So Much For My Happy Friending

goodbye40

Wala raw end pag true friend. Pero the word friend ends with “end”. Kaya habang tumutugtog sa background ang “Let it Burn” ni Usher, ibubuhos ko ang mga emosyon ko sa post na ito.

Kung kahit paano’y nakailang post ka nang nabasa, marahil kahit paano’y kilala mo na ako. Pessimistic, nega. Ganyan ako. Kaya bago ko manood ng pelikula, inaalam ko kung gaano ito kahaba. Tapos sa loob ng sinehan chinecheck ko kung patapos na ba o hindi. Kung series naman, tinitignan ko kung ilang episodes ang meron. At ako yung tipong nag-aabang kung narenew yung series dahil kung hindi, halos ayoko panuorin yung last episode dahil mabibitin lang ako at maiinis kung bakit tinapos nang walang kaabog-abog.

So ganun din ako kadalasan pati sa mga relationships. Kakasimula pa lang, hinahanap ko na yung Fire Exit in case of emergency. Parang inaabangan ko na kung saan lalaylay, saan papalpak. Fatalistic ba? Siguro.

Sa totoo lang, request ng manager ko na magsulat ako tungkol sa topic na ito. Takot ko lang na hindi sumunod. (Hehe… Peace po Miss Charm)

Kung isinulat ko ito 2 months o 2 weeks ago, ibang-iba ang kalalabasan nito. Kasi nga may pagka-bitter ako. Inamin ko naman sa Pain Pain series di ba? Pero ngayon, masasabi kong kahit paano’y mas balanse na ang basa ko sa mga bagay-bagay.

Relationships are ROLE-ationships. Lagi ko sinasabi yan, di para maniwala ang iba pero para maniwala ako. Dahil nga may tendency akong mang-smother ng tao, di ko maiwasang lumampas sa limitasyon ko. At kapag di mapigilang magkahiwalay – ng location o ng passion, agad akong nagw-walkout sa relationship. Ito kasi ang masakit na katotohanan, even though labels sound nice, they mean nothing. Masarap matawag na friend, sis, bestfriend, mare, o kung anu-ano pang tawagan ng magtotropa. Pero di yun ang sukatan ng totoong samahan. Ang lalim ng samahan ay masusukat sa kung ano o sino tayo sa isang tao. Ano ang role mo sa buhay niya? Mayroon ba? Dahil kung wala, sa oras na gumraduate kayo, lumipat ng bahay, o mahiwalay sa trabaho, mawawalan na kayo ng rason to keep in touch. Dahil kung tropa lang kayo dahil masaya tumambay together, makakahanap ka ng ibang kasama sa bago mong pupuntahan, at ganun din yung maiiwan mo. Mapapalitan ka. I believe our hearts are like hard drives. May limited amount of memory. At kahit gaano kalaki ang capacity, mapupuno din at kailangang magdelete para may bagong isave. Kaya kahit halos di kayo mapaghiwalay ngayon, maaaring dumating ang oras na iba na ang pupuno sa role na ginagampanan niyo sa isa’t isa ngayon. Kung di ka naniniwala, alalahanin mo kung sino ang pinakamadalas mong katext noong una kang nagka-cellphone. Siya pa rin ba hanggang ngayon? Lahat tayo may primary person na hinihingahan ng sama ng loob. Pero habang humahaba ang panahon, lumalaki ang chance na napapalitan ang taong iyon. Kaya dapat handa tayo na ganun din ang pwedeng mangyari sa atin. Kasama sa buhay yun.

