Thinking Over Overthinking

May kagimbal-gimbal na pangyayari nung nakaraang Sabado ng madaling araw. Matagal nang di nangyayari sa akin iyon at di pa nangyari nang ganun kalala nang ganun karaming tao ang nakakita. Isang eksenang di ko kailanman malilimutan. At kahit ayaw ko, matagal-tagal ko pang pag-iisipan.

Alas-kwatro pasado na ng umaga. Patapos na ang shift ko sa trabaho. Habang nakaupo, nagsimula akong mag-isip. At hindi ako natapos.

Lahat naman tayo nag-iisip. Lalo na kung may dapat pag-isipan. Pero may mga pagkakataong sumosobra ako ng pag-iisip. Ganito yun:

  1. I think things over.
  2. I think things over… and over.. and over…
  3. I overthink.
  4. I think I’m overthinking. So I think about overthinking.
  5. My brain overloads, crashes and cools down.

Di ko rin maipaliwanag kasi hindi naman talaga maliwanag at di rin ako maliwanagan. Pero fatal flaw ko talaga ang overthinking. Siguro programmed lang talaga kami mula pagkabata na pag-isipan ang mga bagay bago gawin, ang mga salita bago bigkasin, ang mga pangako bago bitawan, at ang mga desisyon bago piliin. Pero nakakapagod talaga.

“I want to crack my skull open, take out my brain, dip it in brake fluid, and put it back with hope that I will develop the ability to stop thinking when I don’t have to…” 

Galing yan sa sinulat ko nung nagsisimula na akong lamunin ng mga alalahanin ko nung Sabado. Dahil sa cocktail mix ng new place, new people, new process, new purpose, at ang aking sinusubukang new personality, tinamaan ako ng anxiety. Sa dami ng mga bago sa buhay ko, lumitaw kung san ako nabigo magbago. I overthink.

“Feeling like a turtle who poked its head out of the shell at the wrong time. Oh well, time to go back in…”

Lahat ng italicized, galing sa journal ko. Yung nasa taas, tinweet ko. Bakit? Di ko alam. Parang gusto ko lang isigaw sa buong mundo pero di ko kaya sabihin sa katabi ko. Kasi iniisip ko yung iisipin niya tungkol sa iniisip ko. Haay…

“It’s all my fault. No comment.”

Marami na kong napagsabihan tungkol sa pag-iingat sa pagpopost sa twitter at facebook. Pero sinuntok ako sa mukha ng sarili ko. Imbis na nakabawas sa emosyon ko ang pagbwelta ko sa twitter, nakalala pa. At dun na nga nagsimula ang pahinang di na lang sana nangyari.

Hindi makahinga, nanlalamig, nanginginig, nahihilo, nauuhaw, nanghihina, naninigas, at nahihirapang magsalita – ganyan akong nakita ng mga kasamahan ko sa trabaho. Laking pasalamat ko sa Diyos na mabubuti silang tao. Hanggang ngayon, di ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit sinayang nila ang higit isang oras ng buhay nila sa paghihintay na kumalma ako.

Lahat nangyari dahil sa sobra kong pag-iisip. Sa dinami-rami ng inisip ko, di ko naisip na magkakaganun ako. At hindi ko rin naisip na may nasaktan akong tao. Akala kasi nila, galit ako. Hindi naman ako galit. Pero siguro nga ganun ang aakalain dahil frustrated ako sa sarili ko sa mga oras na iyon. At dahil sa pinagpatong-patong na sitwasyon at emosyon, may nasaktan ako. At nung nalaman ko yun, lalo na kong nag-isip. Lumala ang sitwasyon, lumala ang emosyon.

Matapos ang mahabang oras, naayos naman ang lahat. Happy ending naman. Nagkalinawan, nagkaintindihan, nagkapatawaran. At nagkapangakuan.

Nangako akong di na masyadong mag-iisip. Nangako akong di maiilang. Nangako kaming walang magbabago.

Pero di na mababago ang nangyari na. Di mabubura ang malalang alaala.

