Talking ’bout Stalking: Why Social Networking isn’t Working

http://24.media.tumblr.com/tumblr_lwscjqV0XM1r91be2o1_400.jpg

There are two types of people who use social networking sites: the Talkers, and the Stalkers. The talkers talk and the stalkers stalk.

Although rare naman na may pure talker or pure stalker dahil lahat tayo halos ay mixture of both, malamang alam mo kung ano ka talaga sa dalawa. Kung madalas ka magpost, magupload, magtweet, at mag-Instagram, malamang ay talker ka. Kung ang binibilang mo at binabantayan ay yung dami ng nag-like, favorite, comment, at repost ay true-blue talker ka nga. Yung iba nga sa sobrang pagiging talker, lahat ng nagla-like sa posts e sinasabihan pa ng thank you. Wala namang masama sa pagiging talker. Lalo na dahil pag-pasok mo pa lang sa facebook ay tinatanong ka na niya agad ng: “What’s on your mind?” at inuutusan ka ng twitter na: “Compose new tweet…” Demanding pa yang twitter na yan kung makautos samantalang pinahihirapan ka dahil sa 140-character limit. Dinisenyo naman talaga ang mga social networking sites for people to have a place sa internet where they can blurt out their thoughts and feelings. Isang malaking-malaking diary na bukas sa lahat ng gustong bumasa. Kung walang talkers, walang laman ang news feeds, walang recent tweets, walang recent posts. Mahirap pa rin si Zuckerberg.

Ngayon, kung ikaw naman yung tipong mas updated kesa nag-uupdate, you’re a stalker. Hindi naman crime to stalk sa social networking sites. Pero huwag mo gagawin sa totoong buhay. Baka makulong ka. Yan ang beauty ng internet ngayon. Tutal pinagbibigyan ang mga mahilig magtype, pinagbibigyan din ang mga mahilig bumasa. Kaso napagbibigyan din ang mga mahilig umasa. Ehem…

Ang post na ito ay inaalay ko sa mga stalkers tulad ko at tulad ng karamihan ng mga tao sa social networking sites. Nawa’y magsilbing paalala ito sa lumalalang sitwasyon na di dapat ipasawalang bahala. Let me try to convince and convict you to stop stalking. Bakit? Ito ang mga dahilan:

1. You tend to stalk someone you don’t/can’t talk to. Kaya nga you religiously subscribe to his/her news feed, at kaya nga finofollow mo siya dahil malamang di kayo ganun ka-close sa totoong buhay. Natawa ako sa feature ng FB na ‘close friend’. Yung may star at lahat ng gagawin niya e lalabas sa notifications mo. Kasi napaisip ako kung close friend ba talaga ng mga tao ang ‘close friends’ nila sa FB o talagang interesado lang sila sa bawat kibot ng mga taong ito. Isa pa, sa social networking sites lang nakakakuha ng scoop sa crush mo, boss mo, at lalong lalo na sa ex mo. Ano ngayon if you’re not speaking, e you’re stalking each other naman sa FB, tumblr, twitter, etc.? Yan tuloy, pag may nakita kang post, hindi mo rin ma-verify kung totoo ba yun o joke. Di mo matanong kung sinadya niya ba yun o kung may nakialam lang sa account niya. Imagine this: What if you finally get a chance to spend time with someone you’ve been stalking tapos lahat ng kwento niya alam mo na. Lahat ng kamag-anak niya, kilala mo. Lahat ng gusto niyang movies, music, at tv shows, memorize mo din. Paano ka magrereact? Magugulat ka pa ba pag sinabi niyang kinasal yung pinsan niya last week at Star Wars ang motif? Kung magkikita kayo ng ex mo at kasama niya ang bago niyang bf/gf, paano ka magrereact kung ipakikilala niya siya sa iyo for the supposedly first time e matagal mo nang nilalait at sinusubaybayan ang grammar ng said new bf/gf? The bottomline is this: Ask yourself who you’re stalking.

