Nanganak na ba ang Kisses? Yung totoo?

“When I was a child, I thought like a child, I spoke like a child, I acted like a child…”

Even the Apostle Paul had a childhood, and even though poets often claim that youth is wasted on the young, nothing beats the joy and humor found in looking back and realizing the folly and faith that defined our childhood. Heto ang ilan sa mga natutunan ko sa aking kabataan:

1.) Kisses don’t get pregnant.

Alam mo ba kung ano yung kisses? Hindi. Hindi yan yung ginagawa ng love team bago mag-ending ang pelikula. Hindi rin yung chocolate ang tinutukoy ko. Kung 80’s or 90’s kid ka, malamang you get what I mean. Kisses are semi-transparent, teenie tiny beans, often with a pink or purplish hue. Wala naman akong mahanap na dahilan para bilhin o “alagaan” ang mga maliliit na butil na yun, pero for some reason, nauso siya nung panahong nasa elementary ako. Ang formula, ayon sa eksperto kong kaklase na ‘nakapagpaanak’ na ng maraming kisses, ay simple lang – ilagay ang kisses sa bulak na may alcohol at tubig, ilagay sa plastic container, at hintayin. Patol naman ako kaya nung may nagbigay sakin ng ilang butil ng kisses, kinuha ko ang regalo ng ninang ko na makeup kit at doon inilagay ang bulak na may alcohol at tubig. Nilatag ko sila isa-isa, mga half an inch apart. Isinara ko ang kit at naghintay ako. May chismis din na kumalat na nagsabing dapat daw magtabi ang kisses para manganak kaya muli kong binuksan ang makeup kit at pinagpares pares ang mga kisses. Matapos ang ilang araw, muli kong binuksan ang kit, pero walang nagbago. Kumonsulta na ko sa OB-GYNE ng mga kisses kong kaklase at ang sabi niya, kailangan daw i-Ceasarian ang kisses pag ayaw manganak. Ginagamitan daw ito ng bolpen na itinutusok sa bandang gitna ng kisses. Syempre dahil expert advice, ginawa ko naman. Ayun. Nabawasan ako ng isang kisses (oo, kisses ang tawag kahit plural). Sa isip ko nun, siguro nga di ako pwede magdoktor.

Sinong Hudas nga ba talaga ang nagpauso ng chismax na nanganganak ang kisses? Kung sino man siya, expert siya sa marketing. Kasi kung walang chismax na ganun, wala namang reason para bumili ng kisses di ba? It’s a classic example of a useless product na bumenta dahil sa hype. Wala pa mang hashtag noon, nagtrending na ang kisses.

Myth Busted: Simple lang naman ang theory ko dito. Malamang may isang bata na nagtago ng kisses niya at nang muli siyang nagbilang, nakalimutan niya na kung ilan ba talaga yun. Kaya dahil dumami sa tantiya, nanganak! Ganun kasi nangyari sa kin. After ng ilang buwan na nakaimbak yung makeup kit ko, nung itatapon na ng tita ko ang laman, binilang namin ng kambal ko at tingin ko dumami nga. Di ako sigurado dahil di ko alam kung ilan talaga yun noon, pero nasa akin naman na ang desisyon kung ano ang paniniwalaan ko, di ba?

The Truth: What did I learn sa pag-aalaga ng kisses? Two things: 1) Things don’t always have to be true to be believed, and 2) If you don’t know the truth, you’ll end up making up a truth of your own.

2.) Kisses don’t get you pregnant.

Innocent or ignorant? Sometimes I can’t decide which one I was when I was young. Being sheltered and raised in a Christian environment has its pros and cons. Isa na dito yung napakataas na probability na mapapahiya ka pag sumabak ka na sa ‘outside world’. Nung bata kasi kami, VHS pa lang ang uso. Tapos sa mahal ng bala, uso pang pumunta sa video rental store para humiram ng bala. Tapos pagsalang sa VHS player, buong pamilya kayong magaabang kung nirewind ba nung naunang humiram yung tape o hindi. Kasi kung di niya nirewind, kukunat muna ang popcorn niyo bago matapos marewind ang pelikula. Dahil nga limited ang exposure namin sa mga pelikula, hindi kami naturuan ng TV or ng Hollywood about stuff na rated SPG. Sa mangilan-ngilang pagkakataon naman na nakakahiram si Papa ng action movies, pinapatay na kapag nagsimula nang lumapit sa isa’t isa ang bida at leading lady niya. Aaminin ko, high school na ko when I found out about the ‘birds and the bees’. For 12 years of my life, I believed wholeheartedly that kisses got girls pregnant. Simple lang naman. Siyempre sa mga love story at teledrama, pag nagkiss na yung mga bida sa kasal, ang kasunod bago ending, may baby na. Edi siyempre nagkakababy kasi nagkikiss. Imagine my horror when a classmate stole a kiss from me. Grabe yun. Akala ko masisira na buhay ko. You may be wondering kung absent ba ko nung diniscuss ang reproductive system. Hindi po. Honor student ako nung elementary kaya memorize ko lahat yan. Pero believe it or not, I thought the transmission of reproductive cells occur when people kiss. Kaya takot ako magpainom sa water jug ko. Kasi baka malawayan nila, mabuntis ako.

