Ayoko ng Bestfriend Pero Gusto ko ng Friends

Disclaimer muna, as always: I am not judging anyone or everyone who has a bestfriend. I am just expressing my opinion and my personal principles. Ganun po dito sa Lumang Pluma. Hindi lahat ng sinasabi ko ay para makumbinsi kayo na baguhin ang mga prinsipyo ninyo sa buhay. Kailangan nating matutong bumuo ng sariling prinsipyo sa pamamagitan ng pagsasaliksik at paglalakbay sa buhay. Huwag iasa ang buhay sa mga natututunan sa telebisyon, edukasyon,  at lalong lalo na sa blog na ito. Pero kung may mapupulot na butil ng aral, damputin, lunukin, at sumigaw ka ng “Darna!”

Bestfriend – starts out as the best thing but will eventually end.

Sarili ko lang na prinsipyo yan sa journal entry ko na binabasa mo ngayon. Sariling definition kaya huwag ka na kumontra. Di ko kasi mahanap ang ballpen ko kaya di ko maisulat sa aking bagong diary. Kaya dito ko na lang bubulatlatin ang damdamin ko. At dahil ikaw ay di kasing talino ng diary ko na marami nang alam tungkol sa kin, bibigyan kita ng flashback moment…

—–Fade to Flashback, *cue time travel sound effects*

Scene 1: Year 1992, sa loob ng pre-school classroom, kulay green ang kurtina at baby pink at baby blue ang maliliit na upuang kahoy

TEACHER
Kids, who wants to help hand out our snacks?

Ituturo ng teacher ang push cart na may mga bowl ng champorado. Magtataasan ng kamay ang mga batang bida bida na ikatutuwa ng teacher dahil bawas ang trabaho niya at gumana ang pagtuturo niya ng pagiging helpful sa mga bata. Mapapansin ng teacher ang dalawang batang babae sa likuran. Sila lang ang hindi namamatid ang litid kakasigaw ng “Me!”

Zoom in ang cam 1 sa batang unat ang buhok, nakaheadband, at may hawak na panyo. Nag-aalangan siyang magtaas ng kamay kahit gusto niya. Tingin siya nang tingin sa paligid, naguguluhan. Mapapansin niya ang katabing batang kulot. Kagat nito ang labi niya at di rin nagtataas ng kamay dahil natatakot sa responsibilidad. Magkakatinginan ang dalawang batang mahiyain. Sabay namang announce ng teacher nila:

TEACHER
Camille and Abby, would you like to help us out?

Tatayo ang dalawa at magtutulungang magdistribute ng champorado sa mga gutom na bata. Magsasaway siya ng mga batang di makapaghintay sa champorado, pero nakangiti siya dahil naturuan niya na naman ang klase na dapat maging helpful di tulad nila Camille at Abby.

Scene 2: Year 1994, katatapos lang ng Recognition Day sa isang elementary school, kumpulan ang mga pami-pamilya habang naglalakad-lakad para makipag-small talk sa mga teachers.

Lalapit ang isang pamilya sa gurong masayang kinakamayan ang isang ama na hawak ang kamay ng anak. Nakukuba na sa dami ng medalya ang bata. Mapapansin ng guro ang pamilyang nag-aalangang lumapit.

TEACHER
Mommy, Daddy, your daughter deserves it. She’s very diligent in class.

Magpapalitan ng shake hands ang dalawang pamilya. Magngingitian ang dalawang batang kapwa may mga medalya at sandamakmak na certificate habang nags-small talk ang mga magulang nila. Magkaklase sila pero di naman madalas magkausap. Bahagyang kukunot ang noo nila pag narinig ang sasabihin ng teacher.

TEACHER
It’s good that Abby and Ruth don’t see each other as competition because they’re bestfriends.

Parang angry birds na excited ang pamilya ng mga bata.

Scene 3: Year 2007, Sa isang campsite, malamig na umaga, loob ng cabin ng mga girls, may mga nakapila para gumamit ng shower habang ang iba naman ay nakahiga at desidido nang ipagpaliban ang paliligo.

