Boys to Men: Malaki na di pa rin Lalaki.

“All princes start as frogs, all gentlemen as thugs, just wait til it’s plain to see what we’re growing up to be. Some frogs will still be frogs, some dogs will still be dogs. Some boys will become men, just don’t kiss us til then.” (Princes and Frogs – Superchic[k])

I love that song. Totoong totoo kasi. Napatunayan naman sa developmental psychology na sa toddler to grade school na edad e may halong pandidiri ang tingin ng mga batang babae sa mga lalaki na madalas uhugin, libagin, marungis, at maharot. To sum it all up, “icky” sila. Ask an average girl at sasabihin niyang imposible siya magkacrush sa kaklase niya kasi yucky. Pero noon yun. Noong bata ka pa at di ka pa tumutungtong sa puberty stage.

Sa pagtungtong sa grade four, nagsisimula nang magbago ang paningin ng bawat isa. Natututo na ang mga lalaking gumamit ng deodorant, maligo higit sa isang beses isang araw, gumamit ng facial wash, at mag-ahit kahit balahibong pusa lang naman ang nasa mga ibabaw ng mga nguso nila na lagi nilang binabasa at dinidilaan. Kaya naman biglang pwede na pala sila i-consider. Uso na ang crush crush. Uso na ang FLAMES. Uso na ang pasimpleng landian sa slumbook. Uso na ang “ayikee” instead of “icky” lang. PBB teens? Haha…

Napaliligiran tayo ng iba’t ibang klaseng lalaki. Iba’t ibang stages ng development. Sa totoo lang, ang post na ito ay para sa mga kalalalakihan. At binibigyan ko ng karapatan ang mga babae na magbabasa nito na manermon sa kanila. E ganun e. Blog ko to. Wag ka kumontra. Gawa ka ng blog mo kung gusto mo. Hehehe…

Sabi sa recent studies, nauubos na raw ang “quality men”. Oo. Sa pag-aaral sa States, napatunayan na karamihan ng mga kalalakihan ay hindi makikita sa colleges at universities. Sa mga major universities, 60% pataas ay kababaihan. Partida pa yan a. Kasi sa mga coed lang yun. E pano pa sa mga all-girl colleges?

Nasaan na nga ba ang mga lalaki? Where are the men? Ang daming may XY chromosome, pero they are boys and not men. Ano ang pagkakaiba ng dalawa? Meron nga ba?

Boy – from birth to adulthood, an immature male

Man – an adult male human; one possessing in high degree the qualities considered distinctive of manhood; the quality or state of being manly; the individual who can fulfill or who has been chosen to fulfill one’s requirements

(definitions from m-w.com)

Para matawag kang boy, walang kailangang gawin liban sa ipanganak. From birth, nung dineklara ka bilang ‘baby boy Cruz’ ng doctor, boy ka na. May XY chromosomes, may testosterone, at may lahat ng potential maging man balang araw. Pero hindi pa. Kasi kailangan daanan ang proseso ng pagtransition mula sa pagkabata hanggang pagbibinata. Sa Pilipinas, iisa lang ang rite of passage: circumcision. Sabi nila, once na-tsuktsak na yung foreskin, ayun. Binata na raw. Pero yun lang ba talaga ang batayan sa atin? Kasi sa ibang kultura, lalo na doon sa mga Native Americans, isang mahabang proseso ang pagreach ng manhood. Kailangan ng manitou (spirit identity), kailangan ng skills (hunting, battle), at kailangan mapatunayan ang sarili. Boys have to earn the right to be a man.

Kadalasan nakalilimutan ng mga kabataan ngayon na you are not defined by your biological age. Kung birth certificate lang ang proof of manhood, mashado namang madali. Hindi pinamimigay ang titulong “man”. Sabi nga sa dictionary, one must possess the qualities considered disinctive of manhood. Ano nga ba ang requirements? Anong qualities ba yun? Para ma-define natin, pag-usapan natin kung ano nga ba talaga ang expectations sa isang tunay na lalaki.

