Myth vs. Meat: The “X” Factor

Myth: The graver the sin, the better the story. I must be an “X” something so I can testify about God.

Isa sa pinakanakakalungkot na myth sa Christian churches ay yung tatawagin kong “X” Factor. Ano ba ang “X” Factor? Ito yung kung ano ka B.C. or “Before Christ”, “Before Conversion”, o “Before Confession”. Ano ka ba at sino ka bago mo pinapasok si Kristo sa buhay mo? X-convict? X-alcoholic? X-addict? X-playboy? X-smoker? X-suicidal? X ni (insert past love life here)?

Ang “X” Factor ay yung inaakala ng karamihan at maging ako noon na asset na kailangan ng bawat Kristiyano. At kapag Christian ka at wala kang “X” Factor, laos ka pa sa loser. Kapag hindi amazing sa kalalaan ang past sins mo, walang dating ang testimony mo. Sa mga youth group at prayer meeting, parang ang pinaka-cool na mga members ay yung pinaka-bad boy or bad girl noon. At para bang kung di ka pa nagpakalasing ever, wala kang karapatan mag-testimony pag may evangelistic event at youth rally.

Kaya di nakapagtataka na marami sa mga Sunday School alumni ay nanliliit pag-shift sa youth organization. Kasi for the first time, mahahalo sila sa mga dating black sheep, rebelde, emo, at misunderstood na kabataan. Kung sa Sunday school, sikat sila dahil pinakamabilis sila maghanap ng passage sa Bible drill, pinakamarami silang memorize na verses, pinakamagaling sa Bible trivia, at pinakatalented sa dami ng action songs na alam, pagdating sa youth group, sila na ang O.P. kasi “wala silang alam”. Napagbibintangang ignorante ang mga inosente. Wala kasing “X” Factor.

Madalas natatanong ako kung bakit mas maraming Sunday School Skippers kaysa Sunday School Survivors sa youth. Bakit daw nawawala bigla ang mga kabataan? Bakit pinipili pa rin nilang magrebelde kahit na they were “Trained in the way they should go”, when they get older, “they depart from it”? E kasi sabi sa verse “when they grow old” ibig sabihin nasa wilderness lang ang mga mokong na yan pero matatauhan din pagtanda. Nakakatawa isipin pero seryosong bagay ito. At sinisisi ko ang “X” Factor.

Subukan niyong magtanong sa mga Sunday School Survivors na nagrebelde tapos bumalik sa youth after magsawa sa pag-inom, pag-lalove life, at pagbabarkada. Karamihan ng mga nakausap ko, lalo na yung mga kalalakihan, ang sagot sa akin kapag tinatanong ko kung bakit sila ‘nagbackslide’ ay para daw may experience. Para daw may testimony. Para mas maraming ma-reach out for Christ. WOW! So para ma-glorify si Lord e isantabi natin siya for some time at saka na lang balikan pag may enough “X” Factor na? Yun ba? Personally, namisinterpret ko na rin ang Psalm 51:12-13 to justify my mistakes in the past.

Restore to me the joy of your salvation
and grant me a willing spirit to sustain me.
Then I will teach transgressors your ways
and sinners will turn back to you.
–Psalm 51:12-13

Favorite verse yan ng mga bumabalik galing wilderness. Isang malaking alibi para sa mga inosente na mag-astang ignorante at kalimutan ang mga natutunang importante. Kasi ano nga naman ba ang karapatan magturo ng isang taong walang karanasan? Paano ko mari-reach out yung mga umiinom kung di ako dating lasenggo? Paano ko magiging cell leader o discipler kung di ako makarelate sa mga bisyo ng member o disciple ko?

Sa puntong ito, basahin mo ulit ang verses sa itaas. Basahin nang mabagal at namnamin. Gamitan ng knowledge of the English grammar. Di ba sabi sa verse 13, “Then I will…”? Sige. Tignan mo. Check mo. Baka jinojoke kita. Ano ang pagkakaiba ng “Then I will…” sa “So I can…”? Di ba malaki? As in MALAKI!

Sa aking pagbubulay-bulay, napaisip ako dito. Pag “then” ibig sabihin time frame. Sa wikang Filipino, pagkatapos. May time factor. Pero kung “so” ibig sabihin may cause and effect. Hindi mangyayari kundi nangyari ang kundisyon. Kadalasan iniinterpret natin ang verse na ito bilang malaking X-cuse sa pagkakasala. Kasi makakapagturo lang ako after ko ma-restore. Mali yun.

