Manliligaw na Naliligaw: Paano ba manligaw?

Matagal nang niluluto ng utak ko ang post na ito pero natatakot din ako na magamit sa mali. Pero sa araw na ito, siguro nga oras na para ilantad ko ang ilang modernong paraan at tips sa panliligaw. May kalakip na sumpa ang pagbabasa nito nang may maling intensyon. Kaya mag-ingat ka.

Disclaimer munaโ€ฆ

Para sa mga lalaki, bago mo isiping gamitin ang mga ito, tumingin ka muna sa salamin. Mag-isip isip ka. Kaya mo na bang pumasok sa relasyon? May sapat ka na bang maturity? Kaya mo bang tanggapin ang mood swings at flares ng crush mo? May kakayanan ka na bang bumuhay ng pamilya? Nakapagtapos ka na ba ng pag-aaral? May disiplina ka na ba sa sarili? Kasi kung gusto mo ng girlfriend para may “inspiration” ka mag-aral, ibig sabihin, aasa ka sa kanya. Pag magkaaway kayo, di ka na papasok. Pag nagbreak kayo bago ka maka-graduate, paano na? Magddrop ka? Kailangan may angkin ka nang lakas. Kasi ikaw dapat ang sasandalan, hindi ikaw ang sasandal. Hindi kami doktor ng nagdurugo mong puso, psychotherapist ng baltik at tiwang mo, matrona na magpapakain sa’yo, o mannequin na ididisplay mo lang dahil sa angkin naming ganda.

Para naman sa mga kababaihan, mag-ingat kayo sa mga modus operandi na ilalantad ko. Mabisa sila at sana sa pagbabasa mo, maisip mo na ang pagpapapasok sa manliligaw mo sa bahay at puso mo, ay desisyon mo. Huwag kang kumuha ng bato na ipupukpok mo sa sarili mo. Kinikilig ka nga ngayon, pero baka pag kayo na, kikilabutan ka na dahil sa pinasok mong relasyon. Di ka makakain ngayon sa kilig at kung di pa nagsasabi ang textmate mo ng “Kain na U”, tapos pag naging kayo, di ka na lang talaga makakakain kasi wala siyang mapapakain sayo. Matiyaga kang nakikinig sa mga sumbong niya ngayon, yun pala sa susunod, ikaw na ang nagsusumbong. Kaya manalangin ka. At bago ka pa tamaan ng kilig, sarhan mo na ng pinto ang mga di karapat-dapat magmay-ari ng puso mo.

Modus #1: Death Stare
Isa sa pinakamadaling method ng pagpapakilig. Libre ito at maaaring gawin nang paulit-ulit. Simple lang ang pagde-death stare. Tuwing magkasama kayo ng crush mo, titigan mo siya. Yung titig na parang may alam ka na di niya alam. Magpractice ka muna sa salamin. Kasi dapat maperfect mo yung titig na gagamitin mo. Dapat di mukhang manyak na parang hinuhubaran mo siya. Dapat hindi mukhang nanlilibak. Dapat di rin mukhang adik ka lang sa shabu at walang tulog kaya gusto mo pumatay. Mainam na sabayan ng konting ngiti to the side, parang smirk, yung parang naaaliw ka sa ganda niya at nabibighani sa lahat ng gagawin niya. Titigan mo lang siya tapos pag nahuli ka niya, ialis mo yung mata mo. Kunwari nahihiya kang nahuli ka niya. (Babala: Sa mata niya lang ikaw tumingin. Alam namin kapag sa labi, leeg, o sa dibdib kayo nakatitig. Masasampal ka nang di oras at mawawalan ng pag-asa.) Kapag “nainis” na si crush sayo dahil sa kakatitig mo, magtatanong na yun. Kapag tinanong ka kung bakit ka nakatitig, magsorry ka lang. Huwag ka agad bumanat ng: “Ganda mo kasi.” Mahahalata kasi niyang style mo lang yun at pacute ka lang. After mo magsorry, maghintay ka ng ilang minuto. Ibaling ang titig sa pader. Yung mahahalata niyang may effort sa pag-alis ng titig mo sa kanya dahil siya ang pinakamagandang nakita mo sa buong earth. Tapos titig ka ulit. Pag tinanong ka kung bakit, magsorry ka ulit. Tapos dapat mukha kang nagpapanic dahil hiyang-hiya. Tapos lipat ka na lang ng pwesto or alis ka. Tapos gamitin mo ang puppydog eyes mo. Yung mukha kang batang nahuling nagnanakaw ng candy.
Girls love attention. More than flowers, chocolates or stuffed toys, we want to be appreciated. To be chosen and admired. Pero girls, di porket binibigyan ka ng attention, mahal ka na. Baka naman wala lang magawa yan o kaya may kailangan sayo.