Humuhugot ng gamit mula sa sports bag ang isang malaking babae, bubulumbunin ang mga damit sa loob ng twalya, pipilas ng sachet ng shampoo, at maghihikab. Hindi siya mahilig maligo lalo kung malamig dahil marami siyang iniindang sakit sa buto. Pero kapag may mga ibang tao, di siya makatiis na di maligo. Tatayo siya at bubuntong hininga. Magkakamot siya ng ulo at pabirong magtatanong:

GIRL 1
Sinong sasama maligo sa public shower?

Tatawa ang lahat maliban sa isa. Tatango ito at sasama maglakad palabas ng cabin. Manginginig sila sa lamig habang naglalakad sa basang damo at tinatamaan ng sobrang lamig na hangin. Matatawa sila sa crazy idea na maligo sa shower na walang heater pero patuloy silang maglalakad.

GIRL 1
Dahil sobra nang bonding to, bespren na kita.

Tatango muli ang kasama niya. Halata sa mukha ng matangkad na babae na nagtataka siya kung bakit di ata marunong tumanggi at sumimangot ang kasama niya.

—–End of Flashback, *cue time warp sounds*

Di ako pabor sa pagkakaroon ng bestfriend. Kasi parang competition. Kung may bestfriend, ibig sabihin may worstfriend. Parang nakarank ang lahat ng friends mo tapos yung pinaka-friend, yun yung bestfriend. Di ako magsisinungaling. Nagkaroon na ko ng ‘bestfriends’. Yung iba dahil magbestfriend ang mga lola namin, yung iba dahil yun ang tawag ng iba samin, yung iba dahil sa parehong hilig, yung iba naman parang nagkataon lang. Pero lahat ng ‘bestfriends’ ko, nalaos din. Dati, bestfriend, tapos naging friend na lang, tapos eventually end na. Ganun ata talaga. May halflife. Nadedemote. Bestfriend to Friend to End. Sa akin lang naman, di kita dinadamay.

Yung iba, natapos dahil nagkahiwalay ng school, bahay, at interes. Yung iba, bigla na lang nawala. Yung iba, parang salubsob na hinugot bago pa mabulok ang daliri. Pero lahat natapos. Kasalanan ko din madalas dahil di ako mahilig makipagcommunicate via text. Di rin ako mahilig gumala gala at makipagdate.

Pero sa buhay ko, hindi pa ako nabawasan ng friends. Yung pinakamalapit ko ngang kaibigan for 10 years na, siya pa rin ang nagttiyaga sa akin hanggang ngayon. Pero di ko siya bestfriend. Di namin nasanayang magtawagan ng ganun. Basta alam lang naming magkaibigan kami. Alam kong nariyan siya para sa akin. Alam niya ring ganun din ako sa kanya.

Kapag ‘nawawalan’ ako ng bestfriend, nagseself pity ako. Iniisip ko, kung yung taong ininvestan ko ng bonggang bongga ng time, effort, at love, kaya akong itapon, ibig sabihin wala akong kwentang tao. Nakakalimutan ko ang mga friends ko. Kasi nakatingin lang ako sa priority friend ko. Yung nasa top 1. There are no ‘best’ or ‘worst’ friends. Meron lang ‘true’ and ‘fake’ friends. I don’t need to find one bestfriend. Ang danger kasi e naneneglect ang ibang friends because may exclusivity. Friendship is built on the principle of inclusion. You make friends by including people in your group, not by excluding others.

