kung nagpaka-MariaClara ako, ay hindi ko mararanasan ang kabaliwan at kasiyahang dulot ng pagsasama naming mag-asawa ngayon.🙂 Sa Myspace kami nagkakilala ng May (pinoy din sya), nag EB (HAHAHA) kami sa kanila sa Montreal ng July 18… Sumama sya sa akin pabalik ng NY ng July 20 at hindi na kami nawalay sa isa’t-isa… Kilala na ako ng mga magulang at kamag-anak niya bago pa ako nakarating. O diba. 6 years palang kaming mag-asawa, pero 3 months lang kaming nagpapalitan ng text, wall posts, etc bago non. AT! Ako pang sumundo sa kanya sa Canada nuon. :))

    Ang lalaki (o babae) ay makikilala mo lang nang malaliman hindi sa tipo o tagal ng panliligaw, kung hindi sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa ilalim ng iisang bubong. Ang tao’y mahalaga dahil ang tao’y mahalaga. I thank you.🙂

    • Di ko naman po maikakaila na may mga exceptions.🙂
      At yung nangyari naman po sa inyo ay hindi tulad ng tinutukoy ko.🙂
      Kasi po you were separated by distance kaya essential talaga ang virtual ligawan. Nakakafrustrate lang po yung tipong pwede naman manligaw ng maayos. Tapos di ginagawa.🙂
      Thanks po for sharing your story.

  11. 23 ako at NGSB. Dahil yun sa hindi ko makuhang mag-effort para sa isang babae. Maski yung pagtetext hindi ko magawa. Sinubukan ko nung high school ako kaso hindi ko matagalan. May tsansa na na maging kami pero nabalewala dahil sa ibang mga bagay. Siguro masyado kasi akong busy. Baka lang.

    Parang ang suwerte din ninyong mga babae kasi sila ang nilalapitan at di nila kailangan mag-effort. Medyo lugi din talaga ang mga lalake sa aspetong yun. E kung tutuusin naman dapat equal dapat sa isang relationship.

    Hirap ng masyado study/career-oriented. hehe

    • Lahat naman ng bagay pinaghihirapan e.🙂
      Kung study/career-oriented, edi ok lang. Besides, I think prerequisite naman sa love ang paghanap ng sarili at pagreach ng personal potentials.

  12. funny. 🙂 and i quite agree at some points. but i don’t totally like the idea of becoming the traditional dalagang pilipina. It shows women power as well as our weaknesses. Life is too short. might as well enjoy it. But stick to your values just so you won’t regret.🙂 it’s just my own opinion. great essay!🙂

  13. Pagkabasa ko nito, naisip ko, ang swerte ko pala, dalagang Pilipina ang nililigawan ko (kahit tingin ko clueless din lang talaga siya at di sinasadyang ganun ang labas). Swerte nya rin, ino-old school ko siya, yung sa bahay (plus konting new school pa ring text, fb)! =))

    Pero tama ka, eto nga akong hindi pa ‘tapos’, in-the-process pa lang, e nakikita ko na ang halaga ng paghihirap. Alam kong lalo kong pahahalagahan ‘to pag “nangyari” na.🙂

    Nakita ko ring medyo maswerte na rin pala ako at pinapansin ako kahit papano, medyo close pa ngang maituturing hahaha. Galing!

  14. i like your style sa pgsulat – para sa gaya ko na mhilig mgbasa at mgsulat na din. ndi ako sure kung pgaaksayahan m ng tym bsahin tong comment ko o mpapaicp ka kht pano. pero ndi ko lng mpigilan sabihin ang saloobin ko. naks! hehe.🙂

    tama ka nman sa lahat ng cnabi mo. girls should be like that. at saludo ako sa mga gaya mo n ngagawa pa ding panindigan ang paniniwalang pamana ng mga matatanda. kase nga legacy yan ng babaing Pilipina.

    pro totoong iba ndin tlg ang mundo ngaun. at tlgng iba ndin ang mga girls ngaun. Girls nowadays are aggressive, may initiative, expressive, liberated, modern, etc. lhat na. ndi sa kinukunsinti ko cla, pro may knya knya taung praan. girls can speak their mind. kung ayaw ayaw, kung gusto why not? ndi ko cnsabing tama, pro wla din ako sa posisyong sabihing mali. desisyon pa din ng bwat isa. gngawa ang mgpapasaya sa knila – un nman cguro ang mhlaga dba?

    pag pinaghihirapan, pinahahalagahan? so true. i won’t argue with. so pg naunang nainlove ang girl sa guy and she’ll let him know, ndi n phhlagahan ng guy c girl? generally yes. however, ndi nman cguro lhat. case to case din e.

    i think we should be more open-minded and avoid being judgmental. especially if we really don’t know the real score.

    I didn’t mean to sound rude. naicp ko lng nman.🙂 pro tnx sa blog mo. it was worth reading. :))

    • I have no intention of generalizing naman or judging others. This blog po and everything in it is meant to challenge the ideals ng generation today. Ang decision na gawin ang mga bagay na makapagpapasaya ay nasa bawat tao. Tama po kayo doon. Kaya lang I’m just laying down warning signs.🙂 At the end of the day, case to case pa din naman.🙂

  15. Pingback: Pag gas nagmura, masaya. Pag ikaw, masama. « Lumang Pluma·

  16. salamat sa experience at tawa na dala ng iyong pagsusulat at pagpapahayag! At least ngayon alam ko na ang pagiging NBSB ay normal lang kung tunay na relasyon ang hanap mo! mas maraming inspirasyon sa iyo patuloy kitang susubaybayan sa iyong mga blog! madami po akong natututunan sa inyo!🙂

  17. sabi nga di ka daw tatanggapin sa langit pag namatay kang single.. lol..

    but anyway, nagenjoy naman ako n basahin ang blog mo..🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s