Modus #2: Text Box Out
Parang sa basketballโ€ฆ Unahan sa posisyon tapos huwag mong hayaang may lumapit o umaligid pa. Kung magtetext ka, itodo mo na. Yung tipong wala na siyang oras o sapat na finger strength para magreply pa sa mga kaibigan at kapamilya niya. Pag paulit-ulit, nagiging habit. Pag habit na, mahirap na alisin. Kaya kung masasanay mo siya na magreply sayo, kapag di ka na nagtext, magtataka na siya at magseselos kahit nung una wala naman siyang interes sayo dahil di naman ikaw ang dream guy niya. Manipis ang line between “the dream guy” and “the guy” kapag textmates na kayo. Dahil nariyan ka na e. Sanay na siya sa’yo. Mahihirapan na siya maghintay ng dream guy niya. Mahihirapan na siyang tumanggi sa’yo. Isa pang aspeto ng text box out ay ang pagb-box out ng friends niya. Ito naman ay kung di ka nila tanggap para sa kaibigan nila. Girls, kung di siya tanggap ng friends mo, ibig sabihin may mali sa kanya at hindi sa friends mo. Dahil wala nang mas masaya pang feeling sa pakikikilig sa friend mong may awesome na manliligaw. Boys, kung ‘you’re not good enough for my friend’ ang drama ng barkada ng crush mo, tingin ka ulit sa salamin. Anong mali sayo? Wala ka bang trabaho? Bad breath ka ba o may B.O.? Tamad ka ba? Ayusin mo muna sarili mo. Pag binox out mo yung friends niya, inaako mo ang responsibilidad na mawawalan siya ng tropa. Man, you have to be worth it. Girl, he has to be worth it. Pano ba magbox out? Simple lang. Kaming mga babae ay parang mga usa sa Africa. Pag sama-sama, mahirap makahuli. Kaya dapat ma-draw out mo yung crush mo. Kasi pag dalawa na lang kayo, madali mo siyang mabibitag. Dahil wala na yung mga amuyong na bumubulong bulong. Kaya kahit magkakasama kayong lahat, itext mo pa din siya sa ilalim ng mesa. Tapos ngiti-ngitian mo, at i-death stare. Parang hitting two birds with one stone. Sinasabi mo sa kanyang sa kanya lang ang full attention mo and at the same time, sinosolo mo siya. Texting is the most intimate form of communication today. Akala ng lahat, text lang naman. Lang? Hindi a. Kapag may magkatext, para silang nagbubulungan. Kasi ang text, sila lang ang nakakabasa. Hindi mo alam na yung katabi mong mayumi’t mahinhin na binibini ay nagfflirt na pala sa phone niya. Kaya walang inhibitions. Kasi very private pag text. At mas delikado pa sa bulong dahil may backspace at delete. Kayang i-correct ang grammar, ang choice of words, at ang dating ng text bago maipadala. Kayang-kaya magfabricate ng awesome na message kahit ang gusto lang sabihin ay trip ka niya ligawan.