Myth Busted: Three Words – M*. Cr***i** **la*ac** (kung kaklase kita nung high school, you know what I mean).

The Truth: Truth, however delicate, is better heard from the right people. There’s no stopping truth from being known, anyway. Maririnig din nila from other people, mas mabuti na kung sa magulang manggaling.

3.) Hindi masarap ang santan.

Tulad ng alamat ng kisses, may isa pang kinahihiligang bantayan ang mga bata. Ito yung pamumulaklak ng santan. Kung tatanungin mo ako ngayon kung ano ang paborito kong bulaklak, di ko sasabihin sa iyo – baka ligawan mo ko. (O, joke lang. Balik na tayo sa basa…) Pero kung tatanungin mo ang mga batang nakajumper nung 90’s, isa lang ang paborito namin – SANTAN! Kasi may chismis na masarap ang santan. Tipong unahan kayong barkada makapitas ng maraming bungkos ng santan, tapos uupo kayo sa palibot ng puno ng santan at dahan-dahang pipitasin isa isa ang stalk ng santan flower. Sukat maduling pa habang iniipit ang thread-like vein nito sa pagitan ng hintuturo at hinlalaki tapos kanya-kanyang style kung pano mahuhugot nang may ‘dew’ sa dulo. Pag jumackpot na meron, buong tropa ang manonood habang tinitikman ang ‘dew’ tapos sabay-sabay silang magtatanong, “Matamis?!” Syempre isa lang naman ang sagot dun. Galit na sila e. So tatango ka na sabay agree, “Matamis!” After makalbo ang tanim na santan ng tita/ninang/lola niyo, at after makabuo ng iba’t ibang santan jewelry, buo na ang araw ng tropa. Pwede na umuwi.

Myth Busted: We went to Thailand and doon kami nakatikim ng fried santan flower. Ang verdict: “Hindi matamis.”

The Truth: If enough people believe it to be true, you may be convinced that it is the truth.

4.) Hindi masarap ang suntan.

Ngayon, simple lang ang pangarap ko: makapagretire sa beach house na ako ang may-ari. There’s something about sand, sun, and surf that really calms me down. Pero nung bata ako, let’s just say na my first beach trip was altogether horrific. Believe it or not, mejo maputi naman ako nung bata (sige na, say it aloud, “Weh?”). Pero nung 8 or 9 years old kami, nagcompany outing sila Mama at Papa. Sinama nila kami sa beach. First time yun na makakita kaming magkakapatid ng dagat sa totoong buhay. Pero first time din na maglalakwatsa kami na walang kasamang tita o lola. Kaya naman super ingat ng parents ko. To make the long story short, umuwi kaming masaya sa bahay pero nagising na umiiyak. Parang chicharon kasi ang balat namin. Yun ang nag-iisang time na nagkasunburn ako. Sa sobrang lala, nagbabakbak ng bongga ang mga likod, ilong, at pati yata anit naming magkakapatid. Siguro sa sobrang enjoy sa ilalim ng araw, di na kami umahon. Sabi naman ng lola ko, pag nabalatan kami, lalo kaming puputi. Well, mali siya.

Myth Busted: Pero may isang lihim na nabunyag kamakailan lang. For some reason, bigla naming naalala yung Matabungkay beach experience namin. Nasa sasakyan kami a few months ago nung biglang may flashback na nakita ang kakambal ko. Nagkatinginan kami. Pareho naming naalala. Sabay kaming tumingin sa tatay naming nagmamaneho, at namutawi sa mga bibig namin ang dahilan kung bakit kami nasunog nang husto. “BABY OIL!”

Oo, baby oil ang ilang beses na ipinahid ni Papa sa amin nung nagswimming kami. Para daw hindi deretso sa balat ang araw. Di pa kasi uso sunblock non. Di naman kasi kami mayaman. Kaya dahil may dala siyang baby oil, yun ang nagamit sa aming magkakapatid. Inamin naman ni Papa na nangyari nga yun. Siyempre nakakatawa na lang ngayon. Pero mas nakakatawa yung reaction ni Papa sabay sabi na: “Akala ko wala nang makakaaalala nun.”

The Truth: The truth will always find its way to the surface no matter how hard you hide it or how long you’ve kept it underneath the ground.

Mahirap magsabi ng totoo nine times out of ten. Masakit kasi. Minsan sa makakarinig, minsan sa magsasabi, kadalasan sa parehong partido, pero isa lang naman ang simpleng principle behind it. Kung alam mong katotohanan ang mananaig, bakit kakampi ka pa sa alam mo namang matatalo din pala.

One response to “Nanganak na ba ang Kisses? Yung totoo?

  1. Nice one. Really appreciate how your creativity flows in your blog. I also like the niche market your targeted. Suggestion might be add a little picture for your readers for them to better imagine what you are trying to tell us. But over all it worth the time. Hope to read more articles and funny stories from you. Keep it up

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s