Lousy Lines 1: “Wala Kang Time”

Time

Time.
Oras.
Panahon.
TOP reason kung bakit naghihiwalay ang mga tao ay dahil wala raw time. Kesho wala nang oras dahil busy. May mga inaasikaso. May tinatrabaho. Maraming ginagawa. Pero sa pagsisimula ng bagong series ko dito na pinamagatang “Lousy Lines”, uunahin ko na ang isa sa pinakagasgas na excuse ng mga taong nakikipagbreak.

“Wala ka nang oras para sakin.”
“We don’t have enough time for each other.”

Hindi ko na pahahabain pa ito. Hindi ako naniniwalang valid excuse ang kawalan ng time para isuko ang isang relasyon. Bakit? Dahil hanggang di pa nagugunaw ang mundo, at hanggang di ka pa nauubusan ng hininga, may time ka pa. Totoo naman, di ba? Lahat naman ng tao, may time. Oras lang ang resource na pantay-pantay tayong lahat – tigbebente kwatro oras. Di tulad ng pera, talent, at beauty na parang randomly sinaboy sa mundo, ang time ay inirasyon sa atin nang pantay-pantay ng Diyos. Walang mahirap o mayaman pagdating sa oras. Kaya napipikon ako pag idinadahilan na “walang time” kaya naghihiwalay. Aminin mo, may time ka. Kaya lang…

Walang effort.

Pag sinabi sa iyong wala ka nang time for him/her, di mo naman pwedeng gawing 27 hours ang bawat araw. You can’t create time, but you can make time for each other. Kailangan ng conscious effort. Ang oras kasi, binubudget din talaga yan. Kung dati madali para sa inyo magkita dahil magkaklase naman kayo, pag nagkatrabaho na maaaring di na kayo magkita madalas. Ang solusyon: EFFORT. Kahit marami kang ginagawa, ginagawan din dapat ng paraan na maiparamdam mo kung gaano mo kamahal ang isang tao. Heto ang ilang tips:

• “We We break” – Isabay sa CR/restroom break ang pagtetext. Isama mo na sa routine mo. Para di mo makalimutan. Para kahit paano, maka-three texts minimum ka habang nasa work.  Kahit ba tulog na siya dahil pang night shift ka. Kahit ba di naman siya magrereply. Magtext ka lang na naaalala mong may gf/bf ka, ibig sabihin din nun, naaalala mong gf/bf ka niya. Ano ibig sabihin ko? Ibig sabihin, di ka nakakalimot na taken ka. At di rin siya taken for granted.
• “Call Me Mini” – Di naman kailangan magmistulang call center agent ka gabi-gabi. Di naman laging dapat kayo magkausap. Magkakaubusan kayo ng mapag-uusapan. At baka mawalan ka ng trabaho at social life kung nakadikit na ang cellphone mo sa tenga mo. Kaya at random times ka na lang tumawag. Mini conversations just to remind him/her of how your voice sounds like. Kahit ‘Hello, musta? I just called to say I love you.’ Ganun lang. Papampam. Papansin. Alam naman niyang may trabaho ka. Natatakot lang siya na may tinatrabaho kang iba. Gets?
• “Postdated Checks” – Ultra-low tech at low budget. Pasimpleng kilig. Postdated notes to check up on him/her. Gamit ang pluma at papel, magsulat ng ilang notes na scheduled niyang basahin sa mga susunod na panahon.

Kung mapapansin niyo, puro ways to communicate ang tips ko. Dahil kapag nakukulangan siya sa time, nakukulangan lang siya ng pansin. Pansinin mo naman. Bigyan ng assurance na kahit busy ka, utak at kamay mo lang ang nagtatrabaho pero ang puso mo, sa kanya pa rin. Dapat ang pagmamahal natin, parang BDO – We find ways. Para hindi KitKat – Have a break.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s