Kaibigan: Ka-ibigan o Kabiguan? (Escape the Friendzone)

Magkakaiba na nga siguro ng definition ng ‘kaibigan’ ang mga tao ngayon. At ang pagkakaiba ay mapupuna mo sa pronunciation at actuation habang binibigkas ito. Let’s experiment.

Step 1: Think of someone you’re honestly, really just friends with. Yung platonic. As in 0% malisya na kahit mag-zombie apocalypse ay di mo kaya pakasalan siya kahit kayo na lang ang tao sa mundo. Meron ka nang naisip? Kung oo, look at yourself in the mirror and say: “(insert name here) and I are just friends.” Observe. Record data. Analyze data. Make a hypothesis.
Step 2: Think of someone you’re ‘honestly’, ‘kinda’ just ‘special friends with’. Yung hindi platonic. As in may at least 10% malisya at tipong gusto mong mag-zombie apocalypse at kayo lang ang matira para siguradong kayo na. Meron ka nang naisip? Nakangiti ka na? Namumula na ba cheeks mo? Now, look at the mirror and say:”(insert name here) and I are just friends.”  Observe. Record data. Compare data from step 1 & 2. Make a conclusion.

Di ba malaki ang pagkakaiba? Kahit pigilan mo, lalabas ang dimples mo, magniningning ang mata mo, pipintig ang sintido mo, maninigas ang panga mo, ngingiti ka kahit pigilan mo, at magkukulay mangosteen ka kapag ginawa mo ang step 2. Kung sanay ka naman sa showbiz answer na ito, di mo maikakailang bumilis ang tibok ng puso mo nung sinabi mo ang pangalan niya. At kung babae ka, may mental image ka na parang hango sa background video ng videoke kung saan naghahabulan kayo, nagbabasaan, o nakahiga siya sa iyong lap habang binabasahan mo siya ng libro.

Kung sino ang may malisya, mali siya. Kaya nga “mali”sya e. Mali. Dapat ang pag-iibigan ay mag-uugat sa pagkakaibigan. Pero huwag naman na kakaibiganin mo lang dahil nga target mo na. Hindi magandang pundasyon ng relasyon ang atraksyon. Lalo na kung pisikal. Kaya lang pala kinaibigan kasi naibigan. Kaya mag-isip ka kung may potential yung friend mo o kung friend mo kasi may potential.

Pero kung huli na nga ang lahat at tingin mo talaga ay may panganib na ma-friendzone ka dahil may amats ka na talaga sa ‘friend’ mo… Tanungin ang sarili. Kaibig-ibig ba ako o kabig nang kabig? Kaibiganin bago kabigin. Huwag kang assuming at feeling close. Baka naman kakakabig mo, pinagbibigyan ka lang pala dahil nga kaibigan ka. Pero sa totoo lang, wala ka palang pag-asa. Ikaw din ang luluha.

Ang mali kasi sa atin ngayon, kung kanino may intensyon, siya lang ang binibigyan ng atensyon. At yan ang pinagmumulan ng tensyon. Kaya ang solusyon, proper appropriation. Huwag paikutin ang mundo sa isang tao. Kahit special friend siya, marami naman diyang regular friends di ba? At isa ang sigurado. Pagdating sa friends, mas matibay ang mga regular sa special. Tandaan. Ang mundo ay umiikot dahil sa laws of space. At magsisimula ang pagguho ng mundo mo sa loss of space. Dahil nga umiikot na ang mundo mo sa kanya, ibinigay mo na rin sa kanya ang karapatang saktan ka, pahirapan, paasahin, tapak-tapakan, durugin, pulbusin, at ipakain sa dust mites. Tandaan mo. Ang regalong hindi ginusto, hindi huhusto. Kaya kahit ialay mo ang sarili sa kanya, kulang pa din. Kasi nga di naman niya hiningi na magpakamartyr ka. Hindi mo kailangan magpakabayani dahil ayaw niya maging mananakop ng puso mo. Mahalin ang sarili. Sabi sa Bibliya, “Love your neighbor as you love yourself.” (Mark 12:31). Ibig sabihin, ang limit ng pagmamahal na dapat mo ibigay ay yung pagmamahal mo sa iyong sarili. Kung wala kang respeto sa sarili mo, paano ka niya rerespetuhin e pumapayag ka naman na saktan ka, pahirapan, paasahin, tapak-tapakan, durugin, pulbusin, at ipakain sa dust mites. Kung magkaibigan PA LANG kayo, tandaan mong magkaibigan LANG kayo. Ibig sabihin, di pa kayo. Hinay hinay sa pagbibigay. Huwag ka munang bumigay. At lalong higit, huwag kang magseselos kapag sa kanya’y may naugnay. Kailangan niyo pareho ng space. Kapag may loss of space, siguradong may friction. (O yan. Libreng physics review.) Kasi isinisiksik mo ang sarili mo sa kanya kahit di naman niya hinihingi. Kung di ka niya type, friction will cause heat. Iinit ang ulo niya sa iyo. Magsasawa kasi sa kakasundo mo, kakatext, kakatawag, kakapost sa fb, twitter, at tumblr, at sa pakikialam mo sa buhay niya. Kung type ka naman niya, mamamagnetize niyo ang isa’t isa nang sobra sobra at masasanay kayo na laging magkasama. Kahit nakakakilig yan sa umpisa, hindi pa rin healthy in the long run kasi instead of depending on each other, magiging dependent on each other kayo. May difference yun. MALAKI.