If I’m gonna be totally honest, I’m scared. I think my scene did so much damage to something so beautiful. I’m blessed to have friends at work who really care about me and care for me, but I feel like it’s going to be a fight-or-flight situation the next time I see them. It won’t be my their fault, though. Ako naman kasi yung praning. So these are my “New You Rest Solutions” (Mga kailangan kong sabihin sa sarili para makapagpahinga)

  1. Hindi ka perpekto. Hindi ka magiging perpekto. Hindi mo kailangan maging perpekto. Kung Diyos nga, di naman hinihingi na maging perpekto ka, kahit mga tao hindi rin. Ano ngayon kung may limitasyon ka? Wala nang bago roon.
  2. Kailangan mong kailanganin ang iba. May mga taong handang tumulong sa iyo. May mga taong mas interesado malaman kung ano kaya nilang gawin para sa yo kesa sa kaya mong gawin para sa kanila. Para tayong mga puzzle pieces. May mga espasyo sa isa’t isang dapat punan. Ang walang bungi, di maikakabit sa iba. Ang ayaw magpuno ng bungi ng iba, di rin makakadikit. Walang mabubuong magandang larawan.
  3. Sa pagiging tao mo maipapakita ang iyong pagkatao. Relatability builds relationsips. Hindi ka superhero kahit gaano ka kasuper at pinipilit mo maging hero. Bakit? Dahil di ka galing sa ibang planeta tulad ni Superman. Wala kang naimbentong suit tulad ni Ironman. At di ka rin kasing bitter at yaman ni Batman. Higit sa lahat, di ka naman nagbbrief o panty sa ibabaw ng pantalon. At di mo rin nilalagyan ng sinturon. Sa mga oras ng kahinaan napapalalim ang samahan.
  4. Hindi nasusukat sa oras ang lalim at tibay ng pagkakaibigan. Isang ugali kong di maganda ay yung pagka-OC ko sa mga abstract na bagay. Lahat sinosort, finifilter, at kinacategorize ko sa utak. Kahit maganda naman yun kung mga thoughts at principles ang pinag-uusapan, maling mali kung tao na ang sinusukat at dinedefine ko. Madalas kong marinig to galing sa isang tao noon. Pero di ko pa rin maalis na sa kagustuhan kong malaman kung paano makisama sa isang tao, napapasama dahil di ko naman talaga gustong malaman kung sino sila. Pinagbibintangan ko lang na dahil may pinagkapareho ka sa ibang nakilala ko na, alam ko na kung paano ka magrereact, at kung sino ka. Pero kahit minsan nga tama ako, at kadalasan din nakabubuti yun, di pa rin tama dahil parang sinusukat ko lahat.
  5. Huwag kang praning. No explanation needed.

Sa simula ng bagong linggo, baon ko ang mga bago kong natutunan. Sana lang talaga natuto na ako.

2 responses to “Thinking Over Overthinking

  1. Matagal na din po kayong di nagsulat pero masaya ako sa pinost nyo po na ito! Sobrang tumpak sa pinagdadaanan ko bilang isang incoming 4th yr student sa kolehiyo. Masyado kong pinipilit ang sarili ko na maging perpekto at hindi ako humihingi ng tulong sa aking mga kaibigan. Sa totoo lang hirap na din akong mag-isip ng gagawin ko para sa thesis lalo na at napipilitan akong magpursige dahil konti na lng pwede na akong mag-cum laude at nanghihinayang ako kung di ko ito makamit pero sakal na din ako sa ginagawa ko. Masaya ako na malaman na di ko dapat ipilit na maging perpekto sa lahat ng bagay dahil tao lng din naman ako. Gusto ko din po yung post ninyo tungkol sa pagkakaroon ng best friend, ilang buwan lang ang nakalipas, napagdaanan ko din ang bagay na yun… Malungkot pa din ako dahil doon at ngayon tinutulungan ko pa ang aking sarili na maka-move on. Gustong-gusto ko po ang mga sinusulat niyo kaya sana ay di ka maubusan ng inspiration dahil natutuwa ako at may nakakatulong sa akin sa mga dinaranas ko.😀 More power to you and God Bless po! Have a nice day!

    • Nakakatuwa naman ang comment mo.🙂 Salamat sa pagbabasa at sa lahat ng suporta. Huwag mo masyado problemahin ang hinaharap at baka di mo na makita ang nasa harap mo.🙂 God bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s