2. Your expectations lead to unnecessary emotions. Pwede tayong maglokohan ngayon. You can disagree with me. Pwede mong sabihing wala ka namang expectations kapag nagsstalk ka. Fine. Di kita pipilitin. Pero isipin mo lang ito. Before each time you click a link, open his/her profile, and everytime you check his/her tumblr account, wala ka bang inaasahang makita? Nanggaling na ko diyan. At di ko siguradong di ako ulit susumpungin ng pagiging stalker. Kaya alam ko na malaki ang probability na may hinihintay ka. May gusto kang makita. Kung ex mo yan, malamang gusto mong mabasa kung gaano siya ka-miserable without you. Kung crush mo, you want to find out if may crush siya at kung ikaw yun. Kung mahilig siya sa vague tweets at blind items sa posts at reposts, tatakbo na ang utak mo kung sino ba ang pinatutunguhan niya. Kung mahilig siya mag-quote ng movie dialogues, malamang kukutuban ka na kung ikaw yun o kung mayroon siyang bagong pagkakamali maliban sa yo. (Peace.) Dapat tigil-tigilan mo na yang pangsstalk. Kasi kung laman ka nga ng posts niya, ano ngayon? Paano ka makaka-move on? Paano magiging normal ang takbo ng buhay mo kung umiikot ito sa kung paano lumakad ang buhay ng isang tao? At kung wala ka sa posts niya, ano ngayon? Sinasaktan mo lang ang sarili mo sa paghihintay na ma-mention ka o marealize niyang kawalan ka rin sa buhay niya. Una pa lang, kung may halaga ka sa kanya, hindi na kayo nagkaaway. Hindi na kayo nagkalabuan. Hindi na kayo nagkasakitan. Ngayon mo pa ba susukatin ang halaga mo sa pamamagitan ng pagmention or pag-allude niya sa iyo? The bottomline: Why are you stalking him/her?

3. If you’re watching someone move on, you’re probably not moving on yourself. [This one’s for those who stalk their exes] When ties are severed, both parties should move away from each other. Kung iniwanan ka, kung naghiwalay na, dapat bumangon ka at maglakad ding palayo. Kasi kung nakatunganga ka diyan at pinapanood lang siya, ibig sabihin, panalo siya. He/she is getting better and you’re stuck there getting bitter. You’ll scoff when you see them having fun. You’ll grit your teeth when you find out they’re dating someone new. You’ll burn with rage when you do the math and realize they’ve been cheating on you pala. Paano na yan? Sirang-sira ang self esteem mo. Durog na durog ang morale mo. Feeling mo basura ka. E di naman kasalanan ng ex mo na ganyan ang nararamdaman mo. Di naman niya pinamumukha sa iyo. Di naman niya pinapangalandakan sa iyo. Di naman niya kinakalmot ang sugat mo pero ikaw mismo ang nagkikiskis ng sugatan mong puso sa mga bubog ng tweets niya, posts at reposts niya, at sa mga pekeng Lomo effect na pics niya with his/her new fling. Walang maidudulot na maganda ang mga impormasyon na yan. If his/her new special person’s better than you, bitter ka kasi maiinsecure ka. If his/her new special someone’s worse than you, bitter ka kasi ipinagpalit ka na lang di pa pumili. You’ll feel bad either way. Whether he/she traded up or down, the fact of the matter is she traded you off. Masakit na yun enough. Wag mo na i-aggravate. Bottomline: What good would it bring?

Time and time again, I challenge you dear readers to give more attention to your real intentions. If you’re a professional stalker, you probably spend a lot of your time checking posts and going from site to site checking for juicy updates. Precious time yan na pwede gugulin sa mga makabuluhang bagay. Bigay ng Diyos ang oras natin. Wag naman sanang ginugugol lang sa pag-gu-google.

Ang galing galing magbantay sa FB, twitter, etc. pero pagdating sa research, di marunong. May mga mapagkukunan pa ng impormasyon maliban sa Wikipedia. Kaso tamad na tamad magcheck ng ibang sites kaya yung top link lang ang binabasa. Marunong gumawa ng fake account para lang makapag-stalk. Pero di man lang mapag-isipang gumawa ng mga things that count. Bantay nang bantay sa mga current events sa buhay ng crush pero walang alam sa news and current events. Memorize ang milestones sa buhay ng ex, pero di alam kung bakit holiday kapag November 30 at June 12. Kayang i-recite ang timeline ng ex sa FB pero di makagawa ng project timeline sa opisina.

The internet and all the social networking sites are valuable resources that are available to us. Use them wisely.

A/N: Una sa lahat, sorry dahil natagalan ang pagpopost ko. May utang pa ako sa Pain Pain series. Pero bigla na lang bumuhos ang mga salita sa utak ko kaya kailangan ko nang pindutin ang mga tiklado ng keyboard ng laptop ko bago pa tuluyang sumabog ang mga ugat ko. Sorry din dahil paskong-pasko, nagsermon ako.🙂 Merry Christmas everyone.

2 responses to “Talking ’bout Stalking: Why Social Networking isn’t Working

  1. Yun pala yung problema ko ngayon, sa wakas, nalinawan din ako, eto pala ang root ng problema ko ngayon, kung hindi ko to nakita siguro gulong pa din ako sa kakaisip, sa wakas, salamat, 2 post mo na agad ang nabasa ko, and it’s really worth reading and remembering.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s