Pana-panahon: The Quadromantic Formula Part 1

Image

Kung magkakilala tayo nang personal, lalo na kung nakaranas ka nang makasama ako sa sleepover na di naman talaga nagsi-sleep ang mga tao until it’s over, malamang narinig mo na ang aking Quadromantic Formula. Ano ang Quadromantic Formula? May pagkakaiba ba ito sa quadratic formula? Magaling ka ba sa algebra? Kung oo, good for you. Pero kung hindi, huwag mag-alala, di tayo maghahanap ng ‘x’ ngayon. Kwentuhan lang para maiwasan ang ‘x’ na yan.

Ang ‘Quadromantic Formula’ ay yung inimbento ko na ‘seasons’ kuno ng life and love. Kumbaga, parang yung ‘psychosocial stages’ ni lolo Erikson. Ayon sa kanya, may stages ng development ang bawat tao at hinati niya ito sa iba’t ibang edad. Pero basically hinati niya into childhood, transition years o yung adolescence, at adulthood. Hindi ako psych major kaya tanungin niyo na lang yung kakambal ko tungkol diyan. O kaya magbasa ng books or articles about developmental psychology. Hinimay-himay namin ang bawat stage na yan nung nasa FEBIAS pa ako kaya medyo may naaalala pa ako. At ngayon nga ay nakatulong ang mga sinabi ng mga developmental psychologists para mabuo ang aking theory na ito. Hindi ko idididscuss in detail ang bawat stage dahil limitado ang oras ko ngayon pero ako’y sumusumpa na magpopost ng mga detalyadong depinisyon sa mga susunod na araw. Quadromantic kasi it is divided into 4-year stages and focuses on romantic relationships.

Kung handa na kayo, heto na. (cue music) Presenting the… (cue drumroll)

QUADROMANTIC FORMULA:

1.) From 0-4 years old – Ito yung age na hindi pa gamay ng bawat bata kung ano ang tunay na ibig sabihin ng relasyon. Kasi nga palibhasa tulad ng napatunayan ng siyensya na centered on self ang tao sa ganitong edad, malayo sa kaisipan natin noong ganyang edad ang mga usapin sa pagboboylet at girlet. Hindi pa nga marunong magpigil lumunok ng Chiclet e. (Para sa mga bagets, Chiclet yung chewing gum ng sosyal noong 90’s) Kaya nga sa edad na ito, lalo na sa nursery, kahit malinaw na na ang upuan ng girls ay pink at upuan ng boys ay blue, marami pang ibang bagay na pinagtutuunan ng pansin kaya kahit anong pilit ng magulang na i-love team ka sa anak ng amiga niya, kebs lang.

2.) From 5-8 years old – Ito yung school age. Kung sa coed elementary ka nagaaral, dahan-dahan kang maeexpose sa malaking pagkakaiba ng mga lalaki at babae. Dahil aware ka na na magkaiba ang uniforms niyo, kulay ng bag, at design ng erasers, nagkakaroon ng clear line sa pagitan ng mga batang babae at lalaki. Sa aking sariling gunita, sa ganitong edad, natural na may halong pagtataka kung bakit ayaw maligo ng mga kaklaseng lalaki. Nagsisimula na ring matuto ang mga batang makipagkaibigan sa edad na ito pero hindi pa gaanong namimili kung sino ang kaibigan. Uso pa ang coed na barkada. Hindi pa issue ang pagiging cool o astig o popular sa school kaya walang pilian ng tropa na nagaganap. Ang bestfriend ko nga noon, nakatabi ko lang sa classroom at kahit pareho kaming mahiyain at di kami nag-uusap, magbestfriend na kami. Sabi kasi ng mga lola namin. Yung iba naman, kahit babae ay nagte-tex. (Note to the iPad generation: Ang tex nga pala ay yung maliliit na cards na kinokolekta noon. Educational toy ito at dahil sa tex, natuto ang henerasyon kong magsugal at magbilang nang: “i-sa, dal-wa, tat-lo, a-pat, li-ma…” habang nagbibilang ng napanalunan sa pustahan.) Tex pa kasi uso noon. Di pa text.

