Pain Pain: Pain is a trap. Ang sakit ay isang pain.

I. Pain. Sa tagalog: sakit.

Sino nga ba ang di pa nakaranas na masaktan? Wala siguro. Sabi nila, lalabas ang tunay na pagkatao mo kapag nasaktan ka. Totoo naman. Ang taong nasaktan, maaaring manakit o magpakasakit. Ang masaklap pa sa pain, hindi mo kontrolado kung kailan at paano aatake. Minsan nga, kahit pilit kang nagsasaya, biglang sasalpok sa’yo ang matagal mo nang inililibing na sakit. Pero ganun talaga. Kasama sa buhay yan. Aminin na natin. Kung di ka nasasaktan, baka ikaw naman ang nakasasakit. Imposibleng mabuhay nang di nasasaktan o nakasasakit. Liban na lang kung sa ilalim ka ng bato titira. Pero kahit na. Masasaktan mo pa din ang lupa na hinukay mo at ang mga earthworms na nakatira sa ilalim nito. Saan ba nanggagaling ang sakit?

Kung siyensiya ang tatanungin, ang sensation of pain ay galing sa intense at damaging na stimuli o yung bagay na nangyari na nakasakit sa iyo. Kung may naramdaman kang hampas, saksak, o pagkasunog, tiyak masasaktan ka. Pero sa totoo lang, masakit din naman kung may nakita ka at narinig na di kaaya-aya. Mas masakit pa nga minsan yun kaysa kung may literal na sumaksak sa iyo. Di totoo yung nursery rhyme na “Sticks and stones may break my bones, but words will never hurt me”. Kadalasan, mas madali ang paghilom ng sakit sa laman kaysa sa sakit ng puso. Nakalilimot ang balat kapag nagpeklat, ngunit ang mga alaala ng nakalipas na lungkot ay di madaling malimutan. Kaya kung maaari namang umiwas sa sakit, iwasan mo na. Ang bayani, namamatay para sa bayan. Hindi bayani ang tawag sa taong nagpapaapi nang basta basta. Pag namatay ang bayani, gugunitain ng bayan. Pag ikaw, mapapabuntong-hininga lang sila ng “Ano ba yan?”.

Hindi ako magpapakalinis na ni minsan di ako nagpakaboplax at nagpakamartir sa buhay. Kaya nga pinagsasabihan ko na kayo. Kasi ayokong tularan ninyo ako. [Babala: Ang mga sumusunod ay hango sa tunay na pangyayari!]

May sakit na nanggagaling sa paghahanap ng kasiyahan. Ito ay yung kalakip na risk ng kahit anong gagawin natin. There’s no way to eliminate risk. You can only minimize it. Kasama sa buhay ang mga di kagandahang karanasan. Malaking bahagi ng buhay ang pagsubok ng mga bagong bagay at ang mga pagsubok na dumarating dahil dito. Kung nagkandapaos-paos ka dahil sa pagkanta, napilay kaka-exercise, minigraine kakaaral, o nasugatan kakatugtog ng gitara, huwag mo itong ikahiya. Kahit habang umiinom ng paborito mong inumin, pwede ka masamid. Pwede mo ikamatay ang pagkain ng paborito mong pagkain. Ibig sabihin, kung nakararanas ka ng sakit na di maiwasan dahil kailangang may kasanayan na malikom at aral na matutunan, tiisin mo lang. Pasasaan ba at titibay ang vocal chords mo, magkaka-muscles ang braso mo, darami ang alam mo, at magkakalyo ang mga daliri mo. Pagkatapos nun ay mas matibay ka na ulit. Hindi garantisadong di ka na masasaktan pero at least tataas ang tolerance mo sa pain. Hindi ka na ganun kadali mahulog sa pain(trap) ng sakit.

