Ayoko sa Assumptionista.

Opo. Galit ako sa mga Assumptionista.

Hep hep hep… Bago po magreact ang mga kaibigan nating nag-aral/nag-aaral sa Assumption, lilinawin ko muna ang definition.

Ang “Assumptionista” ay isang specie ng kababaihan at kalalakihan ngayon. Ang scientific name ay: Pagnatitigan gustonaagadsis. At sa artikulong ito, susubukan kong ipakilala sa inyo ang mga taong ito.

The Female Assumptionista:

Madalas makikitang ngumingiti nang may laman ang mga female Assumptionistas. Iba’t iba ang hitsura ng mga Assumptionista. May mga simple lang at mayroon ding kikay. Nasa paligid-ligid lang sila at nag-aabang ng susunod na tititig sa kanila. Naghihintay sila ng susunod na text, miskol, at blank message. Wala naman silang pinagkaiba sa ibang babae sa unang tingin. Pero kapag nakilala mo sila, saka mo malalaman na kakaiba sila. Sa mga Assumptionista, ang bawat ngiti ay may ibig sabihin. Ang bawat titig, ay may kahulugan, at ang bawat Facebook post at Tweet ng kalalakihan ay sila ang pinatutungkulan. Kaya naman kapag napapansin sila, ay nagsisimula na sila maapektuhan, kiligin, at magpantasya. Ano ang ibig ko sabihin? Ganito yun. Kapag nasa isang lugar ka ba na maraming tao, lumilibot ba ang mata mo sa paghahanap ng “potential partner”? Naku… Delikado yan. Isa pa, kapag nakita ko kasing may nakatitig sakin, ang una kong naiisip ay, “May dumi kaya ako sa mukha?” Ganun kasi ang unang natural reaction. Pero kung Assumptionista ka, ang unang maiisip mo ay, “May gusto siguro siya sakin.” Boom! Ayan. Natitigan lang, gusto na agad. At lalala pa yan kapag may humingi ng number, nagtext, nakipagchat, at nagcompliment sa kanila. Dahil para sa mga Assumptionista, sila na ang ideal dream girl ng bawat lalaki.

Ang malungkot talaga, ay walang kakayanan ang mga Assumptionista na tignan ang opposite sex bilang kapatid. Sabi sa Hebrews 13:1, “Let brotherly love continue.” At malinaw din ang instruction na ang mga lalaki ay dapat matutong tignan at tratuhin ang mga kababaihan bilang kapatid (1 Tim. 5:1-2). Walang masamang tignan ang mga tao ayon sa kanilang potential. Pero kung ang tingin mo sa tao ay “potential”, mag-isip isip ka ate. Sayang ang buhay kung ang oras ay itutuon sa pakikiramdam kung may gusto nga ba siya sa iyo o wala. Kapag pinakikiramdaman, nararamdaman.

Mga minamahal kong kababaihang Pilipina, tandaan ninyo ito: Hanggang hindi nagtatapat ang lalaki na gusto ka niya, kahit makailang text siya ng ‘miss u’ at ‘sweet dreams’, hindi ka niya gusto. Hindi mo dapat pag-isipan kung bagay ba ang boses niyo pag nagduet kayo sa videoke. Hindi mo dapat intindihin kung kumain na siya. Hindi mo trabaho ilike at magcomment sa bawat status niya. At hindi mo dapat i-assume na magiging kayo. Actually, kahit sabihin pa niyang gusto ka niya, di naman ibig sabihin mahal ka niya. Hindi rin ibig sabihin pakakasalan ka niya. Kaya maghintay ka. Manahimik ka. Punuin mo ang oras mo ng mga makabuluhang bagay para di ka nakaabang sa News Feed sa FB, at nagbabantay ng cellphone mo na para bang kailangan mo titigan ang screen para malaman kung may text message kahit na titilaok naman ang cellphone mo kung mayroon.

Nakakaawa kasi ang ibang genuinely nice guys. Napagkakamalang playboy dahil lang polite. Nailalagay sa sitwasyon na kailangan nila sirain ang friendship dahil simula’t sapul, hindi sila friends kundi “potential”.

