To the person I hope isn’t reading this

You’re reading this so you probably think you’re the one I’m addressing this to. Either that or you’re just plain curious. If you think you are the ‘person’ I am referring to, you’re pulse might be racing right now, teeth clenched, eyes unblinking. You’re probably anticipating a barrage of hurtful words or a truth-bending narrative. You’re going to be disappointed. Sorry.

This is not my first letter to you after our… hmm… ano ba yun? Tawagin na lang nating zumba. Kasi nakakabilis ng pulse rate, taas ng BP, at nakakahingal na sumbatan. Zumba. This is the first and only letter, however, with an iota of a possibility na mababasa mo. The other letters I threw away na parang therapy session lang. Some of them I wrote on my journals (both journals I lost na). Pero most of them, I didn’t really write down but I stored up in my mind. I’m planning to delete them na after this “last” “first” letter cause I admit some of them were pretty emotionally charged. Sorry.

Up until 15 minutes ago, I thought my ability to analyze and understand people was exceptional. I was proud of how I can pick up subtle hints and piece them together to ‘build’ the person’s profile in my head. My ability to do that helped me a lot during our friendship. The confidence I had in the way I ‘knew’ you gave me the confidence I needed to really get to know you. I chose to befriend you. I chose to be friends with you. I also chose to be a friend to you. I don’t regret those choices. At least not entirely. Pero mayroong oo. Sorry.

I admit that I’m not like other people. I’m not like other ‘normal’ people. I am socially disabled. You know that. I operate on extremes. I either talk too much or too little. I either overreact or don’t react at all. I don’t have a midpoint option. Our zumba made me realize that I classify people into three groups: the people who are ‘others’, the people I mother, and the people I smother. To be honest, most of the people around me are classified in the ‘others’ category. They just don’t know it… Yet. You are the only person that I smothered, mothered, and ‘othered’. I know that ‘othered’ is not a word. I know din na hindi yun nakakaflatter. Sorry.

People were not meant to be analyzed or known through deductive or inductive reasoning. Our characteristics don’t really reveal our true character. It is true that they provide hints or glimpses into our souls, but these ‘evidences’ don’t really prove a person’s identity. How I perceived you deceived me into believing that you were the person my mind conceived. You have those traits, abilities, quirks, habits, and tendencies but you’re not those. I shouldn’t have defined you. Sorry.

My mind often goes into overdrive whenever I try to figure out if nagbago ka or nagtago ka. Kung nagbago ka, you had your reasons. I respect that. I’m sure I did change A LOT din during the course of our friendship. Kung nagtago ka, siguro may kasalanan ako. Maybe I gave you reasons to conceal the ‘true you’ that I didn’t like. You probably did that cause you knew I would not like the ‘true you’ which was different from the ‘you’ I had in my head. Kung nagbago ka man o nagtago, ikaw lang at ang Diyos ang totoong nakakaalam. Humihingi rin ako ng dispensa dahil di ko tinanggap ang mga binago o tinago mo. Sorry.

Recently, someone asked me for advice. My conversation with her actually surprised me. Hindi ko akalain na sa ganoong paraan ko marerealize yung mistakes ko. Na instead of me being a good example, ako pala yung poster child ng di dapat tularan. These are some of my key points when I talked to her:

  1. Huwag palakihin ang isyu. Kung hindi mo dapat alam pero nalaman mo, kunwari di mo alam. Hindi dapat gawing isyu kasi  and magmumukhang OA ay ikaw. Baka ang maging isyu is you.
  2. Huwag angkinin ang isyu. Ang problema ni Juan, di nila problema ni Pablo. Walang amount of pananakit o pananakot ang makakapagpabago sa desisyon ng isang tao. Hindi ka kasali sa desisyon na iyon. Hindi ganun kalaki ang karapatan at kapangyarihan mo. At hindi mo kasalanan kahit pa magkasala siya o magkamali. Hindi mo kaya pumigil ng tao. Kaya mo lang magpigil. Hindi kabawasan ng pagkakaibigan ang di pagsunod ng payo mo o di pagtatanong ng opinion mo. Ibig sabihin lang, hindi kayo ganung klase ng magkaibigan. You’re not a failure if he/she fails. You’re not a bad friend if he/she doesn’t listen to you. Hindi mo trabahong patinuin siya or bantayan na di siya masaktan. You can protect your friends but you can’t protect them from themselves. Kahit ang gusto mo lang ay yung tingin mong tama para sa kanya, kung iba ang ginusto niya, di ibig sabihin di ka niya gusto maging friend. Hindi laging ganun.
  3. Huwag dibdibin ang isyu. Say your piece and rest in peace. You have your own issues. Don’t let your world revolve around another person. Magkakabanggaan kayo nun. Sasabog. May buhay ka. May route ka. May tinatakbo kang race. Sinistiff neck ka na kakalingon sa takbuhin ng friend mo. Tapos ikaw mismo, madadapa dahil di ka nakatingin sa daan ng buhay mo. Tapos di ka makausad kasi may hinihintay ka’t binabantayan. Tapos ang masaklap, di mo namalayan, ikaw pala yung naiwanan. Harapin ang bukas mo. Huwag intindihin ang maaaring bukas niya. Kung di mo yan haharapin, ikaw ang mahihirapan. Harap o hirap.
  4. Huwag gawing pilian ang isyu. Ano ngayon kung may gusto siyang gawin na ayaw mong gawin niya? Kung nasabi mo na yung ayaw mo at kung bakit, tapos na. Kung di ginawa yung pinayo mo, hindi yun dahil di ka narinig o naintindihan. Hindi ibig sabihin nun, kailangan mong ulitin o sabihin sa ibang paraan o lakasan ang boses. Pag ayaw niya, away na? Huwag ganun. Huwag papiliin ang tao lalo na kung di ka siguradong ikaw ang pipiliin. Huwag mo itaya ang friendship niyo. Kasi ang itataya niya ay yung friendship niyo din. Walang mananalo. Walang balik taya. Hindi pinapapili ang nakapili na. At higit sa lahat, di ka naman kasama sa pilian. Hindi mo mapapalitan kung anuman ang mayroon siya ngayon. Pero di rin naman mapapalitan ng kahit ano kung sino ka.
  5. Huwag buhatin ang isyu. Luhod luhod lang. Ipagdasal. Ipagpasa-Diyos. Kung di mo kayang baguhin ang actions niya, kaya mong baguhin ang reactions mo. Isuko na lang. Luhuran na lang ang laban. Si Lord na lang ang papiliin mo. Sabihin mo, “Lord, kung mali siya, baguhin mo yung actions niya. Kung tama siya, baguhin mo yung reactions ko.” Hindi mo siya responsibilidad. Pag wala nang magawa, ngumawa. Iniiyakan ko pa rin ang mga taong tingin ko nakakompromiso. Intercession is better than intervention.

