Payong Kaibigan: Nagpapayong, Paayon, o Papayong Kaibigan

ImageIsang libangan at pantanggal antok namin ng ‘mommy’ ko sa trabaho ay yung constant and incessant wordplay para makabuo ng tag lines about love and life (in short, lablayp). Finally, nakahanap na ko kabatuhan ng mga banat tulad ng: “Huwag kasi replyan kung ayaw pag-isipan.” at “Huwag kasi pag-isipan kung ayaw reply-an.” Labo ba? Haha…

Napaisip tuloy ako. Ilang tao na nga ba ang nanghingi ng payo sa akin tungkol sa buhay pag-ibig nila? Marami-rami na sa totoo lang. May ilang malapit sa kin, pero marami ang di ko naman talaga ka-close pero nung narinig nila ang tsismis na nag-aadvice daw ako, ayun, binuksan at binulatlat nila ang buhay at kaluluwa nila alang-alang sa “payong kaibigan” na galing sa kin.

Tutal nakaugalian ko nang mag-disclaimer, heto na… Di ako ‘authority’ when it comes to matters of the heart. Di ako counselor. Di rin ako ‘experienced’. Mayroon lang akong enough time para pag-isipan ang mga bagay, bumuo ng mga prinsipyo, at pumili ng tamang salitang gagamitin para lumikha ng buod ng nasabing kaisipan. At itong binabasa mo ay bunga ng mga iyan.

May tatlong klase ng kausap, yung ‘nagpapapayo’, ‘nagpapaayon’ at yung ‘nagpapapayong’.

Anong ibig sabihin nun? Heto at ieexplain ko sa iyo:

1. Payong Kaibigan – Para maging malinaw, malumay ang pagbasa sa ‘payong’. In english, umbrella. Eh… Eh… Eh… (Sorry. Di ko mapigilang idagdag yun kapag naririnig ko sa utak ko ang salitang umbrella… eh… eh… eh… ayan na naman.) May mga tao kasi talagang lumalapit lang, akala mo naman interesado sa payo, pero sa totoo lang, naghihinga lang ng sama ng loob – dumadaing. Sila yung kadalasang bigla bigla na lang umiiyak dahil sa bigat ng nararamdaman pero kadalasan tumatawa kapag nagsimula ka nang magpayo. Opo. Parang tiga-Mandaluyong loob lang. Tipong sisimulan nila ikwento kung gaano kasakit ang puso nila, pero ayaw naman nilang magbago – ang sitwasyon, at ang sarili nila. So sa gitna ng unos na dinaranas nila, gusto lang nila na lumabas ka, at payungan sila. Pero kahit bumuhos ang ulan at bumaha, wala ka ring magagawa. Pareho lang kayong sisipunin, Eto ang mga bukambibig ng mga nagpapapayong na kaibigan:

  • “Ang sakit sakit ate…”
  • “Ang sakit sakit…”
  • “Ayoko na nga e…” [Pero pag sinabi mong hiwalayan niya, sasagot siya ng…]
  • “Pero mahal ko e…”
  • “Mahal na mahal…”
  • “Ang sakit magmahal…”
  • “Ayoko na talaga…” [by this time, may isa nang mag-aayang matulog na lang kesa makinig nang paulit ulit.]

2. Paayong Kaibigan – May mas malala pa ba sa mga kaibigang nagpapapayong lang? Oo. Kasi mayroon ding mga paayong kaibigan. Sila yung lalapit para magtanong pero may sariling sagot. Minsan tingin ko, naghahanap lang talaga sila ng kakampi o kadebate. Madalas, sila yung mga panggulo sa naguumpukang kababaihang nag-sleepover (who don’t sleep until the night’s over and oversleep the next day…). Mas gusto ko nang mag-alo sa mga overly dramatic na nagpapayong na kaibigan kaysa makinig sa mga paayon. Sila rin kasi yung tipong ipipilit na tama ang baluktot nilang prinsipyo’t paniniwala at kinukubli ito sa mga taong, pero hindi Socratic method kundi Hipocrytic method (imbento lang) dahil di naman talaga nila gusto malaman ang opinion mo. Gusto lang nilang malaman mo ang opinion nila, at dapat umayon ka. Paayon sila. Minsan tuloy, dahil sa sobrang confident nila, naguguluhan yung iba na desidido naman makinig sa payo. Nagkakaroon ng disjoint dahil magkaiba ang sinasabi ng dalawang ‘tagapayo’. Ang mahirap pa sa mga paayong kaibigan, madalas kaya sila ganun ay dahil sila mismo ay may pinagtatakpan. Sila yung tipong sasabihan kang magtiis kahit nasasaktan ka dahil sila din nahihirapan pero nagtitiis. Frequently used lines:

  • “Ok lang yan. Ako nga e…”
  • “Yan din ang sabi ko e…”
  • “Di yan pwede sakin…”
  • “Kung ako sayo…”
  • “Di ba ate Abby, tama ako?”

3. Papayong Kaibigan – sa bawat sampung nakakumpol na kinakausap ko sa mga ‘girl talk’ sessions, isa lang kadalasan ang tunay na nagpapapayo. Pag dalawa, parang gusto ko na magpaparty. Pero minsan wala ni isa, puro papayong at paayon lang. Pag ganun, nanghihinayang ako sa tulog ko. Sayang din ang laway, at oras. Pero basta may kahit isang kaibigang handang makinig nang totoo, okay lang sakin na mapuyat. Sulit naman kasi dahil may tulungan na magaganap. Ano naman ang bukambibig nila?

  • Wala actually. Dahil mas interesado sila makinig kesa mapakinggan.

Para sa mga mahilig humingi ng payo, ito ang payo ko sa inyo:

Pumili ng tamang tao, attitude, at oras [TAO] bago magdecide na kumilos at makipagusap o magtrabaho.

Para naman sa mga mahilig magpayo, ito ang payo ko sa inyo:

Wag mahiya magtanong kung ano ba ang gusto ng kaharap mo. Ngayon, tinatanong ko na agad sila ng ganito: Ikaw ba humihingi ka ng advice o nagsshare ng status? Magkaiba yun e. Kasi kung nagpapapayo pero di naman sumusunod tapo may

At the end of the day, maging sino ka man, di ka paniniwalaan kung gusto sumuway ng may katawan. 

One response to “Payong Kaibigan: Nagpapayong, Paayon, o Papayong Kaibigan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s