Pag gas nagmura, masaya. Pag ikaw, masama.

In celebration of the 10,000 hits milestone, na utang na loob ko sa lahat ng nagbasa at lalo na sa mga nagshare ng mga entry dito lalo na yung una na “Pag pinaghihirapan, pinahahalagahan”, pinag-isipan ko nang matindi kung anong topic ang dapat isulat ko. Sa di malamang kadahilanan (nasobrahan ata ko ng panonood ng balita at sa pag-inom ng kape), ito ang biglang bumulwak sa isip ko. Pasintabi po sa mga konserbatibo.

Mura at mura. Isang salita at pronunciation pero dalawang magkaibang ibig sabihin. Malumay ang pagbigkas. Pati Google translate ay naguguluhan kasi it may mean cheap or cuss. Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit sobrang magkaiba ang ibig sabihin ng dalawang salitang parehong-pareho naman ang tunog at hitsura. Parang mahal at mahal – love at expensive. Di ba nakakaaliw? Siguro nga dahil love is expensive. Except siguro kung si J.Lo ka. Kasi her Love Don’t Cost a Thing [thing… thing…] Sorry. Di ko mapigilan ilagay yung echo na fade out.

Ayan na naman. Nagdetour na naman sa love ang topic. Dahil nga siguro dahil huling araw na ng Enero at parating na ang countdown sa Valentine’s. Nagliligpit na ng ‘Kung Hei Fat Choi’ decorations ang mga mall at papalitan na ng mga inflatable at styro na puso. Tapos magsasabit na sila ng mestizong batang nakalampin at may pakpak. Para makabalik ako sa orig na topic, ihihiwalay ko na ang discussion na “Mahal Magmamahal”. Balik muna tayo sa usapang mura.

Mahilig tayo sa mura. Ganyan ang pinoy! Madiskarte. Kaya nga pinagsasamantalahan tayo ng mga kapitalista sa pamamagitan ng mga sale. Inaabangan ng mga pinoy ang mga sale. May kilala pa nga akong mina-mark ang calendar pag may napipintong sale. Para bang krimen bumili ng mga produkto kapag walang yellow tag o price slash. Kasi hindi matanto, maarok, at maintindihan ng ating diwa kung bakit magbabayad ng mahal e pwede naman hintayin ang sale. Mahilig tayo sa mura.

Mahilig tayo magmura. Kung gaano naman tayo ka-passionate about cheap stuff, ganun din kahitik ang kultura natin sa mga mura. Iba’t ibang klaseng mura. May mga murang halatang bad word. Pero nagkakatalo pagdating sa execution. Iba’t ibang klaseng pagbigkas. Mayrong may halong lambing kung magmura na parang maiisip mo bigla kung dapat ka magthank you pagkatapos. Pero may mga ibang talagang jawdropping at mapapa-flinch ka! Dahil saksakan ng ubod ng lutong to the max! Malutong pa sa manipis na chicharon at bagong hangong kropek! Parang kidlat na sumalpok sa puno.

Konyo na kung konyo. Corny na kung corny. Pero di ako sanay na makarinig ng mura. Lalo na nung lumalaki ako. Ayaw na ayaw kasi ng mga magulang ko ng mura. At yung dalawang tita kong matagal nang dalaga, naku! Baka pagmumugin ako ng klorox pag narinig akong nagmumura. Partida pa yan a. Dahil sa Tondo sila lumaki. Ang deviant ng pamilya nila. Isa pa, sa pribadong paaralan na Baptist ako nagelementarya. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagmumura. Tuwing umaga nga e mayroon kaming nire-recite na: “I hate bad words. I hate lying. I hate cheating. I hate stealing. I hate smoking. I hate drinking alcoholic beverages.” Sa school namin, pag mag nag-aaway, imbis na mura, ang ginagamit na term ay: “Napaka mo!” “Napaka” na lang kasi walang maisip na salita. Pag nagmura ka kasi mapapalo ka. Pero pag sinabihan ka ng “napaka”, maiiyak ka na sa sama ng loob kasi “napaka” mo daw. Kaya nung nalipat ako sa Quezon City Science High School, nagpapalpitate ako every 5 minutes dahil comma, period, at exclamation point ng ibang mga kamag-aral ko ang mga mura. May mga malala pa na space bar ata nila yung T*ng’na. Parang ganito: “May t*ng’nang homework ka ba? T*ng’nang hirap. T*ng’na as in t*ng’na talaga. Hanep. T*ng’na.” Wow! Kung video game yun, 5-hit combo na! Isang hingahan lang.

Di ako magmamalinis. Siguro dahil gusto ko mag-belong at maging astig at cool, inaral ko magmura. Naalala ko pa. Isang hapon, talagang nagpaturo ako sa kaklase ko. Pinaunlakan naman niya ko. Siguro mga trenta minutos kaming nagmurahan. Iba’t ibang mura. Kunot noo akong bumitaw ng mga mura habang katabi ko siya at nagbibigay ng tips tulad ng: “Say it like you mean it!”, “Lutungan mo pa!”, “Hugutin mo sa dibdib mo!”, at “Wag mo kasi artehan!” Para siyang drill sergeant. At nung nakuntento na siya sa delivery ko, nginitian niya ko, hinampas sa likod, at sinigawan ng “P.I.! Marunong nang magmura ‘tong g*gong to!” Nagreact pa ko nun. Tinanong ko siya kung bakit g*go sabi niya e babae ako. Di ba dapat g*ga? Sabi niya di raw yun gender-specific. Insulto daw yung g*ga at ginagamit lang pag losyang at nagpapakamartir ang babae – as in nagpapapkag*ga. Yung g*go daw, pwedeng gamitin bilang compliment.

Oo. Maniwala kayo o sa hindi, nakahalo sa kultura natin ang pagmumura na para bang compliment yun. Sa school nga, pag natuwa sila, napapamura sila. Pag nagustuhan ka nila at cool ka, tatawagin ka ng kung anu-ano. Kaya madaling makasanayan ang pagmumura.

Bakit nga ba ang mura (cheap) ay kapareho ng mura (cuss)? Sabi ng tita ko with conviction at labas litid, “Cheap lang ang nagmumura! At cheap lang ang minumura.” Sa tingin ko may punto siya. Pag kagalang-galang nga naman e di dapat nagmumura at hindi rin naman siya minumura kasi mahal siya ng mga tao at may respeto siya sa kanila kaya nirerespeto nila siya. Kaya naman sana iwas-iwasan na o kaya’y tanggalin na natin sa sistema ng katawan ang pagmumura. Di naman imposible. I’ve been mura-free since 2006. Balik na ko sa dati. Used sparingly ang “tanga”. At pag galit na galit na galit na ako, sumisigaw ako ng “Napaka mo!”

PS: Sa mga nagbasa nito at nagshare, napaka niyo! Napakabait!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s