  • Boses. Oo. Boses. Pero bago mo maisipan umehem ehem na parang nahirinan lang sa balat ng popcorn, lilinawin ko ito. Kahit singtinis pa ng boses ni Mahal ang lalaki, lalaki pa rin siyang maituturing kung may boses siya. At kahit anong lalim ng boses mo na lampas pa sa hukay ng libingan ni Lapu-lapu sa sobrang lalim, kung wala kang say, wala kang say. Hindi tinig kundi boses. Ang tunay na lalaki, may karapatan magsalita. May opinyon. May pinaninindigan. Karamihan ng mga lalaki ngayon, takot o nag-aalinlangan. Pag naguumpukan na ang mga tao, tahimik na. Tameme. Kapag may isyung tinatalakay, dapat alam mo kung anong paniniwala mo. May opinyon ka ba sa RH bill? Alam mo ba kung bakit naniniwala kang buhay ang Diyos? May mga alien ba? Kamukha mo ba sila? Kung ang mga simpleng bagay, di mo kaya harapin at sagutin, huwag mong asahang ituturing kita bilang isang lalaki at di isang bata.
  • Abs. Bakit abs? Bago mo maimagine si Chris Evans, Chris Helmsworth, at kung sino sino pang hunk, lilinawin ko ito. Para sa kin, ang totoong abs ay abilities for short. Ano ba ang kakayanan mo? Ano ang kaya mong gawin? May kakayanan ka bang maaari mong maipagmalaki at pakinabangan? Nakakalungkot lang ngayon na ang kakayanang naiisip ng mga batang lalaki ay kung gaano siya kalupit mag-Dota, gaano kagaling mag-basketball, at kung gaano siya kagaling mag-chicks. Totoy, lahat ng ginagawa mo, dapat patungo sa kinabukasan. Dapat may long-term purpose at may direction. Bakit ka adik sa Dota? Magiging professional gamer ka ba balang araw? O nagsasayang ka lang ng oras at kuryente? Bakit ka nagbabasketball? May potential ka ba mag-PBA? Wala namang masama sa sports. Pero huwag naman ninyo gawing career ang hobbies. Basketball nang basketball, di naman tumungtong ni 6’3 ang height! E pano ka na niyan? Mabubuhay ka na lang sa pa-liga liga? Pustahan sa covered court? E sana ginamit mo na lang oras mo sa pag-aaral, wala pang nasayang. Walang nabubuhay para mag-enjoy. Tingin mo nilagay ka ng Diyos sa mundo para magliwaliw at gawin ang gusto mo? YOLO? Ganun? Kaya nga e. You Only Live Once! Pero samundo, You Only Leave Once. Pag natepok ka na, wala na. Di mo na magagawa yung pwede mo sana gawin pero di mo ginawa. Edi sana di na nilikha ng Diyos ang mga responsibilidad! Sana tumutubo na lang ang pera sa mga puno, namumulot na lang tayo ng ginto, at hinahatid ng mga stork ang mga bata sa bahay. Paligaw-ligaw ka na e wala ka pa ngang kayang gawin maliban sa magtext at magfacebook, twitter at tumblr! Wow naman. Tabi tabi po sa mga balat sibuyas. Pero toy, kapal muks ka din no? Grabe. Oo. May mga talent ka. Bigay ng Diyos yan. Pero tinanong mo na ba ang Diyos kung para saan ang mga yon? Sinabi niya bang may maganda kang boses para magpacute sa chicks? Dance moves para tilian ng girlettes? Wala na sigurong mas nakakapagpalungkot pa sa Diyos kesa makita ang anak niyang walang alam gawin kundi gumasta ng kuryente at perang pinaghirapan ng magulang niya.
  • 3D. The first D = Discipline. Kapag lumaki ka na toy, magiging asawa ka. Tapos magiging tatay ka. Sa ayaw mo’t sa gusto, di nalalayo ang bunga sa puno. Kung ano ka, kung sino ka, yun ang makakaapekto sa anak mo. Kung wala kang disiplina bilang mag-aaral, wala kang disiplina bilang empleyado. Wala kang disiplina sa lahat lahat. Hindi naka-compartment ang buhay. Maraming taong tanso. Walang perpektong tao. At mali naman ang babae kung hihiling siya ng perpektong lalaki. Kasi kung perpekto si Jose, di siya dapat mapunta kay Maria kung di rin siya perpekto. Pero naman toy! Hindi excuse and impossibility of perfection para tumigil magsumikap. Isa pang nakakalungkot na observation ko sa mga kabataan ngayon, e yung lack of focus. Kaya yung disiplina di maimplement sa lahat ng aspeto. Kasi naman gulong-gulo. Di alam san tutungo. The second D = Direction. Ang bangkang lumulutang lutang nang walang pupuntahan, naghihintay lang lumubog yan. Walang mararating, walang maaabot. Dapat alam mo kung saan ka pupunta at bakit. Bago ka manligaw, siguraduhin mong di ka ligaw. Para pag nandun ka na sa kahit anong sitwasyon, alam mo na kung anong gagawin. The third D = Dream. Ang taong walang pangarap, kailanman hindi magsisikap. Kung ang lalaki, hindi nag-aaral, hindi nagtatrabaho, at walang ginagawa pero may pangarap daw, hindi yan totoo. Liban na lang sa kung ang pangarap niya ay manalo sa lotto. Libre mangarap. Kasi yan ang first step. Sige lang, dream a dream! Dahil after nun, magbabayad ka na. Pagbabayaran mo ng dugo’t pawis ang pagsasakatuparan ng pangarap na yan!
  • Papel. Oo. Papel. Diploma. Kailangan yan. Sukatan ng pagkalalaki ang edukasyon. Itanong niyo pa kay Rizal. Sa panahon ngayon, wala nang imposible sa mundo. Wala nang hadlang para matuto ka. Sabi sa Bibliya, ang tumatanggi sa karunungan ay mangmang na walang patutunguhan. Totoo naman di ba? Marami akong kilalang lalaki daw pero ilang taon na, halos trenta na, wala pa ring natatapos. Kaya nga ang Filipino ng graduation ay “pagtatapos” kasi ibig sabihin, may tinapos ka. Lahat madaling magsimula pero hindi lahat kayang tapusin ang sinimulan. Isang test ng endurance, 3D, at stability and education. At sa panahon ngayon, papayag ba ang mga lalaki na manatiling tambay samantalang nageexcel ang mga babae? Karamihan ng mga boss sa Pilipinas, babae. At hanga ang mundo sa mga Filipina. I’m proud of that. Pero I can’t help but wonder where the Filipinos are! Nasaan na ba? Nasa bahay? Nanonood ng boxing, wrestling, at NBA! Naglalaro ng XBOX at PC! Magte-trenta anyos na, first year pa rin ang standing! Pinaaaral ng magulang pero di kaya magtiis sa loob ng classroom! Di kayang magsacrifice ng time at effort gumawa ng papers at homework! Anong mangyayari sa iyo balang araw? Sa pamilya mo? Karamihan pa ng mga dakilang tambay, professional manligaw at kapal muks! May iba diyan, puro papogi lang ang kaya. Pa-gym gym pa. Pero di na nga nag-aaral, manliligaw pa ng honor student! Cum laude pa ang didigahan. Wow naman kuya, hampasin kaya kita ng dumbel sa sobrang dumb mo? Konting hiya naman. Hanap ka na lang ng tambay na jeje jan, di kita pipigilan. Pero de kalidad pang babae bibingwitin mo? Hinay hinay lang. Wala ka bang respeto sa kanya? Wala ka bang respeto sa sarili mo? Wala ka bang respeto sa magulang ng babaeng yan? Pinag-aral siya at iginapang sa college tapos makakapangasawa lang ng tambay? Konting hiya naman toy! Di porket ‘mabait’ ka at ‘may takot sa Diyos’ e karapat-dapat ka na. Wala kang karapatan kahit kaunti para magsyota. Wala!