Sabi ko dati, di bale nang masaktan ka basta maitama. Sabi ko pa, kung may nakita akong batang tuwang tuwa habang sinasaksak ang sarili, alangan namang di ko pipigilan. Alangan namang di ko sasawayin. Alangan namang di ko kunin yung kutsilyo. Siyempre iiyak yung bata kasi gusto niya yung ginagawa niya at di niya nakikita na siya rin ang mapapahamak. Pero di ko mapapatawad ang sarili ko pag di ako nakialam. Haha… Mali yung analogy. Ngayon ko napag-isip. Hindi ka na bata. Kung masaya ka sa desisyon mo, wala akong magagawa at wala ring dapat gawin. Kung di ko kayang panoorin, sana lumayo na lang ako. Pinilit ko agawin yung kutsilyo, ako tuloy ang nasaksak. Kung umatras ako ng kusa di mo na sana ako pinalayas. Sorry.

Ang haba na nito. Gusto ko lang sabihin na there are things I shouldn’t have done and words I shouldn’t have said. Pero ganun e. Tapos na yun. Tapos na tayo. Tapos na tayo dun. Sana lang kahit paano maisip mo na di ko ginusto manakit. Yun nga ang ayoko gawin. Nakakatawa lang dahil sa sobrang ayaw kita masaktan, lalong nagkasakitan. Takot akong masaktan ka kaya sinaktan na lang kita. Labo. At ang ending ako pa ang nanakit sa yo. Pero kahit ganun, sana makita mong hindi naman ako nagpapakaselfish. Di kita inaangkin o ikinukulong. Pero aminado akong in hindsight, di rin naman entirely selfless yung mga ginawa ko. Kasi ginawa ko yun para matahimik ako. Ginawa ko lahat para pwede ko sabihin ngayon na ginawa ko na lahat pero yan ang gusto mo. Para wala akong kinalaman kung masaktan ka man. Sorry.

I did what I thought had to be done instead of thinking about what I should do. Magkaiba yun. Hindi lahat ng tamang sabihin, dapat sabihin. Hindi kita mababago. Kaya ko lang magbago. Kaya nga walang nagbago sa iyo. Pero nagbago ako sa iyo. At nagbago yung ako para sa iyo. My actions and reactions didn’t change your decision. They just changed our situation and our relationship. Sa kagustuhan kong maging there as a friend til the end, ang ending e yung friendship ang nag-end. I can’t be there for someone who doesn’t want me there. I can’t be a friend to someone who doesn’t want to be friends with me. Wala rin. Nakatingin ako sa patutunguhan mo. Di mo tinitingnan ang pinanggagalingan ko. Nasaktan kita. Ikaw naman tingin mo nananakit lang ako. Di kita pinagkakatiwalaan sa desisyon mo. Di mo rin ako pinagkakatiwalaan sa intensyon ko. Ayun. Nagkasakitan na lang. Sorry.

Bakit ako nagsosorry? Kasi may mga mali akong ginawa at nagawa. Sa divisoria, di ako marunong humingi ng tawad. Pero sa tao, marunong ako pag alam kong may pagkakamali ako. Ayoko lang mamatay nang hindi humihingi ng tawad.  Walang kailangang magbago sa sitwasyon. Di mo rin ako kailangan patawarin. Di mo ako suki. Haha… Gawin mo ang gusto mo. Nagawa ko na ang gusto ko. Nasabi na ang gusto sabihin.

Ingat. God bless. Thank you.

4 responses to “To the person I hope isn’t reading this

  1. Thank you for sharing this. I can relate.
    Sabi nga ni Bo Sanchez:
    “Don’t always try to save people from the consequences of their bad choices…”🙂

    I’m a fan.🙂 I hope I can get to know you. Blessings!

  2. nice article…nakarelate aq, I think its not fault anymore kng maligaw mn ang friend natin ng landas as long as we did our best to protect them. Let just lift them to God…maybe one day kapag nauntog cla, they will come back and say, ” sana nakinig na lng aq sau. I don’t know about ur friend pro kc my ganyan dn aqng experience w/ my friend.

    • Thanks sa comment. You’re right. The best option is to always surrender everything to God. That should be our first choice and not our last resort. God bless. I hope you and your friend mend everything at mas maging close pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s