Slipping Beauty and Prince Changing

sleep

Once upon a time, in a faraway kingdom, the king and queen woke up one gloomy winter morning without smiles on their faces.

“This weather makes my skin dry,” Queen Aurora said while checking her reflection on the mirror hanging above the gold-plated dresser and combing her white-streaked hair. She looks at King Philip, expecting him to reassure her of her beauty which was once so magical that it caused him to love her even while she lay fast asleep.

King Philip sighed and nodded without so much as a kind word to his wife. The cold weather makes his bones ache. His once muscular built has now faded and it’s been a while since he’s had an adventure like the one he had while looking for his beloved Sleeping Beauty. The burden of ruling a kingdom and the physical toll of his conquests in his youth has carved out several creases on his forehead. His brown hair has turned gray and is now thinning, and his hands can no longer grip his sword, much less use it.

Aurora bit her lower lip, obviously annoyed by her seemingly unattached husband, her stare slightly reminiscent of Maleficent’s. Her beauty’s now slipping, and her prince is changing.

And they lived happily (?) ever after.

—–

Malamang kabisado na natin ang kwento ni Sleeping Beauty at ng kanyang Prince Charming. Kasama ko sa mga libo-libong nanood ng Disney on Ice noong December at talaga namang nakakaaliw yung paglabas ng neon dragon na bumubuga ng apoy sa ice skating rink. Napa-pasag ako ng paa. Grabe. At dahil dun, dalawang beses talaga ko nagpunta sa Araneta at nagbalik bata habang nanonood ng mga prinsipe’t prinsesang nagsasayaw sa yelo.

Hindi naman ako yung tipong nagmamaganda. Di rin ako yung tipong nagpapaganda. Dahil di naman talaga ako maganda. Hehe… At hindi ko sinasabi yan para magcomment kayo to reassure me. Alam ko lang na kung susukatin ako ayon sa batayan ng mundo sa kung ano ang maganda, hindi ako papasa. Lalong-lalo na sa panlasa ng mga Pilipino.

Ano ba ang kagandahan? Iba’t iba ng definition ang mga tao ayon sa kung saan sila nagmula. Dito sa Pinas, tampulan ng tukso kaming mga morena. May ka-opisina nga ako, maganda siya pero palaging nababanatan dahil sa kulay niya. Isa pang termino na ayaw kong naririnig ay yung “Black Beauty”. Kasi kadalasan, ang ini-imply ay: “Maganda naman kahit maitim.” Di ba pwedeng maganda na lang? Merong ‘kahit na’ statement pa dapat?

E bakit sa mga bansa kung saan karamihan ay mapuputi, uso naman kami? Sila nga, nagkaka-skin cancer na sa sobrang dalas magpaaraw. Nung nagpunta kami sa Palawan, may nakasabay kaming Swedish couple na di halos umahon sa tubig at mukhang gusto talagang matosta sa init ng araw habang yung mga Pilipino naman ay di halos makalangoy sa kakapahid ng sun block. Kung may SPF 1000 ata, yun ang gusto bilhin. Bakit ganun?

It is not an issue of taste or beauty. It’s a lack of CONTENTMENT that drives people to desire for things they do not have.


Honestly, kaya ko ito naisulat ay nagkaroon ako ng mala-teledramang talking-to-myself scene noong isang araw. Pagkatapos makarinig ng mga tanong kung bakit di ako ‘nag-aayos’, napatanong ako sa sarili ko kung totoo nga ang usual script ko na “comfort over fashion” at “tamad lang po talaga ako” o kung dala ba ng insecurities ko ang pagiging ‘boyish’ at ‘sporty’ ko.

Isang beses isang araw ako magsuklay – pagkatapos maligo. Hindi ako nagme-make up maliban lang kapag walang choice at nakikidnap ng mga kaibigan at kapatid ko. Di ko alam kung ano ang season colors o kung ano ang trend sa fashion. Di ako nagbubuklat ng mga magazine na mas maraming picture sa sulat. Reader’s Digest lang ang magazine na nari-read at nada-digest ko. Kung di ako naka-tsinelas, naka-sneakers ako o naka-rubber shoes. Parusa na ang pagda-doll shoes ko at ayoko ng makulay o maborloloy. Di ako nag-aalahas maliban sa studs para di mabarhan ang butas ng tenga ko at sa watch na kailangan ko para malaman ang oras.

Di kita kukumbinsihin na gayahin ako. Pero heto ang ilang perks na naobserbahan ko sa aking lack of a beauty regimen:

  1. Shock value – Dahil di ako madalas naka-ayos, pag natiyempong nakita akong mukhang ‘babae’, nacocompliment agad ako. Kahit may mas magaganda sakin, dahil ganun talaga sila kaganda araw-araw, ako yung napapansin. Either may ganda talaga kong natatago or ine-encourage lang talaga ako ng mga taong magpakakikay. Baka naman gusto lang nila ko bentahan ng direct selling. Hmm…
  2. Savings – Oo. Maraming savings. I save a lot of money by not buying facial wash, moisturizers, or toners. Wala rin akong mine-maintain na hair para ipa-rebond, perm, o kung ano man. I wash my face with water, scrub it clean with a cotton ball pag may time, and use whatever hair products I see sa bathroom. Maliban sa monetary savings, I also save a lot of time. 10-15 mins lang maligo, 1 minute magsuklay. Mas maraming oras matulog, mag-gitara, magsulat, at tumunganga.
  3. Stress-free – Walang iniintinding hitsura kaya okay lang mahanginan, mausukan, pagpawisan, at maging active. Tipong pag biglang may emergency, pwede akong umakyat, gumapang, lumangoy, at magbuhat. Itry mo gawin yun habang naka-miniskirt. Hehe…

Pero napaisip ako nung isang araw kasi baka naman kaya ako ganito e dahil pinapartidahan ko na agad yung sarili ko. Parang pag exam tapos di ka nag-aral. Kahit pasang awa, parang ang talino mo pa rin diba? Pagkatapos ng ilang minutong pagbubulay-bulay, napagtanto ko na iba’t iba lang talaga ng trip ang mga tao. At para walang basagan ng mukha, dapat walang basagan ng trip.

Sa akin kasi, imbis na gastahin sa pagpapaganda, may mga iba akong trip pagkagastusan. Mas madalas kong hawak ang gitara sa suklay, ang lapis sa lipstick, at laptop kaysa sa lipgloss. Mas madalas ako tumambay sa basketball court kesa sa parlor at sa simbahan kesa spa. Ganun ko gusto palipasin ang buhay. At kung di tayo pareho ng trip, di kita pipigilan maliban lang kung may ibang bagay ka nang napapabayaan. Mga utang na di mabayaran, mga anak na di maasikaso, mga gawaing di matapos – basta walang ganyan, sige lang te, bumongga ka! Wave sabay rampa!

Lahat naman ng gandang panlabas, lumilipas. Pero yung ganda ng kalooban, di mapipigilang lumabas.

Balang araw, lahat tayo dadami na ang wrinkles, mag-iiba na ang hugis ng katawan, matutuyo na at magpapatche-patche ang balat. Malalagasan na ng ngipin, ninipisan ng buhok, at mag-iiba ang hitsura. At sa panahon na iyon, masusukat natin kung ilang tao ang nakakita ng kagandahan ng loob natin dahil sila yung makakasama natin kapag umatake na ang rayuma, arthritis, at kung-ano ano pang sakit na tinitiis.

2 responses to “Slipping Beauty and Prince Changing

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s