Pain Pain 2: Bitter IS Better

AmpalayaGasgas na yung “better, not bitter” na phrase. May variations na nga e tulad ng: “Better not be bitter” or “Be better before you become bitter”. Kasing gasgas na ng “Erap para sa mahirap” at yung bagong “Hanep ang buhay basta’t may hanapbuhay” [simpleng parinig sa mga kandidatong maaga masyado mangampanya].

Huwag daw maging bitter kasi pag bitter, madali kumulubot tulad ng ampalaya. Paano ba dapat? Sweet tulad ng marshmallow? E pano yung mga tulad kong morena? Wala namang marshmallow na brown a. Except kung chocolate covered.

Para maiba naman, sa blog na ito, ipagtatanggol ko ang bitterness. For me, bitter IS better.

Kamakailan lang, sinita ako ng kapatid ko dahil aside from my chronic kapraningan, masyado din daw akong bitter. Kasi when an “ex-friend” reached out to me via text, hindi ako interesadong magreply. Bitter daw ako dahil I didn’t want to reconnect. Sa akin kasi, friends pa rin naman kami in the sense na di kami enemies. Haha… Ay, mali pala. Dapat tawang kontrabida. BWAHAHAHAHAHA!!!

Di ako bitter. At least, hindi na. Pero dahil natikman ko na ang pait, ayoko nang umulit. Kinailangan kong masaktan para may matutunan at ngayong alam ko na ang tamang gawin, alam ko na rin ang maling dapat di na ulitin. At isa pa, being better is not proven merely by one’s ability to not feel bitter towards one person. You know you’re better when you know better. Di ka nga bitter, pero kung paulit ulit kang nagpapa-api, better ka ba? O masochist ka lang? Dahil nadala (nagsawa, napagod) na ako, di na ako magpapadala. Marunong akong madala at marunong ding magdala. Hindi katulad ni “Buloy, nasaan ka man…” [ref: Buloy by Parokya ni Edgar]

Hindi masamang maexperience ang bitterness. Sa buhay, kailangang matikman ang pait. Minsan napasubo ka na at kailangan mo nang lunukin ang pait pagkatapos mong malasahan. Parang ampalaya lang. Pero kahit mapait ang ampalaya, masustansya yan. Kaya dapat kainin dahil nakakapagpalakas. At nakakaprevent ng iba pang sakit. Ganun din ang mga kabitteran sa buhay. Kailangan mong matikman at lunukin para pumasok sa sistema mo at maabsorb ng pagkatao mo nang sa gayon ay lumakas ka. Para sa susunod, makaiwas ka sa sakit. Ang chocolate-covered marshmallow, nakakadiabetes. Pero wala pang nagkasakit sa sobrang pagkain ng ampalaya. Wala pa ring gumaling sa diabetes sa pamamagitan ng pagkain ng chocolate-covered marshmallow, samantalang gamot daw sa diabetes ang ampalaya [pero no approved therapeutic claims].

Sa susunod na malaglag ka sa pain (trap) ng pain (sakit), imagine that you’re eating a piece of ampalaya. Napasubo ka na kaya lunukin mo na. Pero huwag mo namang gawing chewing gum. Huwag mong namnamin ang pait na dapat matagal mo nang nilunok. Ang salitang bitter ay adjective at hindi noun. It pertains to a quality of experience at hindi isang tao. Yung experience mo, bitter. Ikaw, dapat hindi. Dahil kahit ano pang pagdududa ng iba, at kahit nahihirapan sumagot ang nanay mo minsan, tao ka. [peace tayo.] Pag puro tamis, nakakadiabetes. Pag puro pait, kailangan din ng tamis. Pag nasobrahan na ng pait sa buhay, humanap ng makakapagpatamis. Nariyan ang mga tunay mong kaibigan. Nariyan ang Diyos na mas marunong kaysa sa iyo. May plano Siya to give you hope and a future. Gumawa ang Diyos ng seasons para halo ng saya at lungkot ang buhay. Para balanse. Kaya huwag kang maglublob sa isang dako lang.

Matuto ka kung kailan dapat nang magpatawad. Pag namimili sa Divisoria, ang hilig mong humingi ng tawad. Tapos ang sama ng loob mo pag di ka pinagbigyan. Kaya pag may humingi ng tawad sa iyo, matuto ka ring magpatawad. Sabi nga ng aking beautiful churchmate na si Ms. Nina Filler, “Don’t forget how you felt and what happened when they hurt you, but forgive them so they can’t hurt you anymore.” Bitter is better kung marunong kang matuto.

 

Pag may nagsabing bitter ka, sagutin mo. Sabihin mo, “Oo. That past experience was a bitter one, but it doesn’t define me. That which was bitter made me better. And now I have a strong heart and strong mind to show people what being a Miss Universe is all about. Thank you. Good night.” Tapos kumaway ka, mag-cobra walk, makipagholding hands sa katabi, at maghintay ng announcement of winners.

4 responses to “Pain Pain 2: Bitter IS Better

  1. Better to be bitter for a while than to be plastic forever, di ba?
    Tao lang, nage-emote pag nasasaktan pero wala namang sakit na hindi ginagamot ng panahon kaya hindi rin tamang maging bitter forever. Tamang pakatotoo lang habang anjan pa ang sakit.
    Pero pag lumipas na ang sakit, try again. Who knows? This time might be better, hehe
    Nice post.

  2. “Kamakailan lang, sinita ako ng kapatid ko dahil aside from my chronic kapraningan, masyado din daw akong bitter. Kasi when an “ex-friend” reached out to me via text, hindi ako interesadong magreply. Bitter daw ako dahil I didn’t want to reconnect. Sa akin kasi, friends pa rin naman kami in the sense na di kami enemies. Haha… Ay, mali pala. Dapat tawang kontrabida. BWAHAHAHAHAHA!!!”

    thumbs up na thumbs up ako dito. Hahahaha! Nakakaloka.. Hindi dahil friends na kami ni “ex-travaganza” ay magcocommunicate pa kami. Thanks for this blog as usual agree na agree na naman ako sayo😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s