Cheap Chivalry: Ginoong Maginoo

Ano ba ang chivalry? Naririnig ko ang salitang iyan kapag nanonood ako ng pelikula na tungkol sa mga knights. Kaso ngayon di na uso yun. Si Batman the Dark Knight na lang ang sikat. Chivalry. Sa tingin ko kung tatambay ako sa entrance ng mall at tatanungin kung ano ang ibig sabihin ng word na ito, kalahati lang siguro sa mga respondents ang makakasagot. Pero kung tatanungin sila kung anong ibig sabihin ng mga salitang: “trending”, “kebs”, “jologs”, at “chorva”, mas maraming makapagbibigay ng sagot.

Chivalry is all about acts of honor, generosity, and courtesy. Sabi yan ng kaibigan kong dictionary. Kakambiyo muna ko bago ko makasagasa. Hindi ito hasty generalization na patay na ang lahat ng mga kabalyero (yun daw ang tagalog ng knight sabi ng Google translate). Kumbaga sa species, di pa sila extinct. Endangered species pa lang sila. Parang mga panda. Kurbet muna tayong konti. Detour muna. Usapang panda. Bawat taon, milyon-milyong dolyar ang ginagasta ng iba’t-ibang samahan para protektahan ang mga panda. Wala namang masama doon. Sino ba naman ang makaka-tanggi na tulungan sagipin ang mga panda?

photo courtesy of sir JobRobinson from: http://jobrobinson.com/2012/01/zooperience-in-tokyo/

Kung ganyan ba naman ka-cute, matitiis mo bang hayaan na lang sila maextinct? Hindi diba? Pero sa maniwala kayo’t hindi, may mga aktibistang grupo na nagsusulong na pabayaan na lamang daw maubos ang mga panda. Natural lamang daw na maubos na sila dahil nga mahina sila at likas na walang karapatan makipagsabayan sa nagbabagong panahon.

Kung ako ang masusunod, bibigyan ko ng tig-iisang konyat ang mga taong yun. Aba. Nilikha ng maykapal ang panda para ating pagmasdan, titigan, at alagaan. Pag wala nang panda, mababawasan na ng dahilan ang mga dalagita para tumili ng super lakas at makabasag chandelier. Ano na lang ang magiging simbolo pag may Olympics ulit sa China? Noodles? A-phone (iPhone imitation)? A-pad (iPad imitation)? Si Yao Ming?

Ok. Balik na tayo sa usapang chivalry. Tulad ng mga panda, endangered species na ang mga Pilipinong kabalyero. Sa panahon na ang ka-machohan ay nasusukat sa six-pack abs o sa paglaklak ng six-pack na beer, buhay pa ba ang chivalry? Kung lalaki ka, at aminado kang may pagkukulang ka, malamang huminto ka na sa pagbasa o di kaya’y itutuloy ang pagbabasa nang humihinga ng malalim sa tuwing katapusan ng paragraph, umiiling iling, at bumubuo ng comment about gender equality. Pero kung sa tingin mo’y chivalrous ka, at may at least dalawang testigo, edi ikaw na. The best ka!

Gaano ba kahirap maging isang kabalyero sa facebook era? Nililinaw ko lang. Hindi ganun kahirap maging gentleman. Hindi ko hinihinging magpakabayani ka kuya. Di mo kailangang salagin ang lahat ng bala, magpasagasa sa MRT, o pasanin ang lahat ng kababaihan para maiwasan na sila’y maputikan. Di mo kailangan magbenta ng atay o balun-balunan para masabing chivalrous ka. Heto ang mga tips para maging chivalrous nang hindi nabubutas ang bulsa, mukha, o dangal:

