Predictions for 2013: Kapalarang Nasa Palad

2013Kung hei fat choi! Yee op tsa wotoh snake ngayon twenty theteen. Pala pasok swetee, kayo kain tikoy, gawa ingay, at bayad dhagon and tayguh dancers. Lagay water elements sa tuyo lugal sa bahay. Bili lucky charm pala tanggal malas. Gastos pela bayad feng shui pala dami pela… ng malunong feng shui.

Di ako feng shui expert. Di rin ako psychic (psycho pa siguro). Pero heto ang ilan sa mga predictions ko:

  • May mga pulitikong mananalo.
  • Kaunti lang ang pulitikong matatalo dahil karamihan ay madadaya.
  • May artistang babaeng magdadalantao, magdedeny, pupuntang America o Europe, at doon manganganak.
  • May prominent couple na ikakasal ngayong taon.
  • May prominent couple na maghihiwalay ngayong taon.
  • May sikat na artistang lulubog ang career.
  • May bagong artistang sisikat.
  • May mga krimeng magaganap.
  • Babagyo sa Pilipinas at sa mga karatig bansa.
  • Tataas ang bilihin. Magmamahal ang swim suits sa summer, ang payong sa tag-ulan, ang Christmas lights, fruit cocktail, at spaghetti sauce sa December.
  • May mga mayamang yayaman lalo. May mga mahirap na lalong maghihirap.

Paulit-ulit na lang naririnig yang mga katagang iyan. At marami pang iba. Dahil tuwing December hanggang matapos ang Chinese New Year, pinaggugugulan ng mga Pilipino ng oras at pera ang paninigurong magiging maswerte sila sa taong susunod. Tuwing magsisimula ang taon, naghahagilap ng predictions ang mga tao. Tinatanong base sa aura, araw ng kapanganakan, at kung anu-ano pang sukatan ang kapalaran nila. Nagbabayad ng feng shui experts, chakra masters, at iba’t-iba pang klase ng manghuhula. Noon pa man, may fascination na talaga ang mga tao sa future. Sino nga bang ayaw malaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap? Siyempre gusto natin makasigurado na maganda ang mangyayari at kung masama naman, gusto nating baguhin. Kaya nga kasabay ng mga hula o predictions, may mga payong makikita sa mga horoscope at maririnig mula sa so-called experts. At kahit di ako expert, heto ang mga payo ko:

  • Buksan ang mata sa posibilidad ng bagong negosyo.
  • Mag-ingat sa mga taong pagkakatiwalaan.
  • Huwag magsusuot ng orange lalo na kung kasabay ng green. Baduy na, pongkan na pongkan pa.
  • Mag-ingat sa sakit. Alagaan ang kalusugan. Iwas sa puyat, pagod, at pagkain.
  • Maaari kang pagtaksilan ng asawa o bf/gf kung di siya masaya sa relasyon ninyo.
  • Tumaya sa lotto upang mabuksan ang posibilidad na manalo.
  • Para makaiwas sa depression at insecurity, huwag maglalagay ng salamin sa bahay kung pangit… ang salamin. Uhuy… Sensitive. Hehe…

Swerte. Luck. Mga bagay na pinaniniwalaang makakatulong sa buhay. Para i-harness daw ang good energy, dapat magsuot ng tamang klase ng crystal, tamang kulay ng damit, at kung anu-ano pang lucky charm. Nakaaliwan naming magkakaklase noong high school magbasa ng horoscope dahil nakakatawa kung gaano ka-general ang mga payo. Kahit naman Pisces ako at di Leo, kailangan mag-ingat ako sa mga taong pagkakatiwalaan. At kahit Year of the Dragon ako pinanganak, kung hindi masaya ang partner ko, malamang ipagpapalit ako. Pero yung mga nananalig sa horoscope, parang bilib na bilib pag nangyari nga sa kanila kung ano ang nakasulat. Yung iba nga, horoscope na ata ang nagdidikta ng kilos at gawa. Kung ano ang lucky color, yun ang suot. Pag sabi ng manghuhula, malapit na makilala ang soulmate, parang buwitre nang nag-aabang kung yung katabi niya sa bus e makakatuluyan na nga niya. Madalas tuloy natatanso ang mga tao. Pero patuloy pa ring naniniwala. Kahit na bumagsak sa exam habang nakasuot ng lucky color, kahit naholdap kahit may suot na jade bracelet (na inagaw din ng holdaper), parang masarap pa rin maniwala sa swerte.

Ito naman ang tanong ko sa iyo: Kung sasabihin ko sa iyong maliligtas ka sa pamamagitan ng pananalig kay Jesus, maniniwala ka ba? Kung babasahan kita ng Bible verses na nagsasabing may magandang plano siya para sa iyo, tatanggapin mo ba? O sasabihin mong walang basehan ang paniniwala ko?

Hindi naman daw masamang maniwala sa feng shui at horoscope. Baka sakali lang daw kasi totoo. Walang mawawala kung susunod sa payo ng mga masters. Wala nga bang masama? Wala nga bang mawawala? Pwede bang isabay sa pananampalataya sa Diyos ang mga pamahiin at paniniwalang ito? Madalas makita sa mga bahay ng artista sa tv yung paghahalo-halo ng mga ideyolohiya. May artistang may altar para kay Buddha, chapel para sa mga imahen, at collection ng Hillsong albums. Liban doon, may iba’t ibang nakakalat pang lucky charms at crystals. Para daw sigurado.

Ewan ko sa kanya at ewan sa iyo. Pero sa akin, nakasisiguro ako na isa lang ang pinanampalatayaan ko. Naniniwala akong hawak ng Diyos ang buhay ko. At kung ano man ang kakaharapin ko sa taong ito, ayon yun sa plano Niya. Ang magagandang bagay, pagpapala. Ang mga masasakit at malulungkot, pagpapala. Lahat ng binibigay at kinukuha Niya, ay para sa ikabubuti ko. Mas gusto ko maniwala sa katotohanan ng PLANO Niya kaysa sa swerte at malas. At isa pa, free consultation pag sa Bibliya ka naghanap ng pangako.

Naniniwala ako sa kapalaran. Naniniwala akong nasa palad ang kapalaran. Pero di ko kailangan ng tao para basahin ang palad ko dahil walang kinalaman ang mga ugat ko doon kung gaano kahaba ang life line, love line, o fortune line ko.

Ang kapalaran ko ay nasa palad Niya. Di ako mamalasin dahil mamalasin ko ang pagmamahal Niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s