Pagibig at Counterstrike: Mga Tipo ng Manliligaw

550px-Aim-in-Counter-Strike-Step-2

Sa post na ito, pilit kong paghahaluin ang dalawang hilig ko gawin: ang magsulat at ang counterstrike. Opo. Inaamin kong naadik ako noon sa counterstrike at hanggang ngayon, papatol ako pag may naghamon ng tourney. Pero dahil reformed na ko, papayag na ko maglaro bilang counter-terrorist.

Ang mga nilalaman nito ay highly classified information na nalikom sa dalawa’t kalahating taon ng pakikisama sa iba’t ibang klaseng tao, panunuod ng mga ligawan at sakitan, pag-aalo sa mga umiyak, at pamamalo sa mga nagpaiyak. Ihanda ang sarili. Heto ang ilang profile ng mga manliligaw (Go! Go! Go!):Image

1. The Rambo guy – Sa counter, alam na alam pag bata ang kalaro mo o kung likas na noob ito pag gumamit siya ng 5-1 o yung kilala bilang rambo gun. Armed with a M249-SAW rifle, sila yung nabubuhay with orders to “Shoot anything that moves.” Dahil 100 ang bala sa isang magasin ng rambo gun, ang mga manliligaw na Rambo ay feeling invincible.

Strengths: Hindi sila nawawalan ng banat. Hindi kinukulang ng lakas ng loob. Pang-close counter combat ang trip nila dahil hindi lalaban sa accuracy ang armas nila. Kaya baon ang lakas ng loob, titirahin nila ang sinumang matipuhan nang walang isip isip o hintay hintay. Ratrat lang ng ratrat ng pa-cute, one-liners, pick-up lines, IMs/PMs/DMs, at text messages. Walang misteryo kay Rambo. Alam mo na kung tinitira ka niya.

Weaknesses: Madami ang bala pero mahirap makatama. Kapos sa accuracy dahil nga trigger-happy si Rambo. Sa totoo lang, madali ring mamatay si Rambo dahil nga sa ingay at hina ng banat niya kahit gaano pa karami ito. At basta may bulletproof vest ka girl, madali kang makakatakas sa kanya. Dahil sa oras na maubusan siya ng bala, kalahating minuto ang kailangan niya para makapagreload. By that time, na-backstab na siya.

2. The Backstabber – Obvious naman sa pangalan diba? Sila yung umaali-aligid pero di kumikibo at halos di maramdaman. Pero may baong patalim. Parang si Lando lang.

Strengths: Smooth operator si Backstabber. Di mo mamamalayang patay na patay ka na pala. Bago ka pa banatan ng mga tropapips mo ng “Ayikee…”, mabibitag ka na niya. Kaya maiiwasan ang awkward moments kapag nawitness ng friends mo ang mga papampam moves na tulad ng kay Rambo. Silent killer siya. Chicks dig the element of mystery that Backstabber possesses. Yung kinukutuban ka pero di ka sure. Yung ayaw mo mag-assume pero parang alam mo na. Hanggang kalaunan, mas invested pa ang nililigawan kaysa sa nanliligaw.

Weaknesses: Kung pang-mid to close range si Rambo, pag-close range lang talaga ang mga Backstabber. Siyempre, kutsilyo lang ang bitbit. Kaya mahirap tumiming kung kailan mananaksak. Dahil mga lahing torpe sila, maaaring maunahan sila ng mga Sniper.

3. The Sniper – They are the ones with the long guns who have monster range. They tend to stay away for fear of being hurt. They prefer to save up for a costly weapon and wait patiently for the kill.

Strengths: Long range operator si Sniper. Hindi nakakasawa ang presensya niya. Di ka maiinis dahil hindi niya iiinvade ang personal space mo. May one-shot move din sila. Sila yung tipong mag-iipon ng bongga tapos bibili ng sangkatutak na helium balloons, kokontratahin ang tropa mo para gumawa ng banner na may “I LOVE YOU” at paliliparin ito para makita mo sa bintana ng classroom o office. Makalaglag-panty. Hindi ka mag-aalinlangan kung nililigawan ka ba o hindi. Tipong aayain ka pa lang sa first date, flash mob na agad. Mahirap tanggihan dahil solid ang tama. Lalo na pag head shot. Woot! (Enemy down!)

