Kung ayaw mo, wag mo. Kung ayaw mo… wag mo…

Kung ayaw mo, wag mo..

Kadalasan maririnig kapag may batang sinusubuan tapos ayaw na kumain. O di kaya kapag may inaalok ka tapos tahasan kang tinatanggihan. Tagalog equivalent ng “Your loss, not mine” although kung pipilitin, magiging “If you don’t want, don’t” so walang masyadong sense.😄

Kung ayaw mo, wag mo… Ibig sabihin, ikaw din ang magsisisi. Ako na lang kakain nito. Ako na lang magsusuot. May ibang makikinabang sa tinatanggihan mo. Ganun naman talaga sa mundong ibabaw. Yung ayaw mo, iba na lang ang makikinabang. Sana nga ganun lagi. Pero sa maikling post na to, hayaan niyong subukan kong baguhin ang pagtingin natin sa statement na: Kung ayaw mo… wag mo…

Pag may (…) sa tamang lugar, pwedeng singitan para mag-iba na ang kahulugan. Para mas may sense. Kasi di mo lang dapat tanggihan ang mga bagay. Kung ayaw mo, dapat may gagawin ka din. Mahirap naman yung alam mo lang na ayaw mo pero di mo ginagawan ng paraan.

 

Kung ayaw mo matulog… wag mo bulabugin yung mga inaantok.

Kung ayaw mo kumain… wag mo idahilan na ayaw mo ng pagkain. (Kawawa naman yung nagluto)

Kung ayaw mo mag-aral… wag mo iexpect na malayo ang mararating mo. (Masaklap na katotohanan)

Kung ayaw mo tumaba… wag mo upakan lahat ng pagkaing inihahain sayo. (The best exercise is to move your head to the left and to the right everytime there’s food in front of you – tapos sigaw ka ng “NO!”)

Kung ayaw mo maghirap… wag mo gastusan ang di dapat. (May pambili ng luho, pag may kailangan luluha.)

Kung ayaw mo lumubog sa utang… wag mo iasa sa utang ang buhay mo.

Kung ayaw mo mag-isa… wag mo awayin ang lahat ng tao sa paligid mo.

Kung ayaw mo isuot… wag mo bilhin.

Kung ayaw mo mamigay… wag mo ialok. (Applicable palagi sa pagkain)

Kung ayaw mo kumanta… wag mo ayain ang tropa magvideoke.

Kung ayaw mo ng textmate… wag mo replyan ang text niya.

Kung ayaw mo madevelop… wag mo isugal ang oras at puso mo.

Kung ayaw mo sa kanya… wag mo paasahin.

Kung ayaw mo sa kanya… wag mo ligawan.

Kung ayaw mo panagutan… wag mo buntisin.

Kung ayaw mo pakasalan… wag mo syotain.

Kung ayaw mo syotain… wag mo landiin.

Ang problema kasi sa ating lahat, kahit ayaw natin ng mga bagay, ayaw nating bitawan. Parang kapag may laruan kang luma na di mo na nilalaro, tapos may dumating na bata sa inyo at hiningi yung laruan na ayaw mo, ang hirap pa rin ipamigay minsan. Kasi iyo yun e. Marami tayong pag-aari, maraming ginagawa, maraming bagay sa buhay natin, na kung iisipin, wala namang dahilan para di bitawan liban na lang sa ayaw mo lang din talaga isuko sa iba. Kaya nga gasgas na gasgas na yung kasabihang, “Ayoko sayo pero nung nakita kitang may kasamang iba, nagsisi ako.” Wow! Di nga? Hindi yun pagmamahal. May karamutan ka lang.

Hindi lahat ng bagay na iniaalok sa atin, dapat nating tanggapin. Di porket may choice, pipiliin mo na. Kahit yun pa ang nag-iisang choice. Kasi choice din ang pagtanggi sa di dapat tanguan, angkinin, o tanggapin. Hindi maitatanggi na mahirap tumanggi. Kung ayaw mo na… Wag mo na angkinin. Kasi baka pakinabangan pa ng iba yan. Sayang lang.

One response to “Kung ayaw mo, wag mo. Kung ayaw mo… wag mo…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s