Modus #3: The Victim Card
Hindi lang mga lalaki ang nangangarap maging superhero. Women are natural nurturers. Gusto niyo protektahan ang mundo laban sa kasamaan? Gusto namin alagaan kayo para may lakas kayo gawin yan. In denial pa ko dati. May pagka-Amazona kasi ako. Pero sa kalaunan, habang napaliligiran ako ng mga batang lalaki na parang kapatid at anak ko na, narealize ko na yun nga ang pagkakadisenyo ng Diyos sa akin. Kung bibigyan mo ng dahilan ang crush mo kung bakit ka nagkaganyan, matatanggap niyang ganyan ka. Kung sasabihin mong mainitin ang ulo mo dahil inabuso ka nung bata, tiyak na hahaba ang pasensya niya sa’yo. Susubukan ka niyang intindihin at ayusin. Pero alam nating lahat na hindi love life ang solution. Dahil kapag pumasok ka sa relasyon, dapat handa ka. Dapat marunong kang magdala. Kaya bago pa magamit sa mali ang modus na ito, ibaling natin nang tama. Ang victim card ay applicable lang sa mga maliit na bagay tulad ng pagpupunas ng pawis tuwing may laban ka sa basketball. Humingi ka ng tulong sa mga maliliit na bagay. Magtanong ka kung anong bagay na damit sayo. Magpaturo ka magluto. Pero wag mo ipabuhat sa kanya ang mga sama ng loob mo at mga trauma mo. Dahil makukuha mo nga ang awa niya ngayon, maaaring maging kayo, pero magkakasakitan lang kayo. Mauubusan siya ng pasensya, maiirita ka sa pakikialam niya. Kaya girls, bago pa mahuli ang lahat, umiwas ka na sa lalaking walang disiplina, walang control, at walang direction.

Modus #4: The Cha Cha
Mga kababaihan, delikado ang cha cha. Kaya maging aware kayo kung nilalansing na kayo sa pamamagitan ng modus na ito. Ano ba ang cha cha? Hango sa sayaw kung saan humahakbang ka ng paharap at pagkatapos ay umaatras, ganun din ang konsepto ng cha cha. Madalas ginagamit ng mga professional chick boy. Sweet sayo tapos biglang aatras. Para kayong magkapartner sa cha cha. Pag-atras niya, ikaw naman ang hahakbang. Pagsugod niya, ikaw ang aatras. Paulit-ulit hanggang di mo namamalayan, sumasayaw ka na sa tugtugin niya. Women would rather be hurt than confused. So kapag naguguluhan ang babae sa intention ng lalaki o naguguluhan kung sweet nga ba siya o hindi, aangklahan niya ito. Kaya girls, kung dinadaan kayo sa cha cha, wag ka makipagsayaw. Iwanan mo sa dance floor. Umupo ka’t magisip.

Modus #5: You and Me Against the World
Boys, ang modus na ito ay parang enhanced form ng box out. Kapag malapit na kayo sa MU stage, ang bawat taong kokontra sa inyo ay kakampi mo sa modus na ito. Dahil kung ipapakita mo na paninindigan mo siya no matter what at no matter kung sino pa ang kumontra, magmumukha kang Robin Padilla – bad boy with good intentions. Women want their lives to be just like the movies. Kapag naubos ang mga mahal niya sa buhay na pwede niyang kausapin, pag wala nang tao sa mundo niya at sa recently used numbers ng phone niya, ikaw na ang nagwagi. Iyong iyo na siya kahit hindi ka pa niya sinasagot o kahit di ka pa formally nanligaw. Pero mag-isip ka muna kung yan ba talaga ang gusto mo. Dahil kung mahal mo siya, sasali ka sa mundo niya. Di mo ito aangkinin. Kausap namin nung minsan yung boyfriend ng kakambal ko. Tapos sabi ng tita ko, “Buti ka pa. Pag may lakad ang family, pwede ka sumama. Kasi tanggap ka dito. Mahal ka namin. At kahit mag-away kayo, dun kami kampi sa tama.” Ang sarap naman nun. Tipong pag sinungitan siya ng kapatid ko, pagagalitan namin yung kapatid ko. Kasi aprub e. Kaya naman ang modus na ito ay may malalang consequences.

Masyado nang mahaba ang post na ito. Sa susunod, pag-usapan naman natin ang mga mas specific at bonggang ways ng pagpapakilig.