Weaknesses: Snipers have attachment issues. They keep people at arm’s length. They’re romantic pero awkward sa personal. At all or nothing ang peg nila kaya kung wala sila, wala talaga. Kung Sniper ka, maghanda ka ring mapahiya dahil pag di ka nakasapul, pwede kang masabugan dahil malayo ang tingin mo.

4. The Bomber – Kung precise si Sniper, wala nang mas sabog kay Bomber. Sila yung tipong naglalakad nang nakakasa ang grenade. Nasa base pa lang, sumigaw na ng: “Fire in the hole!”

Strengths: Area damage ang pambato ni Bomber. And it’s a bummer. Hehe… Pag nakapagtanim ng C4 si Bomber, naku malaki ang damage. Tapos ang laro. Madalas may backup squad si Bomber. Laging team effort para makarating sa bomb site. May bitbit yang tropa (Stick together team!) at laging may bodyguards (Cover me!). Dahil magaling magplano si Bomber, oras na nakalusot siya at nakapagtanim (The bomb has been planted!), sure win na yun (It’s gonna blow!). Area damage dahil pati pamilya mo, tropa mo, at lahat ng nakapaligid sayo, he will win over you all. May saktong dami ng pasensya, pakikisama, at bilis si Bomber.

Weakness: Dependent si Bomber sa teammates niya. Mga barkada niyang tumutulay, at mga barkada mong boto sa kanya. Kung wala yun, di siya makakakilos. Lalo na kung ayaw ng pamilya mo sa kanya. Pero kung may nakakasurvive sa pagsabog ni Bomber, kadalasan sila yung mga Abangers.

5. The Abanger – Sila yung pinakanakakainis sa lahat. Kasi tumatagal ang laro dahil nagtatago sila. Hindi tuloy nakakaraming rounds sa counteran. Ang goal nila ay yung sila yung huling mamamatay. Kaya manunuod lang sila hanggang may mapadaan na pwedeng tirahin dahil ubos na ang kumpetensiya.

Strengths: Patience. Wagas ang pasensya nila sa paghihintay. Pero di ko din alam kung pasensya yun o tamad lang talaga sila. Dahil aatake lang sila pag mahina na ang kalaban, malaki ang posibilidad na magwagi sila. They take advantage of people and situations.

Weaknesses: Kung nag-aabang ka lang para sumalo, di mo sigurado kung may sasalhin ka o wala. Maaaring may manalo nang di mo napapansin. Dahil rin sumalo ka lang, nasaktan na si girl bago mo pa makaengkwentro. At kahit kailan, hindi maiaalis ang katotohanang duwag ka.

Para sa ikaiikli ng post na ito at ikahahaba ng tulog ko, dito ko na ito tatapusin.

Isang babala: Mga mare, ingat-ingat din ha? Alamin muna kung terrorist o counter-terrorist ang manliligaw bago ka makipaglaro. Mahirap mabiktima dahil ang love life, di tulad ng counterstrike na magre-respawn ka ulit after 1 round. Sa tunay na buhay, pag natamaan ka, sapul. Pag nahulog ka, laglag. Pag nasaktan ka, aray. At aray mo, galing niya.

2 responses to “Pagibig at Counterstrike: Mga Tipo ng Manliligaw

  1. Meron lang sana ako idadag-dag. Meron pang isang klase ng “Sniper guy.” Yun yung tipo na hindi abangers. He’s running around with his pistol tapos kapag may nasalubong, ilalabas bigla ang rifle at ginagawang shotgun. “One shot killing blow” ang alas nya at may kasamang pang few shots ng sidearm to get what he wants.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s