Tried. Tired.

Dear friends/readers/prayer supporters,
Today I found out that I didn’t pass the CPA board exams. Thanks for your prayers and encouragements. I know I don’t post personal stuff dito pero let me share some of my journal entries during my review and during the exams.

——————————————————————————————————————————————————————–

Day 1: Start of review class

I know that I’ve been
Given more than beyond measure,
I come alive when,
I see beyond my fears
I know that I’ve been
Given more than earthly treasure,
I come alive when
I’ve broken down and given you control
(Jeremy Camp, Beyond Measure)

A new chapter of my life starts now. It feels awfully like purgatory, though. Alam ko mang walang purgatoryo, pero sa buhay siguro ng bawat student ng Accounting, Nursing, Engineering, Medicine, at Law, ito na yun. Matapos ang ilang taon ng pakikipagbuno sa kolehiyo, at bago ang huling hurdle, may purgatoryo – ang review. Iniisip ko nga na huwag na lang mag-exam. Sa totoo lang, bago pa man ako nag-enroll ng Accounting 5 years ago, desidido naman ako na di pagiging CPA ang career path ko. Pero matapos ang lahat-lahat, siguro nga kailangan ko ito pagdaanan hindi dahil kailangan ko o dahil isa itong hakbang tungo sa pagyaman kundi dahil ito ang gusto ng Diyos na gawin ko sa ngayon. Siguro lahat ng pagtanggi ko noon, bunga din ng takot na bumagsak. Sabi nga ng tatay ko, wala pa raw pagkakataong nagkulang ang Diyos sa akin. Sa lahat ng entrance exam at qualifying exam, wala pa kong bagsak. Takot na takot tuloy ako baka ngayon yung una. Haha…😀

Sa buong buhay estudyante ko, ang pinakaayaw kong dasal e yung “reward each one according to their diligence”. Bakit? E kasi di ako diligent. Kahit pa nakakuha ako ng most diligent noong bata pa ako, mula nung high school, I’ve been far from diligent. Kaya pakiramdam ko kung diligence ang sukatan ng grades, lalagpak ako. Hay… Kaya nga siguro kailangan ko ito pagdaanan. Kailangan kong matutunang maging diligent muli.

“Study to shew thyself approved unto God, a workman that needeth not to be ashamed, rightly dividing the word of truth.” (2 Tim. 2:15)

Applicable ba yan pati sa exam? Actually hindi naman. Kasi ang tinutukoy diyan e yung pag-aaral ng salita ng Diyos. Pero kung huhukayin kung ano ang ibig sabihin ng “a workman that needeth not to be ashamed”, di ko mapigil maisip na kailangan ko ngang gawin ang part ko. Kasi nakakahiya naman sa Diyos. Ang dami Niyang ginawa para sa akin. Namatay na nga Siya sa krus para iligtas ako, binigyan pa Niya ako ng kakayanan makapag-aral, ng pamilyang nagmamahal sa akin, mga kaibigang sumusuporta, mga churchmates na daig pa ang cheering squad kung makaboost ng morale, at eskuwelahang gumabay sa akin hanggang makapagtapos ako ng Accounting, alangan namang di ko gawin ang parte ko. Nakakahiya naman. Isa pa, sa dami ng mga nananalangin na pumasa ako, nakakahiya naman na humingi kami ng gabay ng Diyos tapos petiks lang ako. Hay…

Sana lang hindi pa huli. Sana makapagsimula ako muli. Nakalimutan ko na siguro maging masipag. Pero siguro… sana… huwag ko malimutan kung bakit kailangan ko magsipag. Kaya Ama, bahala Ka na.

“Commit to the Lord whatever you do, and he will establish your plans.” (Prov. 16:3)

“It’s up to you how far you go. If you don’t try, you’ll never know.” – (Merlin, Sword in the Stone)

4 responses to “Tried. Tired.

  1. hinanap ko din yung pangalan mo nung tiningnan ko yung result ng boards.. hindi kita nahanap. nalungkot ako. pero narealized ko din agad na amazing talaga kumilos si Lord..hindi natin alam yung iniisip Niya, pero may mga pangako Siya para sa’tin para magsabi kung anong dapat nating isipin.🙂

    excited ako para sa mga susunod Niyang kilos sa buhay mo.
    praise God!🙂

  2. Ate Abby! Kakantahan kita ng “God is too wise to be mistaken, God is too good to be unkind. So when you don’t understand – when you don’t see His plan, when you can’t trace His hand, trust His heart.” Sovereign si Lord. Padayon! *mahigpit na yakap*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s