Sa fairy tales, walang kailangang gawin ang prinsipe kundi halikan yung prinsesa tapos sila na – magigising na si Sleeping Beauty, mabubuhay na si Snow White, magiging prinsipe na yung palaka at si Beast. Pero isipin mo, prinsipe kasi sila. Knights in shining armor (brown fur para kay Beast) na kayang ipagtanggol ang mga prinsesa nila. May kaharian sila. May karapatan silang mag-asam ng prinsesa dahil nasa kanila na ang lahat. Marami silang maibibigay sa prinsesa. Kung prinsipe ka – edukado, maginoo, may kakayanan, kahit walang modus, hindi ka mahihirapan mapaibig ang dalagang napupusuan mo. Dahil alam niya na handa ka at mahal mo siya. Sino ba naman ang makakatanggi doon? At the end of the day, ang importante ay kung sino ang manililigaw at di kung paano siya manligaw.

29 responses to “Manliligaw na Naliligaw: Paano ba manligaw?

  1. Napakalinaw ng mga payo. Kaso hindi ko po gagamitin, tinutulan na ako ng disclaimer. Tsaka ko po gagamitin kapag handa na talaga akong pumasok sa isang relasyon.

  2. wow….^_^ i really appreciate the advise here…I’m still in the process of getting ready in a relationship…

  3. Natutuwa ako sa mga blog entries mo, Ms. Abby. A friend shared your blog entry, “Pag Pinaghihirapan, Pinahahalagahan”, to me. She told me that your piece reminded her of me. Siyang tunay nga. Naniniwala pa rin ako sa konsepto ng dalagang Pilipina. Sa maayos na panliligaw. I should know, because I have once been a little maarte/malandi when I was still a teenager. Di ako naniniwala nun sa konsepto ng panliligaw. A guy came along and we jumped immediately into the uncertainty of M.U. and several weeks later, we became a couple. I wasn’t able to “test” him because we skipped the courtship stage. Later on in the relationship, I realized I was the one who was wearing the pants. Ako yung mas may initiative, ako yung naglelead. Ako yung mas may balls saming dalawa. Most of the time, he’s reluctant to lead. And he has a great tendency to lie. His mother warned me oh-so-many times of his immaturity. We broke up 2 1/2 years later because of a multitude of reasons. No closure at all. He did not initiate which was not a surprise. I learned barely a month after the BIG fight that he’s already hooked up with a girl officemate of his. That experience taught me that if I had given time for me to know him more, then I would’ve had the chance to gauge if he’s a man enough and spare myself the heartbreak. Prevention is better than cure, ‘ika nga. Now I know better through a long time of contemplation and prayers. I’m single for 1 1/2 years now. And I’m not into flirting too. I’m just here, trying to do something WITH my singleness (not doing something ABOUT it) by making myself a better person for God, my family and friends. I’m just here, trying to be productive during the wait for that one man who is courageous and patient enough to pursue and woo me. (Wow, parang ang kinis ko e! Haha)

    Sorry for the lengthy comment. Sobrang relate lang talaga ako. And I just wanna share that it’s not too late to be a dalagang Pilipina.๐Ÿ™‚

    Thank you for your blog entries.๐Ÿ™‚

  4. baka naman may ways to change the mind of a girl๐Ÿ™‚
    epektib dn ba to don? yung tipong gusto ka nyang ikulong sa friend zone?
    tips naman jan๐Ÿ˜€
    all i want is to change her mind and make her fall in love w/ me๐Ÿ™‚

  5. very nice… ngayon mas lalo kung na intindihan kung bakit dapat hindi magmadali sa pag pasok sa isang relationship, well explain grabe galing..

  6. *clap*clap*
    ang galing niyo po! dapat itong mabasa ng bawat pbb teens sa mundo. Hahahaha! At na sapul ako sa cha-cha. waaaaaaaah buti na lang cautious akes! salamat sa napakaganda, nakakatawa at nakakagising na blog ^_________^ God bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s