The Male Assumptionista:

Sila yung kung makatingin sa aming mga kababaihan ay para bang sure win na kapag nanligaw sila. Tipong isang kindat ka lang, laglag na panty mo ate kaya don’t resist my charm na… Hay naku kuya, hindi rin naman ibig sabihing polite ako enough para magreply kapag nagtext ka, e may pag-asa ka na agad pag nanligaw ka. Tapos ang masaklap pa, kapag nabasted ka, sasabihin mo sa barkada mo na pinaasa kita. E polite lang naman ako. (Oops… Nagiging personal ang author’s voice. Kambyo muna)

Para maiwasan maging Assumptionista, kailangan matutunan ng mga kalalakihan na magsabi ng tuwiran kung ano ang kanilang intensyon at pagkatapos noon ay maghintay. Oo. Kailangan mo maghintay. Huwag kang sugod nang sugod dahil ikaw din naman ang masasaktan. Kasi baka binilhan mo na ng overpriced stuffed toy sa Blue Magic, nilibre mo na sa Yakimix, hinatid-sundo mo na sa bahay, tapos di ka pala sasagutin. Kaya naman kailangan matuto magtanong. Tanungin mo kung pwede manligaw. At pag sinabing oo, ibig sabihin pwede manligaw. Hindi ibig sabihin, sasagutin ka. Kaya naman pagkatapos ng “ligaw”, magtanong ka ulit. Tanungin mo kung may pag-asa ka. Kapag sinabing wala, edi ok. Pahinga ang bulsa mo. At pahinga din ang puso mo (cue senti music here)…

Ang hirap kasi sa mga lalaki ngayon, walang enough kapal ng balat para suungin ang posibilidad na tanggihan sila kaya ayaw magtanong. Pero may enough at sobra sobra pang kapal ng mukha na mag-assume na di sila tatanggihan. Bomalabs, mein. Basag trip… Ang hindi nagtatanong, hindi sinasagot. Totoo naman diba? Ang saklap kasi nung minsan may tinanong ako. Sabi ko, “Kayo na ba?” Ang sabi, oo daw. So tinanong ko, “Kailan ka sinagot?” Ayun. Hindi nakasagot si kuya. Yun pala, nagkaalaman na lang kasi di naman daw siya tinatanggihan kapag niyaya niya. Tsktsk… (Note to girls: Kaya dapat matuto kang tumanggi.)

Conclusion:

Kapag di mo tinignan ang iba bilang kapatid, di maiiwasan na maramdaman na may “potential” siya. Kaya paulit-ulit ko tong sasabihin. Kung matanda sayo, tawagin mong Kuya o Ate. At kung bata naman, bro o sis. Para may linya. Draw the line. Kung gusto niya tawirin, at least may malinaw na linya. Alam niyang kailangan niyang sabihin na “Ayoko na maging kuya.” Sa mga lalaki, matutong magtanong, at sa mga babae, matutong tumanggi. Kasi may limitation ang politeness. Kung di mo sasagutin, wag ka magpalibre. Huwag kang pumayag na lumabas kayo. Huwag kang magreply ng ‘miss u 2’ o ‘kumain na, kaw?’ kung alam mo sa puso mo na kailanman, di siya papasa sa standard mo. Kung di mo siya sasagutin kapag nanligaw, bakit mo pa sasagutin ang mga text niya? Sa mga lalaki naman, kung di mo liligawan, huwag mong ililigaw. Alam niyo kung gaano kasakit pag pinaasa kang sasagutin ka, pero mas masakit yung paasahin niyo kaming liligawan ninyo kami. Kaya dapat talaga, maging honest. Kasi kung nararamdaman mo na na posibleng may intensyon siya dahil sa dami ng atensyon na binibigay sayo, at wala ka namang balak na maging kayo, wag na magsayang ng oras at pera. Huwag lalo maginvest ng emotions. Dahil ang pera, maaaring kitain. Pero ang emotion, parang oras, wala nang bawian, wala nang ulitan kapag nagkasakitan.

9 responses to “Ayoko sa Assumptionista.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s