3.) From 9-12 years old – PBB Kids edition na ito. Actually, noong panahon namin, di pa uso ang PBB Kids. Teens lang. Medyo. Sa edad na ito, nagsisimula na maging banidosa ang mga babae. May sarili nang roles sa loob ng classroom ang mga tao. Natututo na ang mga batang makibarkada sa mga katulad nila. At sa totoo lang, sila totoy at nene na dati ay super close ay magsisimula nang magkaroon ng sari-sariling tropa. Yung boys, maguusap tungkol sa video games at basketball. Yung girls, magddrawing ng pangarap nilang bahay. (Bata pa lang, alam na alam na kung sino ang mas mabilis magmature) Sa edad na ito, nagiging aware na tayo sa mga batas sa classroom tulad ng ‘Girl Power!’ at ‘Boys Rule!’. Pag may games, laging gusto boys vs girls. Kasi naaartehan ang boys sa girls at nandidiri ang girls sa boys. Haha… Kung may mga crush man, hindi karamihan at lalong wala pang ligawan. Pero pag Valentine’s paminsan-minsan merong nag-aabot ng card at candy. Tapos tutuksuhin ng boys yung lalaki at mandidiri kuno yung girl kahit feel na feel niyang angat siya sa ibang walang natanggap.

4.) From ages 13-16 – Sa edad na ito, nalilimutan na natin ang kakayanan natin noon na makipagkaibigan nang natural sa mga kaedad na opposite sex. PBB Teens na nga. Laman ng usapan ay yung mga crush, type, at dinidigahan. May mangilan-ngilan pa ring girl and boy ‘bestfriends’ pero uso na yung MU kaya kaduda-duda na kung friends nga lang ba sila. Sa edad na ito, high school na kaya parang OP ka kung wala kang love life. Nakakalungkot na katotohanan pero maraming sumusugal ng damdamin dahil lang sa pressure to fit in. Para na lang merong ka-love team, kahit sino na. Sa edad na ito, akala mo yung bf/gf mo e mundo mo na. Palibhasa bata pa at wala pang responsibilidad, maraming oras na ginugugol sa pag-gu-google ng mga crush. Tapos di mabitawan ang cellphone dahil may textmate na. Kaya saludo ako sa mangilan-ngilang mga kilala kong kabataang lalaki na walang interes magka-cellphone. (Special greeting kay Stanley at Jeg). Di lang alam ng mga teenagers na hindi katapusan ng mundo ang breakup ng puppy love nila. Hay… Siguro naman may mag-aagree na mistake lang yung pumasok sa maagang relasyon at nakakatawa lang pag naalala mo ngayon kung sino siya at kung paano kayo magtawagan.

5.) From ages 17-20 – Kolehiyo na hanggang makapagtapos. Sabi ng iba ideal na raw ito para pumasok sa romantic relationship. Sa totoo lang, sa akin, hindi pa. Idididscuss ko next time. Sa edad kasi na ito, magiging busy ka sa studies, mabubuksan ang mata mo sa career opportunities in the future – na malawak ang mundong maaari mong galawan. Mapapaisip ka kung yung love team niyo ba e tatagal at kung kakasya ba siya sa bago mong pangarap na future. Kaya mahirap magsimula ng relasyon sa edad na ito. At ito rin ang testing ground ng mga nabuo noong stage 3 at 4. Ok lang kung pareho kayo ng pangarap. Pero sugal na malaki kung ang pangarap niyo ay bubuuin nang magkasama dahil malaki ang pagkakaiba ng stage 5 at 6.

Dito muna magtatapos itong post na ito. Para may kaunting suspense. Hahaha… Next time na yung Stages 6-10. Assignment muna: Analyze the stages and try to recall specific memories from each stage. Feel free to share your experiences sa comment section.

Remember:

“There is an appointed time for everything.  And there is a time for every event under heaven.”

— Ecclesiastes 3:1

2 responses to “Pana-panahon: The Quadromantic Formula Part 1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s