Ang ibig sabihin ng “then I will” ay hanggang di ako nalilinis (v.10), hindi nababalik sa dati (v.12), hindi ako makakapagturo (v.13). Hindi naman sinabi na “only then will I be able to”. Kasi kung babalikan natin ang kwento ni David, bago siya nagkamali sa pakikipagrelasyon kay Bathsheba, isa na siyang magandang halimbawa ng pagsunod sa Diyos – isa na siyang mabuting hari at di niya kinailangang mag-ipon ng kasalanan para maka-relate. Pero dahil sa kasalanan, may period na nawalan siya ng credibility at karapatan na nagain niya after he was restored. Kapag hinubad natin ang ating pagka-Kristiyano para mamasyal sa wilderness, mawawalan tayo ng privilege to minister until we are restored fully.

Kaya kung tulad ko ay wala kang gaanong “X” Factor, huwag ka sanang panghinaan ng loob. Alam ng Diyos ang ginagawa Niya. Alam Niya kung paano ka niya gagamitin. Ibang “X” Factor ang mayroon tayo. At yun ay ang makapangyarihang “X”-ample. Sabi nga ni Paul kay Timothy na equivalent ng Sunday School Survivors ngayon…

But as for you, continue in what you have learned and have become convinced of, because you know those from whom you learned it, and how from infancy you have known the holy Scriptures which are able to make you wise for salvation through faith in Christ Jesus.
— 2 Timothy 3:14-15
Don’t let anyone look down on you because you are young, but set an example for the believers in speech, in life, in love, in faith, and in purity.
— 1 Timothy 4:12

Nalilimutan kasi natin na higit pa sa “X” Factor at kung ano ka dati, mahalaga ang “X”-ample na ipinapakita natin bilang Kristiyano. Karamihan ng mga nagbabackslide na kabataan ay nakakita ng masamang example ng mga ate at kuya sa church na umalis dahil walang “X” Factor.

Ilang beses ka na bang nakarining ng malupit na “X” Factor testimony? Yung dating masama na naging mabuti? Di na mabilang marahil. Piso tumpok na yan. At kung tatanungin mo sila, pinanghihinayangan rin nila ang oras na sinayang noon. Ang mas rare ay yung mga “X”-ample stories – yung mga inilaan ang buong buhay sa pagsunod kay Lord. Yung di nag-look to the right nor to the left. Kailangan natin ng maraming kuya sa youth na hindi man lang tumikim ng alkohol o yosi. Kailangan natin ng mas maraming ate na hindi nagsusuot ng maikling palda o nakikipagtextmate para lang makaipon ng atensyon. Kailangan natin ng mas maraming love team na hindi nagpaligaw at nanligaw hanggang di parehong nakatapos sa pag-aaral. Kailangan natin ng mga kabataang sanctified. Sila yung may karapatang magsabi na hindi niyo na kailangan pang maexperience ang mga kasalanan para malaman ninyo at maranasan ang pagmamahal ni Hesus. Sila yung mga kabataang maaaring magpakita kung paano maging ‘cool’ at ‘astig’ kahit hindi sila nakapag-absent kahit minsan pag Sunday service. Sila yung mga natatanging tao na may kakaibang karapatan at kakayanang kumanta ng ‘I Have decided to follow Jesus, no turning back, no turning back’ habang alternate na tinataas yung thumb at pinky ng magkabilang kamay.

9 responses to “Myth vs. Meat: The “X” Factor

  1. Thought provoking. No need to get lost on purpose, instead continue doing what we were trained to do. I hope this could open the eyes of many Christians.🙂

    God bless you! Keep on writing!🙂

  2. gandang artik! andami kong natutunan..naisip ko din yung thought na ‘to, na kelangan may X – traordinaryong past life para maging X – cellent na living testimony. pero tama nga, tama lahat yung mga sinabi mo dito. pagbubulay – bulayan ko ‘to ng maigi. salamat kay Lord para sayo! :))

  3. isa pang masigabong palakpak sayo. super agree ako dito. personally kasama ako sa tag tatlo dos (in other words common na hahaha) na X-factor stories at sa totoo lang ang dami kong nasayang na panahon na kung pwede lang ibalik ang oras eh mag iipon ako ng X-ample stories. Blessed ang mga kabataang never nagka dark past, sobra ang saludo ko sa inyo.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s