Proximity is precious. Kahit ilang tao pa ang mangako na walang magbabago pag nagkalayo, hindi ako maniniwala. Dahil oras-oras lahat naman tayo ay nagbabago. Naniniwala akong para tayong mga uling na nagliliyab pag sama sama. Pag kumuha ka ng isa at inilayo ito, madali itong mawawalan ng liwanag at init. Kaya kailangan laging may kadikit na iba pang uling na may baga. Interdependence is a necessity. No man is an island daw. Dinedeny ko yan dati. Lalo na nung may pagka-antisocial pa ko. Pero kung tutuusin, kahit noong di pa ako kumikibo at di nagsasalita, di naman ako nawalan ng support group. Di ko lang sila pinapapasok sa buhay ko, pero nandun sila. Kung walang mga tao na tahimik na nananalangin at nag-aalala sa akin, malamang di na ko nabuhay para makapagsimula pa ng blog site na binabasa mo ngayon. Pero kalokohang malaki kung sasabihin ng kaibigan mong magm-migrate na walang magbabago sa friendship ninyo. Bakit? Dahil wala ka nang makakatext anytime kailangan mo magvent. Di ka na basta-bastang makakatawag kapag gusto mo nang sumabog. At kahit may viber pa, may timezone difference naman. Wala na rin yung taong pwede mong katukin sa bahay anytime. Ilang malapit sa akin ang nag-alisan last year. Sa totoo lang, kahit bago pa man sila umalis, nakaset na ang mind ko at umatras na ko ng bahagya. Pero hanggang ngayon, default setting ko pa rin ata ang hanapin ang isa kong kaibigan tuwing may problema ako. Pero di na tulad ng dati. At di na maibabalik yun. Kahit bumalik pa siya.

Refusal to grow apart = refusal to grow at all. May mga taong sa tagal ng pinagsamahan ay para bang nakatukod na sa isa’t isa noong nagdevelop sila. Yung iba tuloy nagkadevelopan imbis na nagdevelop. (Hehe… Joke.) Pero bilang isang taong pinanganak na may kasama, masasabi kong manipis ang linyang naghihiwalay sa interdependence at dependence. Masarap na may taong maaasahan pero di naman dapat laging nakaasa tayo. I’m blessed to have a wonderful twin sister. Wondertwins nga raw kami sabi ng iba. (Twin Towers sana kaso nagcollapse na yun.) So imagine kung paano kami lumaki. Laging may kasama. Laging may katerno. Laging may kakampi. Lagi ring may kaaway. Kaya di nakapagtataka na hirap na hirap ako humiwalay sa kanya. Sa totoo lang, last year lang ako natuto umorder sa counter. I’m deathly afraid of fast food chains for 24 years. Dahil laging siya yung nag-oorder para sa akin noon, lusot ako. Pero nung wala na kong choice, syempre kailangan mag-adjust. Believe me, nung una, tinitiis ko na lang gutom ko wag lang ako umorder. Pero eventually, kinailangan ko ding kayanin. Napasubo kaya kailangan subukan. Kaya ngayon marunong na ko. Pero di ko pa rin matanggihan ang extra rice at upsize pag inoffer nila. Haist. If you refuse to give each other space, you would stunt each other’s growth. Dapat may room to grow at room to breathe. Di lang mga astronaut ang nangangailangan ng space. Kaya nga yung iba gustong tumambay sa space bar. (Oo na. Corny na.)

I therefore conclude na not all friendships end, but all friendships change over time. Natatapos lang pag may isang mas gusto bumitaw nang tuluyan kaysa luwangan ang pagkakakapit. Ganun akong klaseng tao. Selfish kasi ako. I hate it when friendships fade kasi I feel like I’m left alone wondering if there’s still a friendship at all or if things will ever go back to how they once were. Pero tulad nga ng sinabi sa akin noon ng isang kaibigan, hindi lahat all or nothing. Dapat alam natin kung hanggang saan ang limitations at boundaries.

Kung ikaw yung mang-iiwan, sana huwag ka makalimot lumingon. Di mo kailangan magpaalam. Kailangan mo lang ipaalam. Dahil mahirap maiwanan.

Kung ikaw yung maiiwanan, sana huwag kang makalimot. Kung may nagpa-alam sa iyo na aalis, wala kang magagawa. Di mo siya mapipigilan. Dahil mahirap din naman mang-iwan.

Someone once told me to never say goodbye. See you soon na lang daw. E pano naman yung mga bulag? Di naman lahat ng goodbye malungkot. Di ba sa school, ang saya marinig ng: “Goodbye class!”

good-bye-2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s