  • Matulog nang maaga. Oo, kuya. Katulad ng feng shui expert sa isang daytime talk show na ang palaging payo ay ang pagtuog ng maaga para swertehin, ang pagtulog ng maaga ay essential rin para maging tunay na lalaki. Bakit? Mahaba ang explanation nito kaya kapit sa upuan. Wag kukurap sa pagbabasa. Kung buo ang tulog ng lahat ng lalaking nagcocommute, mababawasan ang mga lalaking daig pa ang comatose kapag nakasakay sa bus at MRT. Oo. Daig pa nila ang nacomatose dahil ang mga comatose, di mo alam kung kailan magigising o kung magigising pa. Ang mga lalaking puyat na ito ay may natural alarm clock. Di sila lumalampas sa babaan nila. At ang pinagtatakhan ko lang e tipong ang byahe lang nila ay mula Ortigas papuntang Cubao pero nakakagawa pa sila ng tulog. Siguro nahirapan sa siksikan sa sakayan kaya pagupo pa lang, pipikit na at tutungo na parang galing pa silang Ayala. Ang lalim ng tulog. Naga-REM kaya sila? Kung gising ang lahat ng kalalakihan sa MRT at bus, malamang mapapansin nila ang mga matandang nakatayo sa mala-roller coaster na bus, mga bata, buntis, at may kapansanan na nakasiksik sa may pintuan ng MRT at parang nag-ssurfing dahil kailangan bumalanse na paa lang ang gamit dahil walang makapitan. Nililinaw ko. Hindi ko na hinihinging paupuin niyo pa ako. Malaking babae ako at basketball player ako. Kaya ko ang sarili ko. Pero yung katabi kong ate na may dala dalang shoulder bag, folders, pinamiling grocery, at may akay na bata, utang na loob paupuin niyo naman. May naaalala kong pagkakataon na nagreact talaga kami ng kakambal ko sa bus. May lola kasing nakatayo kasama namin. Tapos nung may tumayong babae, siningitan pa ng isang kuya. Inunahan sa upuan. Akala niya ata e Trip to Jerusalem ang bus ride. Tapos pagkaupo, parang na-atiban. Tulog na tulog agad si kuya. Kung mistulang panda ang mga gentleman, ang mga madamot sa bus e mga buwaya. Kakain tapos matutulog pagkakain. No offense sa mga buwaya. Kuyang defensive at in denial, kung umabot ka sa puntong ito, hinga ng malalim.
  • Magdala ng hand sanitizer. Panatilihing malinis ang mga kamay. Kung may dala ka kasing hand sanitizer, di ka matatakot magbukas ng pinto para alalayan ang mga may buhat, may kapansanan, o yung mga talagang may mabigat na dinadala sa buhay. Natrauma ako sa mga commercial ng Safeguard na may mga green na gumagalaw-galaw na animated bacteria sa mga doorknob. Kaya ayokong humahawak ng pintuan. Pero mga kuya, maiiwasan niyo ang mga sakit kung gagamit ng alcohol, sanitizer, at sabon that kills 99.9% of known germs. May kaklase ako na gentleman at nagbubukas ng pinto para sakin. Pero since Amazona nga ako, sinabihan kong wag na niya gawin. Ngayon, pinagsisisihan ko na ata. Kasi ang pagbubukas ng pinto ay di naman isang bagay na awkward kung gagawin mo para sa lahat at di lang sa nililigawan mo. Kuya, kung nahihirapan ka dito, I suggest magtrabaho ka sa fast food. Kaso pag nasanay ka, baka kahit sa school e di mo mapigilan magsabi ng: “Welcome to Jollibee”.
  • Mag-aral mag-round up. Rounding up. Lesson yan elementary pa lang. Yung tipong pag Php99.90 ang presyo, ang tingin mo na e 100 yun. Medyo off kasi pakinggan kung sinisingil mo pati diyes sentimos pag may class project o kung nag-ambagan kayo sa bill sa restaurant. Di naman masama maging good steward ng pera. Pero pag nasa puntong parang nadedegrade na yung kausap mo na parang ninakawan ka niya ng diyes sentimos, sana matutunan nating mag-round up. Applicable din to sa mga kababaihan at sa mga barkadahan. Believe me. Kung susumahin ang mga panahon na ikaw ang nag-round up at ikukumpara sa panahong ang kaibigan mo naman ang nag-round up, magkacancel out lang yan. Offset lang. O kung lamang ka man ng dalawang piso, sulit na yun para maparamdam na may respeto ka sa mga tao sa paligid mo.
  • Mag-ingat sa mga kiniclick. Sa facebook, kumakalat na ang mga kung anu-anong spam at “virus” na nagpopost ng mga malalaswa o kontrobersiyal na imahe. Kuya, mag-ingat ka magclick dahil lalantad sa mga friends mo ito. Ngayon, maaaring umiiling iling na naman ang iba dahil parang malayo sa chivalry ito. Pero di ba respeto naman yung hindi kami magugulat kapag may biglang notification na nagpost ka sa wall ko ng link sa nasabing spam? Sabi nga sa GMA News TV, think before you click. Bago magpost ng status o tweet, o mag-share ng image galing sa 9GAG, isipin natin kung sinu-sino ang makakabasa at makakakita.

Kaunting tips lang ito at may kalayaan kayong sumubok ng iba’t-iba pang paraan. Tandaan lamang na ang tunay na lalaki ay tunay na lalaki. (Ano daw?) Ulitin natin yan. Ang tunay na lalaki ay nagpapakalalaki. Kung matututunan mong maging isang tunay na knight sa kilos at gawa, darating ang pagkakataon na tatambad sa iyo ang iyong prinsesa. At sa tuwing matutulog ka ng maaga, magbubukas ng pinto, mag-rround up, at magpopost ng status message na maganda, kikintab ng kikintab ang iyong kalasag. Only then will you be a true knight in shining armor. Tapos ang cute cute mo pa! Parang panda! Aww…

7 responses to “Cheap Chivalry: Ginoong Maginoo

  1. haha ! laughtrip .. gumagawa ako ng homework ko tapos bigla akong napunta dito .. haha ! ang cute … ng PANDAπŸ™‚ actually ung texts..πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s