Kung ikaw naman ay talagang desidido na makatakas sa friendzone, may iba’t ibang paraan yan.

Ways to Escape the Dreaded Friendzone:

Method 1: “Escape artist” – ‘Love always finds a way’ ang OST nito. Kailangan mo ng creative way para matutunan ka niyang tignan in a whole new light. Tipong mapapa-realize siya na you were beside her all along pero di niya pansin until lantaran mong ipinakita sa kanya in a subtle way. Go the extra mile pero dahan dahan. (Rate of success: 60%)
Method 2: “Akyat bahay” – ‘Marry Your Daughter’ ang theme song. Kung nagbubulag-bulagan siya sa intensyon mo, umakyat ka na ng ligaw. Pero sa magulang ka magpaalam at sa kanila mo ipaalam. Sa gayon, kahit di ka niya gusto, at least gugustuhin ka ng magulang niya. At malay mo, may iba pa siyang kapatid na pwedeng ireto sayo. (Rate of success: 80%)
Method 3: “Forced entry” – ‘I Want To Know What Love Is’ ang background music habang nagdedemand ka na “I want you to show me.” Kasi sa method na ito, pipilitin mo siya magdecide kung friends na lang ba kayo, friends pa lang ba kayo, o kayo na. Delikado ito. Dahil maririnig mo ang matamis niyang “Oo!” o ang mapakla niyang “No way!” (Rate of success: 30%)
Method 4: “Salisi Gang” – Magmeditate sa kantang ‘Akin Ka Na Lang’. Hintayin mong magka-boyfriend siyang ungas at sasaktan siya. Tapos pag pinaiyak siya, banat ka ng: “Kung ako siya, aalagaan kita…” Ok sana ito pero di ka nakasisiguro. (Rate of success: 99% pero may 99% chance din na rebound ka lang.)
Method 5: “Ninja Indian” – Listen to Coco Lee’s ‘Before I Fall in Love’. Ito yung tipong eexit like a ninja ka sa life niya at magsisimula kang mang-indian sa mga lakad niyo at mga customs and traditions niyo bilang friends. In short, magpapamiss ka. Tapos pag di siya nakatiis at i-confront ka niya, kantahan mo lang ng ‘Before I Fall in Love’ o kaya kuha ka ng ibang lines sa song. Siguraduhin mo lang na di niya mahahalata. (Rate of success: 75% pero may 15% chance na di ka niya mamiss at mas masakit yun.)

May mga kilala akong magkaibigan na nagkaibigan at nagkatuluyan. Pero mas marami akong kilalang may kinaibigan dahil naibigan kaya ang ending ay kabiguan. Kaya check your motive. Isipin mo. Gusto mo ba siya o gusto mo lang talaga ng love life? Check your modus. Nagpanggap ka bang friend sa pagbabaka-sakaling mahulog siya sa iyo? Check your mate. May pag-asa ka ba o polite lang siya?

Huwag mo lokohin ang sarili mo. Sa totoo lang, ang pinakamadaling kumbinsihin, lokohin, at utuin ay ang sarili natin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s