Tama nang sermon sa mga lalaki, kawawa naman sila. Sa totoo lang, di ko alam sinong sisisihin sa dilemma at imbalance na ito. Kasalanan ba ng mga ama na nagkulang sa pagseset ng example? Kasalanan ba ng mga inang kunsintidor na nagpalaki ng isang henerasyon ng mama’s boys? Kasalanan ba ng mga lalaki na di nila magawang magpakalalaki kahit ang lalaki na ng mga katawan nila? O kasalanan ba nating mga babae dahil patol naman tayo nang patol at nirereward pa natin ang ‘bad boy’ image nila?
At the end of the day, answerable tayo sa Diyos na lumalang sa atin. Binigyan niya tayo ng buhay. At di lang basta buhay! Kung may regalo ang Diyos na madalas nasasayang, yun ay ang mga POTENSYAL na ibinigay sa bawat isa. Kapag tinanong ka Niya kung anong nagawa mo para magamit yan at linangin, anong sasabihin mo? Dapat may eternal significance ang mga pinagtutuunan natin ng pansin. Are you a boy or a man? Girls, do you want a man or will you settle for a boy?

15 responses to “Boys to Men: Malaki na di pa rin Lalaki.

  1. Hey! ikaw pala to Abbie! tsk tsk! nainspire pa nmn ako. Nung nalaman kong ikaw… hindi na (kidding). thanks a lot! I like it very much! I look forward for more of your write-ups🙂

  2. Funny but really makes sense. I hope you don’t mind if I follow your blog and share some of your posts. It’s really nice and I really like your mentality. Keep writing.🙂

  3. Great write-up Abby!

    I like the idea of sharing your thoughts on the issue. It’s straight-forward and can stir a man’s heart to check his status and see if he’s fit to the standards you presented.

    I just have to disagree to some degree about education though, it is important to finish and graduate in our culture but I think it’s more important for men to be able to provide for himself and his family. There are men who were not able to graduate because of circumstances (like me) but is trying to provide for their immediate family. And of course, there are men like you’ve mentioned who does otherwise.

    Also,as advised by Josh Harris’, men and women should prepare themselves to become worthy for another’s affection by being godly, emotionally mature and financially stable before pushing oneself to say “I do.”

    I also believe that men and women have standards and we base it on what we see and think and hear, it’s so biased at times that we often need to contextualize it in the light of the scriptures because we live in a broken world with a broken-mindset of things.

    (I hope my comment makes sense)

    Be blessed!

    K. Vir

    • Kaya nga po I stressed the “abilities” din. Saka I’m targeting the young men who refuse to be educated. Yung mga pinag-aral ng magulang pero nagbubulakbol. Thanks for your reply. Nagkulang din ako sa pagklaro nung puntong iyon. God bless.

  4. Hi Ate Abby! Na-excite ako na may bago kang blog. Hehe Isa ‘to sa mga shine-share ko sa mga girl friends ko. Try ko next time sa guy friends ko. Isa rin ‘to sa mga nakaka-encourage sa amin na mga NBSB.Yehes.🙂 Affirm sa creative juices!God bless Ate!

  5. You’re so interesting! I do not believe I’ve read through anything like
    that before. So great to discover somebody with some genuine thoughts on this topic.
    Seriously.. many thanks for starting this up.
    This website is one thing that is needed on the web, someone with
    a little originality!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s