Pero may isa pang klase ng sakit na mas mahirap gawan ng paraan. Aminin man o hindi, kadalasan ang sanhi ng sakit ay yung tinatawag kong SarSi o ‘sariling sikap’. In English, self-inflicted pain. Ito yung sakit na di naman talaga kasalanan ng outside stimuli pero sinistimulate mo lang sa sarili mo. Siyempre may outside force na pinanggalingan yan. May dahilang di mo kontrolado. Pero choice mo rin kung gaano mo katagal hahayaan ang sarili mong masaktan o kung ilang beses mo titiisin ang pananakit ng iba. Kung may nanakit sa iyo, wala ka siyang magagawa para iatras ang oras at wala ka na ring magagawang pagbabago sa sarili mo para di na niya piliing saktan ka. Nangyari na nga e. Tapos na. Kung ikaw yung tipong taong apihin, ang una mong kailangang gawin ay aminin sa sarili mong sinaktan ka niya. Denial is the first stage you have to go through in order to move on, but don’t get stuck in that. Kahit anong bait niya o kahit gaano pa kayo ka-close once upon a time, lahat ng tao ay nagkakamali at nakasasakit sa ayaw o hindi. Ang taong binibigyan mo ng karapatang paligayahin ka ay binibigyan mo rin ng kapangyarihang saktan ka. Ang pasakit na mula sa malapit sa’yo ay mas mapait para sa’yo. Kaya kung ayaw mong masaktan, mag-ingat sa mga taong pinapapasok mo sa buhay mo. Kasi pag nasa buhay mo na yan, para siyang bisitang nasa loob na ng bahay mo. Pwede na niyang sirain ang loob ng kwartong inilaan mo sa kanya. At kahit dumating man ang oras na matauhan ka na at magdesisyon kang palayasin siya, di na maibabalik sa dati ang gulo at kasiraang iiwanan niya. Pwede mong ipa-renovate o ipa-restore. Pero di mo malilimutan ang hitsura ng kalat na iniwan niya. Huwag mong paikutin ang mundo sa isa o iilang tao. Hanapin mo ang kasiyahan sa Diyos.

Be happy with the LORD, and he will give you the desires of your heart. (Psalm 37:4, GWT)

II. Pain. Sa english: trap.

Kung huli na at nasa punto ka nang dumaranas ng sakit, kung nagkamali ka na nga at nagmahal ng maling tao, nasaktan ng kaibigan, nangarap at nasawi, huwag mag-alala. May pag-asa pa. Kahit di mo na-predi

ct na mangyayari iyan, kahit di mo na-detect na kaya niya gawin sa iyo yan, kahit walang storm signal, hindi iyan dahilan para sumuko. Kahit na may damaging stimuli, tandaan mong pain is a sensation na naeexperience because of the pain receptors in our body. Hindi ka masasaktan kung ayaw mo. Kaya nga pag may nababaril o napuputulan ng appendages, di nila nararamdaman yung intense pain agad. Dahil your mind can tell your body not to feel the pain. Kailangan mong utusan ang sarili mong huwag nang masaktan. Don’t be dumb. Be numb. Drown out the pain. Bakit kailangan kong magdecide not to let the pain remain forever in my heart kahit every throb it brings is one more moment spent with you? Kasi pain is a pain. It’s a trap because it leads you to think that you’re the bigger person dahil ikaw yung nasasaktan. Suffering is not proof of love. Di porket ikaw yung di nakakamove on e ikaw na yung biktima o ikaw yung mabait. Kasi kung nasa trap kang yan, hindi na ikaw yung biktima. Ikaw na rin ang kriminal na nananakit sa sarili mo. Ang dami kasing mga baluktot na quotes na nagsasabing you haven’t truly lived and loved if you haven’t been hurt. Don’t hurt yourself by staying hurt. There are two ways to deal with pain: (1) Wallow in it and allow it to make you feel low, or (2) Swallow it. Di ka makakapag-move on kung ayaw mo. Di ka makakawala kung ayaw mo bumitaw.

Don’t be a willing victim and jump into the pain pain. There are ways to break free from the pain and misery you’re stuck in. Pero you have to ask yourself first if you really want to let go of the pain. Determine the root source of your pain (It may be a person, an event, or a wrong choice) and decide to let go. Kung nasaksak ka, kailangang mabunot muna ang kutsilyo bago maghilom ang laman. Ayaw mo na ba talaga masaktan? Kung sawa ka na maawa sa sarili mo at magpaawa sa mga nakapaligid at nakasakit sa iyo, maaari nang magsimula ang proseso ng paghilom. There are things you have to remove before you can start to move on.

5 responses to “Pain Pain: Pain is a trap. Ang sakit ay isang pain.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s