Wag mo ko tawaging Chick. Di ako sisiw.

Sorry kung tunog masungit na matandang dalaga ako. Pero ito ang totoo kong nararamdaman kaya magpapakaprangka na ako. Mga Pilipina, ano ba ang standard mo sa pagiging babae? Payag ka bang maging chick? Ako kasi hindi. Sa facebook, di ako proud na magcomment ng “CHOZ.” “Yun o!” o kaya smiley sa comment ng lalaking alanganing manliligaw ko. At kapag bumanat siya ng inside joke, yung tipong kami lang makakagets dahil sa text yun nabuo, di ako nagcocomment para makaiwas sa mga echuserang frog na makikicomment ng: “Explain naman.” or “Hmm… Mukhang may ikkwento ka sa amin.” Actually, I highly discourage flirting via comments. Bakit? Kasi nababasa po yan ng lahat ng contacts niyo! Ah… Ngayon mo lang ba nalaman? Opo. At kahit iblock mo siya sa facebook, hindi na kailanman mabubura sa wall niya ang mga flirty at papampam (papansin) mong banat. Hindi mo na maidedeny kailanman na once upon a time in Cainta, kinompromiso mo ang iyong sarili sa pagbabakasakali. Hindi mo din maipagtatanggol ang sarili mo kapag kumalat ang kwento na ikaw naman ang unang nagkagusto sa kanya.

Bakit ba nauuso ang mga lalaking naghahanap ng nurse? At di yung nakaputi sa hospital. Pero yung magnnurse sa kanilang dumurugong puso. Kaya nga ang style e kapag malabo na ang pag-asa sa nililigawan, naghahanap ng kaibigan na mapagsusumbungan. Tipong nurse na gagamot sa kanyang sugat sa pamamagitan ng pagtetext palagi, pakikinig sa mga sumbong niya na kesho pinaasa siya, at magsasabing makakahanap rin siya ng para sa kanya. Babala: Mag-ingat kayo sa ganito. Maraming matitinong babae na ang nahulog sa paawa trap ng mga lalaki. Di ko naman nilalahat. Pero maraming ganyan. Kunyari ay platonic talaga at ikaw lang kasi ang napagsasabihan niya. May motibo pala. Pinakikiramdaman lang kung bibigay ka. Let’s analyze. Ito ang tunay na ibig sabihin ng kanyang dialogue:

  • Ganyan ba talaga ang mga babae? = Gaganunin mo din ba ako?

Ikaw namang si babae, kunwari defensive sa lahi natin. Kaya sasabihin mo, “Kayo nga diyan. Mas nananakit kayo.” tapos mag-oopen up ka din ng mga past hurts mo. Tapos sasagot si lalaki ng: “Ganun? Ginawa niya yun? Grabe. Ang sama naman…” Ito ang kasunod:

  • Hindi ko kayang gawin yun. = Halika. Rebound natin isa’t isa.

May urge na kurutin siya o kaya hampasin. Pero actually kinilig ka naman kahit alam mong banat lang yun. Tapos titingin ka sa lupa at sasabihin na, “Echos.” “Weh.” “Aru…” Tapos f-follow up niya:

  • Hindi nga. Totoo. = Hmm… Bibigay ka na ata…😀

Either babaguhin mo ang usapan o lalakad ka palayo. Pero pag umabot ka na dito, wala nang balikan. Kasi yung “platonic” friendship niyo, nagmorph na. Kasi naman. Pinalo mo. Kinurot mo. Tapos naubusan ka na ng sasabihin kaya echos, weh, at aru na lang nasabi mo. Lahat yun walang malinaw na ibig sabihin. E kasi umikot na ulo mo sa dami ng hormones.

  • Ginawa ko na ang lahat. Wala rin pala. = Tinext ko naman lagi. Tinitigan ko saka nginingitian. Pinagdasal ko naman. Niregaluhan kahit paano. Ang tagal naman pala magpasagot ng babae.

Akala mo naman sinong b-chesa ang ex-fling niya na pinakinabangan siya. Yun pala hindi naman. Kawawa kasi tignan. Sa puntong ito, titignan mo si lalaki tapos maiisip mo: “May itsura naman pala itong mokong na to lalo na pag nakabihis ng maayos. Kung ako na lang sana…” Oops! Ayan na… Dumadausdos ka na sa bitag. Tsktsktsk.

  • Kailan kaya ako makakamove on? = Tara. Move on tayo. Hihihi…

Sasabihan mo siya na kaya niya yan. Di mo sinasabi pero sa totoo lang alam mo sa sarili mong willing ka na tulungan siya makamove on. Kaya tuwing babanat siya ng bitter sa facebook, magcocomment ka. Ila-like mo. Tapos pag nagtext siya ng disoras ng gabi na di siya makatulog sa kakaiyak, magrereply ka. You’re the one woman (besides his mother) who cares for his heart.

  • Sana natuturuan ang puso. = Turuan mo ko magmahal ulit.

Sasagot ka ulit ng naks, weh, aru, yun o… Pero alam mo na na kahit sa fb niya yan pinost, ikaw ang tinatarget niya. Kanina nurse ka lang. Ngayon teacher ka na. Hmm… Sabagay, biruin mo dalawang propesyon na yan. Di ka man lang kumuha ng licensure exam! Di ba nakakainsulto na tuturuan mo siya mahalin ka? Wow naman! Sa ganda kong ito, tuturuan pa kita? Ako pa mag-eeffort? Kamukha mo ba si Brandon Routh?

Sorry boys. Basang-basa namin kayo. Well, at least kaming mga gumagamit ng brain bago mag-comment, magreply, o bumanat ng walang katuturang mga salita para may masabi lang. Sorry kung “K” lang ang sinasagot ko o di kaya e di ako nagrereply. Ibig sabihin lang nun wala akong masabi at walang epekto sa akin ang banat mo. Mabuti pa, i-GM mo yan. Tapos pagtuunan mo ng pansin yung mga papatol. Sayang load mo bro. Baka isumbat mo pa sa akin yan pag wala kang napala. Baka sa susunod, ako pa ang maging dahilan ng iyong pagpapaawa.

Hay… Mas ok na yung lalaking laging basted kesa yung di kailanman na-basted kasi di kailanman nanligaw. Kung lahat nadadaan sa parinig, sinauli na ng mga Marcos at Arroyo ang nanakaw nila, iniwan na ng Chinese ang mga isla ng Spratly, binigyan na ako ni Oprah ng kotse, at tumigil na si PNoy sa panliligaw para mag-focus sa trabaho niya. Kung gusto niyo ng Pilipina, hindi sisiw ang effort. Hindi kami chicks. Pilipina kami. Pilipino ang hanap namin. Pili. Pino. Chosen and refined.

11 responses to “Wag mo ko tawaging Chick. Di ako sisiw.

  1. Panalo! haba ng hair.. hahahhaa! :)) pero totoo yan. Kung talagang gusto ka ng guy, mag-eeffort. di yung puro pasaring… di tayo nadadaan sa ganyan.

    tama ka! di tayo chicks… kung gusto nila nun, maghanap sila sa kalsada… yung one-day old chick.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s