Dahil May Isang Dulo ng Walang Hanggang Pangako Sa’Yo Lamang: Telenobela at Totoong Buhay

Bakit nga ba bentang benta sa mga Noypi ang mga telenobela? Kasalanan to ni Marimar, Maria del Barrio, at Maria Mercedes. Kaya tena’t patayin si Thalia!!! Joke lang. Naiinggit lang ako sa baywang niyang kulang sa ribs. Hehe…

Pero siguro nga may kasalanan si Thalia. Kasi siya ang nagpauso ng amnesia, pansamantalang pagkabaliw, at mga chismax na kapatid niya ang leading man niya. Kasi noon naman ang mga plot ng lumang telenobelang Pinoy ay tungkol lang sa nawawalang anak, napagpalit na anak, at naghihiganting anak. Bago pa nauso ang DNA testing bilang sagot sa misteryo ng pagkatao ng bida, DNA test na ang pinanghawakan ni Mara sa Mara Clara – DNA o Diary Ng Angkel (Uncle).

Kasama na sa sistema ng milyun-milyong Pilipino ang panunuod ng telenobela. Sa katunayan, ang mga kababayan nating nangingibang-bansa, isa pa ito sa mga pinoproblema. Nasa airport na, pero pinanghihinayangan pa ang ending ng paboritong telenobela ni Coco Martin (Yami!). Ang bilin sa anak, maliban sa mag-aral mabuti, e irecord ang mga episode ng telenobela at ipadala sa Dubai. Dati, kapag bilog ang buwan, nasa kalye ang mga tao at nagkukuwentuhan kabang naglalaro ang mga bata. Ganun din kapag mainit ang panahon at nagpapapresko. Pero ngayon, pagdating ng magulang galing sa trabaho, kakain agad ng hapunan bago o habang nanonood ng teledrama marathon. Imbis na sabay-sabay sa hapag-kainan, kaniya kaniyang pwesto sa tapat ng telebisyon. Di bale nang matinik sa tilapiang kinakain, wag lang ma-miss ang matinik na diskarte ng kontrabidang babae na daig pa si Paquito Diaz sa itim ng budhi.

Ang naaalala ko nung bata pa ako, di pa uso ang telenobela. Di pa parte ng sistema ng bahay namin. Pangako Sa’Yo ang natutukan ko ng bonggang bongga. Ang storya ni Angelo at Ynamorata Macaspac – sina Rocky Road at Cookies ‘n’ Cream. Pero maliban dun, naaliw din ako sa Munting Paraiso pero isang beses sa isang Linggo lang yun. Tapos ang sunod naming nasubaybayan ay yung kay Red Butterfly, Boris, Yuri, at Katrina. Kung alam mo ang title, lagay mo sa comment. Ibig sabihin nun, nakikilig ka sa unang tambalan nina John Lloyd at Bea Lorenzo na noong panahon na iyon ay bagets na bagets pa. Siyempre, dahil sa palipat-lipat na timeslot, napapanood din namin yung mga iba. Pero di tumatatak sa utak masyado.

Naiintindihan ko naman na dibersyon lang ang mga telenobela. Para maibsan ang mga damdamin ng mga Pilipino. Para problema naman ng ibang tao ang pagtuunan nila ng pansin. At isa pa, dahil garantisado ang happy ending, kahit kinidnap na ang bida o kritikal na sa ospital, hindi nawawalan ng pag-asa ang mga nanonood. Kampante lang silang nanonood at nananampalatayang balang araw, masasabuyan ng asido ang kontrabida, mabubulag ang isang mata, masusunog ang kotse, lalayasan ng anak, malulugi ang negosyo, at mabubulok sa kulungan kung saan bigla siyang magbabagong buhay. Pero higit pa sa entertainment value, marami nang naidulot ang mga telenobela sa atin.

Sa paglipas ng panahon, marami na ring nagbago sa mga telenobela. Pero nabago na rin ba ng telenobela ang totoo nating buhay? Nakakalungkot kapag dumating ang panahon na sa bahay niyo, nakaschedule na ang mga bagay para wag sumabay sa mga paboritong telenobela. Tipong, “Anak, wag ka muna umiyak jan. Umiiyak na si Maria at nagbreak na sila ni Agapito dahil magkapatid daw sila sa ama.” Ganun ba dapat? Di kasi maiwasan na maihalo sa buhay ang mga linya sa pelikula. Gaano ba naman kaimportante ang isang joke kumpara sa eksena kung saan malalaman mo na kung saan ba nagtago si Elisa? (Clue: Kasama niya si Waldo at Nemo.)

Isa pang napapansin ko ay ang pagkauso ng “bida mentality” sa mga tao lalo na sa mga kabataan ngayon. Yun bang tipong dahil sa maliit na bagay, pakiramdam nila parang pinagsakluban na sila ng langit at lupa o pinagtutulung-tulungan na sila ng lahat ng tao. Isa pang sintomas ng telenovela overdose ay ang mga koneksyong napapansin sa tunay na buhay. Tipong pag nanonood kayo, maririnig mo ang mga linyang ito:

“Buti pa siya o. Marunong magpahalaga ng magulang.”

“Tingnan mo yan. May respeto sa babae.”

“Ate, humanap ka ng ganyang lalaki a. Yung gwapo na, may abs pa.”

Nakakalungkot lang dahil parang nagiging modelo na sa pamumuhay ang telenobela. Pwede namang kumuha ng ehemplo sa mga totoong tao di ba? Para di tayo sumunod sa stereotype na pag mayaman, matapobre pero may anak na maiinlove sayo. Imbis na ipamuhay ang mga ugaling karapat-dapat gayahin, itinutuon ang pansin sa mga artistang nasa tv na kahit kailan, hindi tinitigyawat, hindi jinajabar, at hindi dumidighay o sinisinok.

Sanay na sanay tayong manood sa buhay ng ibang tao. Dati, mga kapitbahay. Ngayon, mga bida sa telenobela. Kaya madalas nakalilimutan nating pinanonood din tayo ng iba. At ang masaklap, hindi lang tayo pinanonood para malibang. Pero sa ayaw o gusto mo, may mga taong pinanonood ka para gayahin. Anong leksyon ang mapupulot niya sa’yo? Sa tunay na buhay, sino ka? Bida? Kontrabida? Bidang kontrabida?

PS: Subukan mo kumanta ng “Marimar…” Ang hirap pigilan ng “Aw!” no? Hehe…

9 responses to “Dahil May Isang Dulo ng Walang Hanggang Pangako Sa’Yo Lamang: Telenobela at Totoong Buhay

  1. Kay Tagal kang Hinintay..😀 paborito ko rin to noon! si rica pa unang ka-love team ni rica noon, bago sya napunta kay bernard palanca.. at russian names lahat ng pangalan ng characters nila.

  2. Hindi rin ako mahilig sa telenobela pero naadik ako ngayon sa “Walang Hanggan”, ganda kasi ni Emilia Guidotti, para bang si Amor Powers dati hehe

  3. Oo nga. Hindi dapat umikot lang sa telenovela ang buhay ng tao kasi may time tlaga na imposible yun mangyari sa tunay na buhay.this is an eye-opener. Good post!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s