Para-paraan: The Quadromantic Formula Part 2

Pasensya na at natagalan ang pagpost ng Part 2.

 

QUADROMANTIC FORMULA:

6.) From ages 21-24 – Magsisimula ka nang makarinig ng mga banat tulad ng: “Wala pa ba ate/kuya?”. Sa edad kasing ito, para bang na-check off mo na ang mga requirements para maging eligible bachelor/bachelorette kasi graduate ka na, may trabaho, mukhang mature na, at nagsisimula nang maging independent. Tulad ng sinabi ko sa Quadromantic Formula part 1, ito na siguro ang ideal age para pumasok sa isang relasyon. Yun e para sa akin lang naman. I’m in no position to judge anyone na nag-start ng mas maaga o mas later. Pero para sa akin, sa panahong ito, hindi pa marahil nauubos ang idealism at optimism sa iyo pero at the same time, siguro naman mas may maturity ka na at realistic ka na sa expectations mo sa iba at sa buhay in general. Naniniwala ako sa kasabihan ng tita ko na kailangang maghintay makapagtrabaho bago pumasok sa isang relasyon. Ibang-ibang mundo kasi ang kolehiyo sa totoong mundo kung saan ka magtatrabaho. At hindi madali ang transition mula sa pagiging classmates o schoolmates sa pagiging propesyonal. Kapag nag-aaral ka kasi, walang work quota, walang overtime, at walang career opportunities that can pull the two of you apart. At higit sa lahat, kadalasan ay mas galante ang binatang umaasa sa allowance sa lalaking pinaghihirapan ang bawat piso. Sa college, madaling maghintayan sa lobby kapag late ang tapos ng klase ng isa. Madaling gumawa ng surprises. Madaling bumakod sa nililigawan o ka-M.U. At liban na lang kung budots ka ngayon, tambay, o naghahanap pa ng sarili, sa edad na ito, mahirap humanap ng oras at pagkakataong gawin ang mga pasimpleng papansin tulad ng texting, missed call, at parinig sa fb, twitter, at tumblr. Pero ang lalaki o babaeng may oras sa iyo sa kabila ng mga responsibilidad niya ay tunay na nagpapahalaga sa iyo. Isa pang advantage ng pagsisimula sa stage na ito ay ang suporta ng mga kaibigan at pamilya mo. Kung naging consistent at matino ka sa stages 1-5, malaki na ang tiwala ng magulang mo sa iyo by this time. Bibigyan ka na nila ng kalayaan dahil napatunayan mo na ang kakayanan mong magtimpi at magtiis. Pero kalakip ng tiwalang ito ay ang responsibilidad na kaakibat ng edad. Malamang sa alamang, may mga kabataang tumitingala sa iyo. May mga kapatid na nakababata, mga pinsan, mga kachurchmate, kapitbahay, o kung sino man na malaki ang respeto sa iyo. Kaya ingat ingat pa rin. Magkagayonman, sa edad na ito, kung nasa lugar ka na, may narating na kahit paano, siguro naman kung may respeto sa iyo ang manliligaw mo, di ka naman niya popormahan kung wala siya sa ayos. Kung lalaki ka naman at nagpapakalalaki, malamang alam mong kailangan mong ayusin ang mga bagay bagay sa buhay mo kaya di ka magdedesisyon na maglaro pa.

7.) From ages 25-28 – Kung na-apply mo ang Quadromantic Formula, sa edad na ito, ideal nang ma-engage o magpakasal. I’m a fan of short engagements kaya nga isang stage lang ang inassign ko sa pagiging magbf/gf. Kasi kung tama na, hindi na kailangang subukin ng panahon. Long engagements are not ideal kasi mas may risk na magkasanayan at magkasawaan. Mas maganda ring magpakasal habang hindi pa naghahabol sa oras. Pag nagpakasal kayo, mas mabuti kung may oras kayong maaaring i-enjoy bilang mag-asawa bago pa kayo magkaanak. Pero kahit anong ‘ideal’ pa ng timing o ng edad, tandaan na everything worthwhile requires a lot of hard work and discipline. Siguro naman sa edad na ito, you’re old enough to consider settling down. Huwag nang mabuhay sa fairy tales at koreanovelas. Harapin ang mundo nang bukas ang mata at puso.

8.) From ages 29-32 – At this stage, you may want to consider starting a family na. Bakit? Kasi kaya mo pang magpuyat sa pagpapalit ng diapers. Kaya pa rin ng parents mo na umalalay. At sa edad na ito, marami kang friends na willing maging ninong at ninang (lalo na yung mga tulad kong mukhang tatandang dalaga). At kung ifa-fast forward natin, at least sa debut ng anak mo, you can still pass off as a cool ate or a kuyang pinsan sa panganay. At sa oras na nasa stages 4-6 na ang baby mo, hindi ka mahihirapang ma-earn pa ang trust niya. Di ka pa siguro mahihirapang mag-aral ng version nila ng fb, twitter, at tumblr. Kilala pa siguro nila ang One Direction, Big Bang, at si Bruno Mars (baka limot na nila ang West Life, Backstreet Boys, at si Ricky Martin).

———————————-

I know I promised 10 stages… Pero dito na muna magtatapos ito. Una sa lahat, 24 lang ako so mahirap magsulat ng mga bagay na malayo pa sa hinaharap. Sa totoo lang, pinaniniwalaan ko itong formula na ito pero hindi ko nasunod dahil limang buwan na lang, graduate na ko sa stage 6. Wala pa kong boyfriend at di ako naghahanap. Ito naman ay guide lang. Pero sana kunin ninyo ang mga maliliit na butil ng katotohanang nasa mga artikulong ito. Ang maturity at readiness na pumasok sa relasyon ay hindi nasusukat sa edad. Hindi napaplano sa kalendaryo. Ngunit naisulat na ng Panginoon ang simula hanggang dulo ng buhay mo. At wala siyang gusto liban sa ibigay ang nararapat para sa iyo. Huwag magmadali. Huwag ring mag-atubili. Don’t settle for anything less than perfection cause that’s what God wants for you.

Whatever is good and perfect comes down to us from God our Father, who created all the lights in the heavens. He never changes or casts a shifting shadow.

– James 1:17

4 responses to “Para-paraan: The Quadromantic Formula Part 2

  1. Hi ate, I’m a new reader of your blog & I love it. Halos nabasa ko na ata lahat. Hihi
    Keep on posting!🙂

  2. sobrang agree ako sayo dito. kakatapak ko pa lang sa stage 6 pero hindi ako nangangamba diyan sa boyfriend-boyfriend na yan. sus! gusto ko ang sinabi mong “kung tama na, hindi na kailangang subukin ng panahon” … super fan mo na talaga ako hahahaha! kasi halos parehas tayo ng point of view🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s