E Ano Kung Di Kayo Bagay, E Tao Naman Kayo?

Image

“Uuuy… Ayikee… Bagay sila…”

“Alam mo, bagay kayo…”

“Naks! Yun o! Swak! Bagay na bagay!”

Yan ang kadalasang naririnig kapag may nabubuong love team na malamig sa mata tignan. Parang Charlene at Aga o Richard at Lucy. O kaya yung star player ng basketball at yung magandang cheerleader. Yung magaling na doctor at yung nurse na di marunong mahaggard. Yung TL na nakakapag-gym pa kahit night shift at yung babaeng di tinutubuan ng eye bags kahit laging puyat. Yan, pag ganyan… Ang sarap makikilig. Ang sarap mang-buyo. Di ba?

Pero bakit pag nakakita tayo ng Amboy na medyo exotic ang beauty ng girlfriend, akala mo naman nakakain tayo ng Yakee kung magmaasim. Take note: TAYO po ang ginamit ko kasi ganyan din ako. Tuwing nagbibeach nga, yan ang sentimento ko. Aaminin ko, minsan hirap ako titigan kapag parang di “bagay” ang magkasintahang nakakasalubong ko. Di naman ako macomment na tao, pero kung maririnig lang nila ang naiisip ko, masasaktan sila:

“Wow. Yaya?”
“Nanay mo, kuya?”

“Ate, mashonda na yan… Sayang ka.”

“Wow. Jackpot si kuya! Nagkakaubusan na talaga ng lalake.”

San ba galing ang pagtingin na ganyan? Siguro sa inggit. Kasi tipong pag may crush ka na nagkagusto sa MAS sa iyo – mas maganda/gwapo, mas matalino, o mas sexy, mas madali matanggap. Pero pag MAS ka, ay naku. Kawawa naman ang gf/bf niya. Kasi sa tuwing maiisip mo na sila na, di mo matanggap kasi he/she deserves much better. Pero ang totoo mong naiisip, he/she should have picked you. Tama?Tomo! (Kahit di ka umagree, aamin ka rin balang araw)

Nagkakausap kami madalas magkakaibigan tungkol dito. Kasi lahat kami graduate na at may trabaho pero NBSB pa rin. At kahit wala naman saming nappressure na pumasok sa kompromiso para lang magka-love life, madalas napagbubuntunan kami ng mga taong gigil na gigil maghanap ng damay. (Sila yung either masaya sa relationships nila kaya they wanna spread the love, or yung wala nang kilig ang relasyon kaya naghahanap ng mapagkukunan ng kilig kaya gusto makikilig sa yo.) Isa sa mga napaguusapan namin ay kung bakit minsan yung hindi bagay, yun pa yung nagkakatuluyan. Siyempre may mga kasong martyr lang ang isa kaya nagtitiis sa sitwasyon. Pero may mga iba talagang di mo lang makita kung anong nakikita nila sa karelasyon nila. Di mo maintindihan kung bat kinikilig siya at parang bangong bango sa boyfriend niyang once a month lang ata naliligo. Di mo maarok kung bat titig na titig siya sa mukha ng girlfriend niya na parang kasing ganda niya si Natalie Portman e mas maganda pag Natalikod, man.

Ang conclusion namin: You can’t have it all. Pipili ka ng isang wala: Beauty, Brains, Body, Personality, o Taste. Kung mayroon ka nung unang apat, ingat ingat din. Naalala niyo pa ba yung malaking issue na sila Mario Maurer na raw at Cacai? Ako, suportado ko yang love team na yan. Di ko sila kilala. Pero naiintindihan ko kung bakit naging close sila. Oo na’t lamang siguro sa pisikal na kagandahan si Mario kay Cacai. Pero with a personality na ganun kabongga, siyempre bawing bawi. Kasi magaling si Cacai mag-English kaya malamang rin sa shooting, nagkakaintindihan sila. Pero kung sa banda kay Mario ka nakiki-sympathize, malamang aagree ka na dahil meron siya ng lahat, sa Taste siya pumalya.

Kung nasa relasyon ka ngayon, siguro mapapaisip ka kung sino sa inyo ang walang taste. Kung wala ka namang karelasyon, malamang mapapaisip ka kung alin sa mga yan ang kaya mong mawala. Mas okay ba sayo yung medyo shonget, medyo boplaks, medyo chubby, medyo lutang, o gusto mo yung pang-Executive Optical commercial pag magkasama kayo dahil di maintindihan ng lahat kung paano ka nakabingwit ng malaking isda. Kung in-love ka naman pero feeling mo di kayo bagay, huwag mo hayaang pigilan ka niyan na magmahal. Dahil papasok ka naman sa relasyon, di para may kabagay ka. Pumapasok ka sa relasyon para makibagay. Hindi para makita ng iba, kundi may maipakita sa kanya. Di mo kailangan pahalagahan ang sabi ng iba kung alam mong kaya mo siyang alagaan. Di importante kung tanggap ka nila, basta may matatanggap na pagmamahal galing sa iyo ang napupusuan mo. Magpakatooo tayo, baka mabasted ka. E ano ngayon? Give love without expecting anything in return.

Kapag nakipagrelasyon ka, di maiiwasang sa pagpapalit niyo ng status, parang facebook lang yan. May mga magla-like, di maiiwasang may magcocomment. Ganyan talaga e. Pero sana lang walang makiki-share.

Pero at the end of the day, di naman sila ang magdidikta. Di sila ang magdedesisyon. E ano kung di kayo bagay? E tao naman kayo. Baka bagay nga kayo, di naman siya makatao at di nagpapakatao. Ang importante, yung ‘tayo’ ninyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s