The Reason for the Season Isn’t Marco Sison

marco season

Disclaimer: Sorry po sir Marco Sison. Nadamay lang po kayo. Nakakatakot kasi magalit si Chavit Singson kaya ikaw na lang.

Malamig na ang simoy ng hangin. Bumababa na ang bayarin sa Meralco dahil bakasyon ang aircon at chillax ang electric fan. Tumataas din naman ang bayarin dahil sa kumukuti-kutitap na Christmas lights at parol. So break even lang.

Break even.

Sabi nila, season of giving daw ang Pasko. Pero tingin ko, season of break even lang din naman. Bakit? O sige ililista ko.

1.) Exchange gift – Hay naku. Nagbunutan kami kanina ng ka-exchange gift sa opisina. Sino ba nagsimula ng seremonyang ito? Siguro kung sino man siya, di siya naregaluhan ever kaya sa kagustuhan niyang makaranas makatanggap ng regalo, ayun. Ipinanganak ang konsepto ng exchange gift. As if naman napakasaya na alam na alam mo namang may matatanggap ka kapag nagbigay ka. Lalo na yung may mga wishlist naman. Edi parang nagpabili ka lang. Aminin mo. May mga taon na lugi ka sa exchange gift. Yung tipong 200-250 pesos ang range niyo tapos ang iniregalo mo e 259.99 pesos. Ang masaklap pa, nagkataon na ang natanggap mo, picture frame na worth 199.99 pesos. Sinama kasi sa computation ng nakabunot sayo yung paper bag (Php 14.75), yung pamasahe niya (Php 16), yung chichiria nung nagutom siya (Php20 )at yung coke float na binili niya nung nabulunan siya sa maalat na chichiria (Php25). Lugi ka no? Pero siyempre aminin mo ring may mga taon na Santa Claus na nagkatawang lupa yung nakabunot sayo. Pakiramdam mo nanalo ka sa Lotto dahil hindi frame o medyas o Planters na chichiria o unan o mug yung natanggap mo. So break even lang.

2.) Gift-giving – Oo. Break even lang din ang pagreregalo. Sabi nga ni Joey sa Friends, there’s no such thing as a good deed. E kasi nung bata ako, santumpok ng regalo ang dumarating sa bahay. Sa dami ba naman ng ninong at ninang ko. Tatlumpung pares! Pero siyempre, tulad ng halos lahat, it faded away. Kumonti nang kumonti ang mga regalo. Kumonti ang mga pangalan ng ninong at ninang na kilala mo. Pero okay lang. Tumaas naman ang allowance mo diba? Saka at least hindi na nabubugbog ang noo mo sa dami ng minamanuhan mo. Saka yung iilang ninong at ninang na matibay, syempre lumaki din ang value ng regalo. Well, hindi lahat siyempre. May ninong at ninang akong every year e make up kit ang regalo sakin mula tumuntong ako ng 9 years old hanggang 14. May ninong akong super yaman, pag dumaan ka sa bahay niya pag Pasko, hahayaan ka niyang kumuha ng kahit anong regalong nasa ilalim ng Christmas tree sa home office niya. Parang destiny yung magdedecide – ganun. Ang di ko malilimutang regalo na nakuha ko sa kanya ay yung mini organ. Siguro mga 14 inches lang ang haba nun pero 3 octaves. Maliliit yung mga keys ng keyboard. Pero nasa tono naman at malakas ang tunog pag bago ang baterya. Natuto ako magbasa ng nota at tumugtog ng “Sa Ugoy ng Duyan” at “Rock a bye Baby” – o diba Tagalog and English versions! Kahit may mga ninong at ninang na disappointing, meron din namang nakakabless. May ninang ako na grabe ang effort makapagpadala lang ng package nung nasa US ako. Nasa Texas ako at nasa Florida siya pero biglang may dumating na kahon sa hotel. Ang daming laman! Di ko na iisa-isahin kasi marami nga. Pero talagang para kong batang maliit na kagigising lang ng December 25! So break even lang. Lalo na ngayon kasi ako naman ang ninang. Ako naman ang taya.

3.) Caroling – Simple lang. Mamaos man sila kakakanta, mamamaos ka din kakasigaw ng: “Patawad! Sa Pasko na! September pa lang!”

4.) Reunion – Panahon na naman ng reunion. Sa totoo lang, di uso sa pamilya namin to. Magkakalayo kasi yung sa father’s side ko. Tapos mama ko lang ang nagasawa sa kanilang magkakapatid. Break even lang din ang reunion kasi kung gano ka kaexcited pumunta, ganun ka rin madalas kaexcited umuwi. Lalo na pag nagsimula na maginuman at magvideoke ang mga uncle mo, nagsimula na magchismisan o magaway mga auntie mo, at nagsimula nang sumpungin ang mga pinsan at pamangkin mo. Break even lang din kasi laging di kumpleto. Laging may absent at minsan ikaw yun! Break even lang din kasi dati inaasar mo yung mga pinsan mong walang boyfriend tapos ngayon ikaw na ang hinahanapan nila. Bawi-bawi lang.

5.) 13th month – May kasabihan nga ako, “Sa dami ng gastos, naglaho ang bonus.” Taon taon yan. Unless madamot ka.  Anong gusto mo itawag sayo – magastos o madamot?

6.) Weather – Tama si Kuya Kim. Weather weather lang nga. Kasi naman yung mga binubungang araw sa init nung summer, pyesta ngayon dahil malamig. Ikaw namang carry lang kahit mainit, nirarayuma sa lamig. Break even lang.

Sa totoo lang, bawi bawi lang naman. Patas like patatas lang. Isa lang naman ang lugi pag Pasko e. Yung dahilan kung bakit may Pasko. Siguro kung mataray si Jesus, isa-isa niya tayong kukurutin at sasabihan ng, “Birthday mo?!” habang taas kilay kasi wala na tayong ginawa kundi magisip kung paano gagastusin ang pera natin o ang pera ng magulang o ninong/ninang natin. Habang abala tayo sa kaliwa’t kanang sale sa malls, nalilimot ba natin kung anong natipid natin dahil Siya ang nagbayad?

Kung may exchange gift man na pinakaimportante, that is when the Father accepted Jesus’ sacrificial gift in exchange for the punishment for our sins. Yun. Di yun break even.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s