Siyempre madali sabihing di pantay-pantay ang mga friends. Siyempre naman. Alangan namang ikwento mo ang mabigat mong problema sa bagong friend mo di ba? Pero di pa rin tamang i-rank ang friends mo. Dahil masakit sa loob kapag nalaman mong number 5 ka lang tapos number 1 mo siya. Assign roles and not ranks. Sabi sa Proverbs 13:20, “Walk with the wise and become wise for a companion of fools suffers harm.” Ibig sabihin, pwede mong piliin kung sino ang kasama mo. Ibig sabihin, mag-ingat sa pagpili ng kasama mo. May friend kang magaling magpayo, siya yung dapat mong hingan ng advice. May friend kang magaling magpasaya, siya ang masarap kasama pag depressed ka. May friend kang magaling mag-shopping, walang tatalo sa kanya kung sa Divisoria kayo pupunta. Ibig sabihin, God places people around you to be a blessing to you and for you to be a blessing to them. Ibig sabihin, walang all-around friend. Kasi lahat may weaknesses. At kahit bestfriend mo yan, may mga bagay na di mo maaaring hingin mula sa kaniya dahil hindi niya kayang ibigay. Hindi porke’t bestfriend mo, nariyan na everytime. Hindi mo siya pag-aari kaya di pwede ipagkait sa iba. Di mo rin siya alipin para pasunurin sa gusto mo.

Sa Parable of the Good Samaritan, Jesus pointed out that we should focus on what we are doing as a neighbor/friend to other people. Be the best friend you can be to your friends. Hindi ko sinabing beat the other friends to gain the bestfriend status. Ibig ko sabihin, be the best you for them. Kumporme yan sa kung anong role din ang inassign sa iyo. Para makaiwas ka namang makialam masyado sa buhay nila. Ibig sabihin, kung sa iyo sila nagpapaayos ng laptop, be there to lend a hand anytime. Don’t fret if they have other friends na tumutulong sa kanila sa finances lalo na kung di yun ang forte mo.

You don’t own your friends and they don’t own you. Huwag mo sila abusuhin at wag ka ring magpaabuso. Kung gusto mo lang ng bestfriend para may matatawag kang ‘akin’ at para sarilinin, bumili ka na lang ng aso dahil yun, pwede mong angkinin. Ang tao, hindi. Huwag ka ring martyr. Dahil kapag napalitan ka na bilang ‘best’, masasaktan ka nang wala sa lugar dahil nga masyado kang invested. Sabi ng tita ko, ang totoong kaibigan, pwede abusuhin. Ibig sabihin, sila’y handa magsakripisyo. That’s how Jesus showed His love sa atin – sacrifice. Pero huwag kang magpa-api. Huwag mo hayaang idefine ka nila. Huwag i-stake ang fulfillment at purpose and happiness sa isang tao (This is also true for relationships).

Give what you can, not all you can. Give what you want to and not what they want you to. Magtira ng respeto sa sarili. Matuto tumanggi. Dahil ang taong di marunong tumanggi, magaling manumbat. Kung bukal sa loob ang ibinigay, hindi mo na tatandaan yun. Hindi mo ipatatanaw na utang na loob. Pero kung di mo na kaya pero bigay ka pa rin nang bigay, nagpapautang ka na ng utang na loob. Nililista na yun ng isip mo at kapag napuno, issave na sa puso mo. Kapag nagkalamat ang friendship, parang dam na bubuhos yan. Balewala lang lahat.

Ngayon, ayoko na magkaroon ng bestfriend. I’m blessed with the best friends any person could ever wish for. Kilala niyo na kung sino kayo. Kung nag-aalangan ka, ibig sabihin lang kulang ka sa effort. Hehe… Joke.

6 responses to “Ayoko ng Bestfriend Pero Gusto ko ng Friends

  1. it’s sad that no matter how beautiful the idea of “bestfriends” is, it really isn’t an infinite relationship (at least based on my own experiences). So maybe we should just stop labeling anyone as our “bestfriend”. Natutunan ko lang na mas masaya at mas malalim pa yung mga bagay/relasyon na walang tawag. Yung totoo lang. Hindi nag-eexpect pero bigay na bigay. No labels. Limitless.

    BTW, ang husay ng blog mo🙂 Very honest.

  2. sa panahon ngayon ay di na uso ang bestfriend, madalas nga ang best friend pa ang nagiging magkaaway, tignan mo si erap at singson at erap at mayor Lim di ba.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s